My Poem Interpretation To My Lolo't Lola

Start from the beginning
                                    

"Mano po," ang sabi ko nang naihawak ko isa-isa ang kanilang kanang kamay patungo sa noo ko. Ganito talaga ang tradisyon dito sa Pilipinas sa paggalang ng ating nakatatanda bilang mabuting halimbawa habang tayo'y nasa kabataan pa. 

"Ooohhh, ang tangkad talaga at napaka-cute ang apo ko!" ang tuwa na sabi ni Lola Berlinda, ang ina ng daddy ko. 

"Hay, ang ganda pa rin talaga ng anak mong babae, Bernardo!" ang sabi naman ni Lolo Alejandro kay daddy ko. 

"Oo nga po, 'tay, 'nay," ang sabi ng daddy ko, "sa tagal na inaalagaan ko kay Gracielle mula pagkabata hanggang pagdadalaga, ginagabayan ko po siya nang maayos para tumino nang tuluyan, pati 'yung matutong magdasal kay Lord. Uhm, hm, hm, hm." 

"At paano mo pinatangkad ang anak mong babae?" tanong ni Lola Berlinda. 

"Siyempre 'nung bata pa ang anak ko," ang sagot ng daddy ko, "pinainom ko siya ng gatas at pinakain ko pa siya ng tinapay na may keso o mantikilya. 'Nung naging panganay ang anak kong babae hanggang tinedyer na siya inihain ko lang siya ng non-fat milk para hindi tumaba nang husto." 

"Sa palagay ko," ang sabi ni Lolo Alejandro kay daddy ko, "para ka bang nanay na pinakain ng anak, pwera na lang 'yung katulong mo nagawa ng paraan para alagaan ng anak mo." 

"Pwede," ang sabi ng daddy ko, "pero kung mabuhay sana ang asawa ko matutuwa talaga ang anak ko na mamahalin talaga na mag-iina." 

Napangiti ako nang tuluyan habang pinag-usapan nila tungkol sa inaaalagaan ng daddy ko sa akin. At habang ang lolo ko, lola ko, at daddy ko ay pinag-usapan pa ukol sa meeting venue kanina, umalis na lamang ako. 

******************** 

Oo nga pala, magpa-practice pala ako sa presentation ko ng nagawa kong original na poem na Ingles noong nasa third year high school pa ako. Magpa-interpret ko sana ito para sa lolo't lola ko tuwing sixteenth birthday ko noon, pero naudlot dahil nasa abroad sila. At ngayon dahil nandito na sila pagkakataon ko na ito para mapapa-impress sila ang ganitong talento ko. 

Nasa garden pa ako sa labas ng likuran ng bahay. Buti na nga nakahawak pa ako ng notebook ng nagawa kong poem para mag-practice ng pag-interpret ng mga linya na kailangang maisautak ko. Kung hindi baka makalimot talaga at magkamali ang pag-pronounce ko. 

Bandang alas-nueve y medya ng gabi na. Natapos ko na ang pagsasanay ko ng ilang tig-sangpung minuto. Buti pa nga nandito pa ang lolo at lola ko kasama ang daddy ko na nakaupo sila ng sofa. Nang natitipid na ang pag-uusap nila, marahan akong nakaharap sa kanila na may pormal na paggalang. 

"Ah magandang gabi po," sabi ko sa kanila. 

"Oh, Gracielle," sabi ni Lola Berlinda, "ba't hindi ka magpahinga o 'di kaya mag-aral?" 

"Ah hindi po," sagot ko, "meron lang po ako mag-perform sa inyo ng orig na English poem na nagawa ko noong third year high school pa ako." 

"Sige nga apo," sabi ni Lolo Alejandro, "ipakita mo sa amin 'yung sariling talento na nagawa mo." 

"Sigurado ka ba ang balak mo, anak?" tanong ng daddy ko. 

"Opo," sagot ko, "pero 'wag po kayo mag-alala, ginagalingan ko talaga ang pagtutula ko sa inyo na magugustuhan ninyo. Ang title ng poem na magpeperform ko ay 'Good Delight'." 

At nagsimula ang pagtutula ko ng mga sumusunod na linya na may sarili kong expression: 

"How I could ever felt a full of good delight/There were a chastity that comforted my life/Adoring every moment that I would ever wanted/A full of happiness, joyfulness, and worthiness. 

"Every good delight often abide for my emotions/Whenever I had forsaken every sorrow and pain/Bringing every tears that fell on my eyes/As if I could ever found a meaningful relief. 

"Whatever I should refrain to exceed my desire/But rather embrace through a modest destiny/A heed of good faith spoke through my spirit/To be lean and kind to embrace a good delight. 

"For what kind of good delight should ever bide/Without having to idle or disdain my emotions?/How I ever wished to dream a modest happiness/Relieving the impossible until I found repose." 

Iyon lang ang linya na tumatatak ang pag-narrate ko ng sarili kong poem. Kaya nag-bow ako kaagad hanggang pumapalakpak ang lolo, lola, at daddy ko. 

"Ang galing naman ng apo ko!" ang tuwa na sabi ni Lola Berlinda. "Paano mo nakuha 'yung magagandang poem na nag-interpret mo?" 

"Ah, pinag-aralan ko po talaga kung anong angkop na salita at sentence construction ang gagamitin," ang sagot ko. "Simple lang talaga ang nagawa ko at 'di gaano malawak ang pag-interpret ko. Ewan ko lang po kung kakayanin ko talaga mag-interpret na napakahaba, pero ito lang po ang kaya ko." 

Hindi ko pa maisip kung ano pa ang sasabihin ko sila bukod sa nag-interpret ko na ang nagawa kong simpleng English poem. Nang nagpaalam na ako sa kanila na kailangan na ako magpahinga, umalis na ako at pumasok uli ako sa bedroom habang nagpatuloy ang pag-uusap nila.

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoWhere stories live. Discover now