Ngunit ng cellphone ko na ang nagring ay sinagot ko ito kahit na unknown number. "Hello, si Miran ba ito?" Awtomatiko akong napatingin kay Laze ng marinig ko ang boses ng mama niya.

"Opo, si Miran po."

"Are you with Laze right now? He's not answering any of my text and phone calls kasi. Is he okay?" His mom is really worried, papaano niya nagagawang balewalain ito?

"Yes po."

"Can you hand him the phone right now Miran? I'm sorry ha."

"Sure po, wait po." Tinignan ko si Laze at inabot ang cellphone ko sa kaniya.

"Mama mo," senyas ko pabulong.

Wala siyang nagawa kundi tanggapin 'yon ay itapat sa tenga niya ang cellphone ko. "What again?" Napalunok ako ng ganoon niya sagutin ang mama niya.

"Mom, I'm a freaking college student how can I do it?" Napatitig ako sa kaniya, I can't see any emotions right now but then my mind is keep on telling me he's mad.

"Sorry," mahina niya ng sabi. I stopped myself when I figured out he's guilty.

"S-Sorry mom, don't cry. I'm really sorry." Natigilan ako ng ibaba niya ang cellphone ko at napahilot sa sintido.

After that incident, he never spoke about his personal life. He never did actually, I was just being illusionist. After my part time job, dumeretso na ako sa comic book store, but then he's not there kaya naman mag-isa lang akong nag-aral hanggang sa matapos ko na ay umuwi na ako but to find out that mama is in the hospital.

Kahit gabing gabi na ay sumugod ako sa hospital, sa city hospital nila dinala si mama at sobrang nag-aalala ako ngayon. Nang makarating sa emergency room ay nakikita kong umiiyak si Yamato dahilan para kabahan ako. "What happened?"

"Mama." Pagtawag ko kay mama hanggang sa magmulat siya at tignan ako.

"Mama anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo mama?" Hinawakan ko siya sa kamay ngunit hindi niya nagawang sumagot.

"Ate k-kailangan ni mama ng operasyon." Bigla ay nanghina ang tuhod ko dahilan para mapalunok ako at piliting tumayo.

"H-Huh?"

"M-May sakit sa puso si mama, ate." Nang umiyak ang kapatid ko ay naluha ako, tinitigan ko si mama na halatang nanghihina kung kaya't yumuko ako at idinikit ang palad niya sa mga pisngi ko.

"Mama lalaban ka ha? Ako ng bahala sa babayarin. Basta magpagaling ka mama." Tumulo ang luha ko ng makita kong pati paghinga niya ay nahihirapan siya.

"Si Tito Jubal nasaan?" Tanong ko.

"Kaalis niya lang ate, para humanap ng pera." Pinahid ko ang luha sa sagot ni Yamato.

"Tignan mo ng mabuti si mama ha? M-Magtatrabaho ako ngayon. O-Overtime." Natigilan si Yamato.

"Ate alas dose na ng umaga.."

"Ayos lang, magkano yung gamot na kailangan ni mama?" Saktong dumating ang doctor.

"Doc magkano po yung gamot para ngayong araw? Pwede ko po bang malaman?" Natigilan ang doctor at bumuntong hininga, sakto ay inabot niya sa akin ang reseta at may presyo na doon.

Napalunok ako ng makitang lagpas lagpas 20k ang mga gamot na 'yon. Inayos ko ang sarili at nagpaalam muna kay mama. "Mama babalik ako, hintayin mo ako ha?" Ngumiti pa ako ng pilit at patakbong umalis ng hospital.

Malapit lapit lang naman ang cafe na pinagtatrabahuan ko kung kaya't nang makarating ako doon ay nagulat sila. "Oh late na bakit nandito ka pa? May shift ka ba ngayon?" Tanong ng isa sa nakakatandang kasama namin.

Must Have Been The Wind (3G Series #1)Where stories live. Discover now