CHAPTER 56: Primordial Alyxandrius

Start from the beginning
                                    

Pag-angat ko ng tingin ay ang bagong dating na sina Tita Herisha sakayni tito Andreighus na lobo.


Kapwa duguan at sugatan ang mga ito, may ilang hiwa sa mukha, leeg, binti at braso si tita Herisha. May punit ang damit at magulo ang palaging maayos na buhok. Habang si tito Andreighus ay hindi ko masyado maaninag ang mga sugat niya dahil sa pagiging itim na lobo pero may ibang halata na dugo, napilayan ata itong paa dahil sa hindi pantay na paglalakad.



"THANK GOD!" Naisigaw ko sa tuwa.

Mabilis akong lumapit sakanila at iniabot kay tita Herisha ang bata na agad naman nitong inabot ng dahan-dahan at may pag-iingat.



"Kayo na muna ang bahala sa bata, kailangan kong sundan si Alpha Marion." Sabi ko.



"Teka, nasaan si Lexa?" Tanong ni tita Herisha.


"Ahh, nasa kubo. And please bantayan niyo sila ni baby, kailangan din ni Lexa ang tulong mo upang magpagaling siya." Seryoso kong sabi.



"Sige akong bahala." Seryoso at tumatangong sagot naman nito.



Nagpaalam na ako sa kanila at tumakbo pero napatigil ako. Ngayon ko lang napansin, hindi ko masyado iniisip ang kapaligiran dahil pokus ako kay Lexa.



At nandito pala kami sa tabi ng cliff, shit! Ito iyong nag flashback sa utak ko ah! Huwag naman sana mangyari ang nakita ko. Lumingon ako sa kubo at nakitang naroon na sina tita Herisha sa tabi ni Lexa na walang malay, habang nasira na ang kalahating bahagi ng kubo dahil sa paglalaban ng dalawang Alpha na parehong ayaw magpatalo.



Duguang Lexa, sugatang bata, sa gilid ng cliff. Shit! Itong ito iyong nangyari sa scenes na nag flash sa isip ko. Ayaw kong iwan si Lexa dahil ayaw kong mangyari ang nakita ko, gusto ko makasigurado.



Pero hindi ko rin pwede hayaan si Alpha Marion na makatakas sa amin. Hindi iyon pwede, kailangan nilang magbayad sa lahat ng nagawa nilang kasalanan sa amin.



Tinitigan kong muli si Lexa na ginagamot gamit ang spells. Alam ko hindi siya pababayaan nila Tito Andreighus.


Bumuntong-hininga muna ako bago humarap na sa daan na tinahak ni Alpha Marion. Sa kagubatan.



Nashift ako sa pagiging lobo at mabilis tumakbo upang habulin ang nakatakas na Alpha. Hindi pa rin kami makapaniwala na papanig siya sa pack na sumira sa pamilya nila, sa pack na pumatay sa sarili niyang anak.




Kahit nasasagi na ako ng mga nakausling kahoy sa daanan ay wala na akong pakialam. Amoy na amoy ko si Alpha Marion kahit malayo na siya sa akin, advantage of being primordial.





I can smell you, traitor.


Mas binilisan ko pa ang pagtakbo, doble sa normal na takbo ng mga lobo kaya ilang sandali pa ay tanaw ko na ang itim na lobong tumatakbo papalayo.



Napadila ako dahil sa gigil na mapatay siya. Hinding-hindi ako maaawa sa mga katulad nilang mga walang puso!


Nang malapit na malapit na ako sa kaniya ay bumwelo ako at tumalon nang sobrang taas na kaya ko at dinaganan siya.



Nagpagulong gulong kami hanggang sa mapahiga siya at ako ang nasa itaas.



*GROWL*


Pagdaing niya, at pilit kumakawala ngunit mas idiniin ko ang mga paa ko sa mga paa niya upang pigilan ito.





Iniangat ko ang aking kamay at handa na siyang patayin nang bigla itong nag shift bilang tao.


"SANDALI!" Sigaw nito.



Napatigil naman ako at inangilan siya, wala na akong pakialam kung matuluan man siya ng aking laway.




"M-may aaminin a-ako!" Nauutal na sabi nito.



Isa siyang Alpha pero sa itsura nito mukha nalang siyang ordinaryong lobo na takot na takot mapatay nang napakalakas na lobo.



Tinitigan ko lang siya at hindi sinagot, bagkos ay inangilan ko lamang siya.




"M-may n-nalalaman ako t-tungkol sa pagkamatay ng m-magulang niyo." Pinagpapawisang sabi nito.



Bigla akong napatigil sa sinabi nito. Matagal nang patay ang mga magulang namin, bata pa lang kami at inampon ni Loisa. Aksidente ang mga nangyari sa kanila.


"S-sasabihin ko p-pero h-huwag mo a-akong p-papatayin. P-parang a-awa muna, h-hawak nila a-ang bunsong a-anak ko." Umiiyak na sabi nito.



Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya pero dapat hindi ako magpahina dahil sa sinabi lamang nito, maging alerto pa rin ako dahil baka nililinlang lamang ako nito upang makatakas siya. Tsk.





"ROAR!"




Tanging naisagot ko sa sinabi nito. Kailangan malaman ko muna ang tungkol sa magulang ko bago akomag desisyon kung papatayin ko ba siya o palalayain.

THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now