CHAPTER 50: Big Explosion

ابدأ من البداية
                                    

"T-teka lang." Pagpipigil ko pero ayaw nila paawat.

Hinayaan ko nalang silang tangayin ako kahit naguguluhan ako. May hindi magandang nangyayari alam ko, halata ko iyon.

Dinala nila ako sa office ni Klaude, may binuksang maliit na pintuan si Gamma Vernon sa likod ng book shelf. Pagpasok namin ay may hagdan paibaba, ano ito? Sikretong lagusan???

"Kailangan na nating bilisan."  Sabi ni Gamma Vernon na siyang nauuna sa amin sa pagbaba.

Pagdating namin sa ibaba ay napakaayos naman ng paligid. Sing laki ito ng isang guest room sa itaas. May mga gamit din dito gaya ng isang maliit na kama, isang sofa, isang maliit na mesa. May hanging cabinet rin na ang laman ay mga iilang pagkain.

Pinasadya itong lugar. Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Walang sinasabi sa akin si Klaude tungkol dito.

"Manatili na muna kayo rito, Luna. Babalikan ko kayo kapag nas ayos na ang lahat." Sabi ni Gamma Vernon.

"Ikaw na muna ang bahala sa kaniya Loisa. I trust you." Seryosong sabi nito kay mama Loisa na nasa gilid ko lang.

"Makakaasa ka." Sagot naman ni Mama Loisa.

Hindi pa ako muli nakakapagsalita nang mabilis ng umalis si Gamma Vernon. May pagmamadali at pagkataranta sa kaniya. Parang ang laki ng dala niyang problema kung titignan.

"Ang lakas ng pakiramdam ko na malaking gulo ang nagaganap ngayon." Sabi ko habang sa hagdanan paitaas ang aking tingin.

"Huwag muna problemahin iyon, magpahinga kana muna. Mas safe tayo rito." Sabi naman ni Mama Loisa at inaya ako sa kama upang makaupo ako.

"Iniisip ko si Klaude." Sabi ko at nalungkot bigla nang maalala ang aking asawa.

"Alam kong nasa maayos na kalagayan ang Alpha." Sagot naman nito.

Bumuntong-hininga na lamang ako at pumikit upang pakalmahin ang sarili na kanina pa madaming iniisip ma hindi naman dapat. Baka pati anak ko ay ma-stress sa akin.

Ilang sandali ay nakarinig kami ng malalakas na kalabog galing sa itaas. Napatingin kami pareho sa itaas at nakikiramdam.

May mga nababasag, nagsiaihulugang sa tingin ko ay vase at figurine. Parang may nanghahalungkat.

"Anong nangyayari?" Tanong ko.

Mabilis na tinakpan ni mama Loisa ang aking bibig.

"Ssshhh." Bulong niya sa tainga ko.

Matalas pala pandinig ng mga lobo. Napatango ako at nanahimik. Tumahimik na rin ang ingay sa itaas, umalis na yata ang nanggugulo.

Nahiga ako sa kama at pumikit habang hawak hawak ni Mama Loisa ang aking dalawang kamay na nasa ibabaw ng aking malaking tiyan.

"Magpahinga kana. Babantayan kita." Sabi ni mama Loisa.

Tumango ako at pinilit na huwag alalahanin ang mga bagay-bagay upang makatulog ako ng maayos at mabilis.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lamang ako nang makaramdam ng gutom.

Bumangon ako at nakitang tulog na rin si Mama Loisa sa gilid ko. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa hanging cabinet upang maghanap ng makakain...

Ngunit wala akong magustuhan sa mga naroon.  I don't know why. Ang arte arte ko na sa pagkain mula ng mabuntis ako, kahit hindi na ako naglilihi e wala pa ring pagbabago.

Nagdadalawang isip ako kung aalis ako at lalabas ng silid na ito o gisingin si mama Loisa upang samahan ako? Ewan ko.


Mahimbing ang tulog niya kaya ayaw ko istorbohin ngunit naaalala ko naman ang mga bilin nila Mama Loisa at Gamma Vernon na huwag akong aalis dito dahil safe ako rito. Hays.


Pigilan ko nalang muna gutom ko, kaya ko pa naman ng konti. Kaya pa iyan.


Bumalik ako sa kama at naupo habang isinandal ko ang aking likuran sa malamig na pader. I miss Klaude, I miss his scent. Hays.

"Klaude." Mahinang usal ko at sumulyap sa itaas.

Nasaan na kaya siya? Sana okay lang siya. Sana wala siyang kahit isang galos.



Ilang minuto ang lumipas ay nakarinig akong muli ng kalabog sa itaas. Parang galit ito dahil nakakarinig pa ako ng sigaw. Pati ang tulog na si Mama Loisa ay nagising dahil sa ingay.


Sinenyasan niya akong huwag mag-ingay. Itinikom ko naman ang aking bibig at tumango bilang pagsagot ng oo.


May narinig akong malakas na pagbagsak, at may kasama pang mga nagbabagsakan rin na mga......... libro???


Nagkatinginan kami ni Mama Loisa habang nanlalaki ang mga mata. Iyong book shelf! Halaaaaaaa!


Naging alerto si Mama Loisa, at ganoon na rin ang aking ginawa kahit nakaupo ako. Hawak ko ng isang kamay ang aking tiyan at ang isa naman ay mahigpit ang kapit sa kama.


Anytime ay malalaman na ng kalaban ang sikretong daan patungo sa kinaroroonan namin. Dapat na maging handa kami sa kung ano man ang posibleng mangyari.


Pumikit ako at taimtim na nagdasal.

Moon Goddess, sana walang mangyaring masama sa amin. Gabayan niyo po sana kami at huwag pababayaan..

THE SIGHTLESS LUNAحيث تعيش القصص. اكتشف الآن