Chapter 5

20.7K 701 126
                                    

Maxreign

"Kuya kasi, please, sama ako sa inyo!" pangungulit ko kay kuya habang nakalingkis sa braso niya.

"Maxreign, isa! Bitaw!" galit na sagot nito.

Mas hinigpitan ko lang ang pagkakakapit sa braso niya at nagpumilit pa rin.

"Please, kuya, hinding hindi talaga ako manggugulo sa inyo, pangako po," dagdag ko pa.

He took a deep sigh before facing me. "Maxreign, listen, that place is very crowded. Ayokong mapano ka pa sa show na 'yon. Baka magwala ako."

Tiningala ko siya. "No, kuya, I can handle myself. Promise, para saan pa po ang training ni daddy 'di ba?"

Ginulo lang ni kuya Max ang buhok ko. "Alright, you can come with us. Just behave, Maxreign. Don't do anything stupid especially when Bullet is around."

I pouted my lips. "Siya nga ang dahilan kung bakit gusto kong sumama."

Hindi makapaniwalang nilingon niya ako. "What the heck?! Akala ko naman gusto mong sumama dahil susuportahan mo ako! Kahit kailan ka talaga!" gigil na sigaw ni kuya habang dinuduro pa ang noo ko.

I giggled at my older brother mischievously. "Susuportahan naman talaga kita, kuya. Pero mas malakas nga lang kay Bullet, kasi siya ang asawa ko."

Kinaltukan niya ako nang mahina na ikinabusangot ko. Lagi siyang nananakit kapag hindi ko siya sinusuportahan, isip bata talaga 'to.

"Pre, andiyan na sila Bullet. Tara na." Lumingon kami ni kuya kay Calid na biglang pumasok.

Nilapatan ako ng tingin ni kuya kaya naman agad kong kinuha ang backpack na pink sa sofa. Humagikhik ako dahil sa excitement.

"Sasama raw kapatid ko, wala sila dad dito, walang magbabantay," kuya said while accompanying me to the white van.

Kasabay namin sa paglalakad si Calid na ngumiti sa akin. "Hi, Reign. Ang cute mo talaga."

Ngumiti ako. "Opo, sorry po, pero taken na ako by Bullet."

He chuckled unbelievably with my response. "Ang lakas mo."

Binuksan niya ang pintuan ng van, agad kong nabungaran ang asawa ko na nakaupo sa tabi ng bintana at nakasandal ang ulo sa sandalan.

"Hi baby Reign!" kuya's bandmates greeted me.

Agad akong kumaway sa kanila, nakita ko rin na nagmulat si Bullet mula sa pagkakapikit.

"I'll bring my sister with us, is it okay? Walang magbabantay sa kaniya sa bahay," sabi ni kuya Max.

Nakita ko kung paano tumaas ang kilay ng babaeng manager nila, nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay agad siyang ngumiti nang peke sa akin.

"Actually, Max, crowded kasi roon. Baka mapano pa ang kapatid mo kapag sumama siya." Naningkit ang mga mata ko nang marinig ang pagkaplastik sa boses niya.

"Walang tao sa bahay, manager Lim, ayokong pabayaan 'tong mag-isa," malamig na sagot ni kuya.

"But, Max, alam mo namang--"

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now