Chapter 43

16.1K 496 166
                                    

Maxreign

"Wow, so you're expert with this field, I guess?" nakangiting saad ng taong kaharap ko.

I smiled sweetly at the organizer, nahihiyang tumungo ako. "Hindi naman po. Nakahiligan ko lang po talaga 'yung pagsasayaw."

"But you're doing this for 5 years, at saka kaonti pa lang naman ang nag-o-audition, karaniwan sa kanila mga baguhan pa lang and they're still training. So if ikaw ang kinuha ko, I'm sure na magiging maganda ang performance mo," nakangiting sagot nito.

Namumula ang mga pisngi na sinuklian ko ang ngiting binigay nito. "Naku, nakakahiya naman po. P-Pero salamat, ibabalita ko po 'to kay Bullet."

"Sige, ija. I'm looking forward for your performance, I'm sure everyone will like you."

Nakangiti lamang ako habang naglalakad pabalik sa cottage kung saan ko iniwanan si Bullet kanina. As soon as I got there, excited akong tumakbo papalapit sa kaniya.

"Bullet!" I called his attention.

He flashed a sweet smile when he saw me. Agad niya akong kinulong sa mga braso niya bago ako halikan sa pisngi. "Hey, how's it?"

"Nakapag-audition na ako," sagot ko.

"What's the result?"

"Sabi nila ako raw ang kukuhanin nila kasi interesado raw sila sa performance ko," masayang sabi ko habang nagniningning ang mga mata sa saya.

Mas lumapad pa ang pagkakangiti ni Bullet sa narinig. "So I'll finally have the chance to see you on dance floor?"

Agad na namula ang mga pisngi ko sa kilig. He really wants to see me dancing. Isa pa siya sa mga taong sumusuporta sa pagsasayaw ko.

"Everyone will like you, baby. Believe me, you dance so graceful, you're great. Huwag ka nang kabahan," pagpapalubag loob niya nang mapansin ang panlalamig ng mga kamay ko.

"Come on, I'll buy a dress for you."

Agad ko siyang hinila pabalik nang tangkain niya akong isama sa kaniya. Nagtatakang nilingon niya ako sa pwesto.

"B-Bullet. Can you buy a mask for me also?"

"Why?" he asked curiously.

"N-Noong sumasayaw ako noon, nagustuhan lang naman ako ng mga tao dahil kay kuya. Kasi k-kapatid ko si kuya, pero ngayon, gusto kong itago 'yung mukha ko. Can you do that for me, please?" I begged him.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Of course. You can always do whatever you want, Reign. I won't bother."

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sagot niya. I pulled Bullet for a hug, I really love him, so much.

Naramdaman ko ang pagsukli niya ng yakap sa akin. He even kissed my forehead before whispering sweet nothings.

Nang mawala na ang kakaibang emosyon sa puso ko, bumitaw na ako sa kaniya. I genuinely smiled at Bullet before holding his hand. "Tara, I want to buy a costume for the show."

He flashed a sweet smile before pulling me gently. Excited na sumunod na lang ako sa kaniya kung saan man kami magpunta.

"It smells so good," nakangusong sabi ko habang nakapalumbaba sa lamesa. I'm busy watching Bullet while he's cooking in front me.

Lumingon sa akin ang mahal ko bago ngumisi. "You mean, I smell so good?"

Nawala ang pagkakanguso ko pero napalitan naman ng pamumula ng mga pisngi ko, para na silang kamatis ngayon sa pula hula ko. Lagi na lang nagbibigaw si Bullet ng mga ganitong pick-up lines. I'm so kilig.

"Oo, ang bango rin ng nag-ku-cook, pati 'yung niluluto ang bango-bango rin," saad ko.

Napahalakhak siya sa sinagot ko. Hininaan niya ang apoy sa kalan bago humakbang papalapit sa akin, he leaned on the table before kissing my lips gently.

"I love you."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Why?"

Sumama ang timpla ng mukha niya sa sagot ko. "Anong bakit?" kunot noong tanong niya.

"May nangyari na naman ba?" kinakabahan kong dagdag.

"Anong nangyari?! Just say I love you too! Don't you love me anymore?" madamdaming tanong niya na nagpalaki sa mga mata ko.

"H-Ha? I love you too, sorry, a-akala ko kasi may sasabihin ka na namang bad news."

He smiled at me sweetly before messing my hair. "We need to go home the day after tomorrow, Reign. I'll tell you tomorrow what happened, after your performance. Ayokong sirain ang mood mo," he coldly replied.

Pinahinga ko ang magkabilang braso sa ibabaw ng lamesa. "I received a message last night, Bullet--"

"Baby."

Napalunok ako nang sunod sunod. "I mean, baby, sorry."

"Continue."

"I received a message about them again. Look," I handed him my phone na binunot ko mula sa bulsa.

Nakakunot ang noo na binasa niya ang text na galing na naman sa number na 'yon.

"Don't trust him that much, Reign. Bullet is playing around."

"Don't trust him that much, ha?"

Tiningala ko si Bullet nang magsalita siya bigla, nakita ko na lamang na nakaigting na ang panga niya habang galit ang mga mata.

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan bago siya yakapin. "Huwag mo akong sapawan, ako dapat ang galit, okay? Hayaan mo na sila. Kung sino man 'yan, sana hindi siya i-crush back ng crush niya."

Pumulupot ang braso ni Bullet sa baywang ko. "Once we got home, I'll hunt these fucking retards."

Napahagikhik ako sa sinabi niya. "Sama ako, hunting lang pala."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Stop laughing, Reign. This is a serious matter. They're really after that fucking chip."

Napanguso ako. "Serious naman ako, ha! Atsaka alam mo ba kung anong mapapasakanila kapag nakuha nila 'yung chip? They'll have the chance to rule over other groups and agencies. Ang chip na 'yon, pwedeng makapag-produce ng black cards. Bilyon bilyong pera ang makukuha nila."

He grinned. "I'm glad that you're not using it for yourself."

"Baka kapag ginamit ko 'yon magpatayo na ako ng barbie shop. Tapos aalipinin kita," pang-aasar ko sa kaniya bago pakawalan ang malanding hagikhik.

He chuckled mischievously before kissing my lips. Nang humiwalay siya ay kagat kagat na niya ang ibabang labi.

Bumaba ang mga mata niya sa ibabang labi ko bago niya haplusin 'yon. Muling bumalik ang mga tingin niya sa mata ko bago sumagot.

"I'm always willing to be your slave."

---

I'm sorry, mga love ko. Sorry kung ngayon lang nakapag-update. December 5, my grandfather died and kailangan siyang iburol sa Bulacan so bumyahe pa kami roon. Then December 8 sumunod naman 'yung tito ko kaya kailangan din naming pumunta sa Batangas.

Pero ito na, I loveee you all guys!

#MindanaoNeedsHelp

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now