Chapter 3

21.9K 670 120
                                    

Maxreign

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan kung paano kumapit ang haliparot na babae sa dibdib ng asawa ko.

Mariin kong niyukom ang mga kamao suot suot ang masamang tingin sa guest na artista. Bakit ba guest pa 'to, e kitang interview nila Bullet baby ko ang segment?

Paepal.

"Darling?" Lumingon ako sa pintuan nang makita si mommy na sumilip.

Agad akong humagikhik at tumayo mula sa kama. Mabilis akong tumakbo papalapit kay mommy.

"Hi, mommy, bakit po?" nakangiti kong tanong at pinagsiklop pa ang mga palad.

"Aw, you're so sweet. I just want to talk to you, darling." Sinarado ni mommy ang pintuan at inalalayan ako paupo sa kama.

"What is it mom? Did I do something wrong?" kinakabahang bulong ko.

"No, of course!" she worriedly said. She hugged me before kissing my forehead.

"Ano pong sasabihin ninyo?" nakangusong tanong ko.

"I just want to ask you about your passion. Ang tagal na simula noong huli kang sumayaw, ayaw mo bang bumuo ulit ng grupo?" nag-aalalang sabi ni mommy.

Mapait akong ngumiti bago alisin sa bibig ko ang lollipop. "Mom, I don't want to dance again."

She combed my hair using her fingers. "But you are a great dancer, just like your brother. Sikat ka rin noon, bakit ayaw mong subukan ulit? I'm afraid na baka tuluyan mo nang makalimutan na gawin ang mga passion mo, dahil busy ka kay Bullet."

I shook my head. "Mom, I love Bullet, hindi po siya ang dahilan kung bakit hindi na ako sumasayaw. R-Remember? They betrayed me, mom. I trust those girls pero hindi naman po totoo ang mga pinapakita nila sa akin."

She smiled at me sweetly. "I know, dear. I'm sorry if pinaalala ko pa sa 'yo, susuportahan ka na lang namin ng daddy mo at ng kuya mo kung ano man ang magiging desisyon mo."

I pouted my lips to suppress myself from crying. "You're the sweetest, mom! I love you. Hug please?"

Mom immediately pulled me for a hug. "Only the best, for my daughter."

"Mom, I wanna say something po. I want to be honest with you kasi baka po pagalitan ako ni God," nag-aalangan kong saad.

Humiwalay sa akin si mommy at nilingon ako ng may pagtataka sa mukha. "What is it, darling?"

"Yesterday, I met Bullet, and may sumapi po sa aking something. I called him my husband, mom, I'm so dumb," nahihiya kong bulong.

Humalkhak si mommy sa tawa. "Oh gosh, darling, I never expected you to be this honest."

I was about to say something nang biglang pumasok si yaya Solis sa kwarto. Excited na lumapit siya sa akin.

"Maxreign, anak. Nandiyan ang asawa mo!" kinikilig na saad nito.

Napatayo ako sa kama habang nanlalaki ang mga mata. "Omygosh! Baka liligawan na niya ako!"

Mabilis akong tumakbo papalabas at sinilip ang sala sa ibaba. Nakita kong nakaupo nga ang mga kagrupo ni kuya sa sofa.

Nagmamadali akong tumakbo pababa sa hagdan. I giggled.

"Hi, Bullet!" nakangiti kong bati dito.

Nag-angat siya ng tingin sa akin pero mabilis niya ring binalik ang tingin sa laptop. Napanguso ako bago tumakbo papalapit sa direksyon nila.

"Hi Reign!" bati ng mga kagrupo ni kuya.

Ngumiti ako at kumaway sa kanila atsaka umupo sa tabi ni Bullet ko.

"Hi, asawa ko. Bakit ka nandito? Liligawan mo na ba ako?" tanong ko at sumilip pa talaga sa kaniya.

Hindi niya ako nilingon, nanatili lang siyang busy kaya napanguso ako.

"Bakit ayaw mong pansinin si baby Reign, master? Akin ka na lang Reign, sa akin ka sasaya habang buhay," malanding sabi ni Niccolo na ikinairap ko.

"Ayoko sa 'yo, loyal ako sa kaniya," mabilis kong sagot at kumapit pa talaga sa braso ng katabi ko.

Hindi niya ako pinansin, busy pa rin siya sa ginagawa.

Dapat masaya ako kasi hindi siya nagpapahawak sa kung sinu-sino, pero bakit pati ako nadamay dito?

"Reign, what the. Bitawan mo nga si Bullet!" sigaw ni kuya nang bigla siyang lumabas mula sa kusina.

Hinila niya ako palayo kay Bullet na ikinamaang ko. Agad akong ngumawa. "Kuya naman!"

"Reign, akyat sa kwarto. Isa," nagbabanta nitong saad.

Ngumuso ako at bumusangot. "Ang bad mo, minsan na nga lang kami magkita ni Bullet, sagabal ka pa."

Kuya dragged me upstairs, galit ang ekspresyon niya pero marahan lang ang pagkakahila niya sa akin.

"Aray, kuya why ba kasi?" nakakunot noong tanong ko nang makaakyat na kami.

"Reign, I know that Bullet is your crush. Pero hindi 'yan ang tamang gawin, hindi 'yan gawain ng isang matinong babae," mahinahon niyang sabi.

I pouted my lips. "Kumapit lang naman ako sa braso niya, kuya. Anong masama doon?"

"Reign, you are a decent woman. Hindi mo puwedeng gawin 'yon sa kahit na sinong lalaki!" he added.

Pinadyak ko ang paa. "But he's not any other guy naman, kuya. He's my future husband!"

My eyes twinkled with that thought.

Napahilot si kuya sa sentido. "Just listen to me, pumpkin. Huwag ka na ulit didikit kay Bullet nang gano'n. Only desperate women do that, okay?"

Umiling ako. "Bakit ba laging lalaki lang ang puwedeng mag-first move?"

"Hindi 'yon about doon, Reign, for goodness sake!" he exclaimed.

Lumaki ang butas ng ilong ko. "I'm so mad at you, kuya. Sorry po. Galit ako sa 'yo."

He took a deep breathe. "I'm sorry kung napapagalitan ka ni kuya nang ganito, ayoko lang na makita kang gano'n Reign. Makinig ka na lang sa kuya mo."

Ginulo niya ang buhok ko bago bumaba sa hagdan. Naiiyak na nilingon ko ang likuran niya na papalayo.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa hagdan at sinilip si Bullet sa ibaba. He's so handsome!

"Wow, what a greek god," I whispered habang pinapanood siyang mag-type sa laptop.

Napabuntong hininga na lang ako, ang hirap naman ng ganitong sitwasyon, nakasilip lang ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang bumaling ng tingin sa akin si kuya. He clenched his jaw.

"Maxreign Adalee!"

"Wah kuya!" Naiiyak na tumakbo ako papasok sa kwarto ko para hindi niya mapagalitan.

I immediately closed the door, napahawak pa ako sa dibdib dahil sa kaba.

"That's muntikan!" I whispered to myself.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now