Chapter 31

17.4K 543 103
                                    

Maxreign

"Good night po, mga kuya. Tulog na po agad kayo!" nakangiti kong sabi kila kuya Calid na isa isa nang nagpapaalam.

They look physically tired and sleepy, sana ay makatulog agad sila. 10 pm na rin kaya halata ang pagkapagod sa mga mata nila.

"Reign, sleep ka na rin pumpkin. Bukas na ulit gumala, okay?" kuya told me. I swiped my card habang nagpapaalam sa kanila.

Hinatid lang nila ako dito sa kwarto ko, sa ibang floor pa kasi ang mga kwarto nila.

"Goodnight baby Reign, sleep well!"

They bid goodbye to me kaya 'yon din ang ginawa ko. Naiwan na lang kami dito ni Bullet habang pinapanood silang sumakay sa elevator.

When the door closed, agad akong lumundag papalapit kay Bullet. "Swimming?"

He grinned at me before nodding his head. "Let's go."

"Teka, puwede ba akong mag-swimsuit?" buong pag-asang sabi ko.

Naningkit ang mga mata niya. "No."

"Wala naman na masyadong tao, kasi gabi na, e," pagrereklamo ko.

"I said no. Wear pajamas." Napanganga ako sa utos ng lalaking 'to.

"Ano? Hibang ka ba? Anong pajamas? Swimming nga 'di ba?" nagtatakang tanong ko.

"Wear pajamas, Maxreign," matigas niyang sabi.

"Bakit nga? E, wala naman na kasing tao masyado 'di ba?" Pinadyak ko ang mga paa ko para pilitin siya.

"Listen, baby. I am a man, I am fucking attracted to you and I might do something to you, more than kissing. Please, just do what I want. Nirerespeto kita," he said.

"B-But I can wear whatever I want, Bullet," saad ko sa mahinang boses.

"It's your right, I know. I am aware of that. But you are fucking sexy as hell and I won't be able to control myself." Ngumiti ako nang matamis sa kaniya.

Kung hindi niya lang ako inuto, hindi ako papayag.

"Sige na, wait lang ha? Hintayin mo ako dito," I told him.

Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko. Pinaghahagis ko na lang ang backpack at headband ko kung saan.

Katulad ng sinabi ni Bullet, kahit magmukha akong tanga, wala namang makakakita, nagsuot na lang ako ng pajamas.

Humahagikhik na lumabas ako sa kwarto, I saw him waiting for me kaya lumundag ako papalapit.

"Let's go na, please!" excited na sabi ko.

Hinalikan niya ako sa noo bago ako akayin papalabas ng hotel. He place our stuffs inside a big cottage bago ako alalayan papalapit sa dagat.

Bumitaw ako sa kaniya at mabilis na tinakbo ang dalampasigan. I giggled when the waves hit my legs.

"Aww! Too cold!" I uttered bago yakapin si Bullet.

"Careful, baby. Huwag kang lumayo sa akin, I know how careless you are," he said while caressing my back.

Pinagsawa ko ang mga mata ko sa yummy abs niya. Namumulang umiwas ako ng tingin nang ma-realize ang kaharutan ko. Napakalantod ko talaga.

Binuhat niya ako kaya agad kong pinulupot ang dalawang braso ko sa leeg niya. He walked towards the water, palalim na kami nang palalim kaya napangiti ako sa sobrang excitement.

He carefully let go of me, nanginig pa ako sa lamig ng tubig kaya agad akong kumapit sa kaniya.

Hinaplos niya ang braso ko. "You'll get over it, soon. Just enjoy, baby."

Unti unti akong bumitaw sa kaniya nang maramdamang nakampante na ang katawan ko sa temperature ng tubig.

Humahagikhik na hinampas ko ang tubig dahilan para mabasa ang mukha naming dalawa. He chuckled with what I did before pulling me closer to him.

Sabay kaming nag-dive sa tubig at lumangoy pa sa mas malayo. I can swim naman kaya walang dapat i-worry kasi sanay na akong lumangoy.

"Look, oh. There's a fish under my feet," I told him while wiggling my feet under the water.

"I'm surprised that you are not scared," he said while smiling.

Kumapit ako nang mahigpit sa balikat niya. "Ang cute kaya ng mga fish, bakit naman ako matatakot sa kanila."

Hinawakan niya nang mahigpit ang baywang ko. I feel safe in his arms kahit medyo malalim na ang kinalalagyan namin.

I felt his lips on my neck. "I love you."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ang sinabi niya. Lumayo ako nang bahagya sa kaniya.

"Anong s-sabi mo?" nauutal kong tanong sa kaniya.

Tiningala niya ako. "I love you."

Mas nawala ako sa sarili nang ulitin niya pa. Ilang beses akong napakurap dahil doon. He loves me.

He loves me? Since when?

"Baby, why are you so quiet? Tell me, don't you love me?" nag-aalala niyang tanong habang sapo sapo ang magkabilang pisngi ko.

Napakurap ako nang wala sa oras. I can't believe that he really said those words. I've been waiting for him to say those.

I've been waiting for him to notice me, 5 years ago. Sulit ba ang lahat ng pagod at suporta ko ngayon? He finally recognized me, he's even inlove with me, base on his statement.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. What if, he's just attracted to me? Hindi ba't gano'n naman talaga ang mga lalaki? They'll tell you that they're inlove with you, pero hindi naman totoo ang nararamdaman nila.

"Are you afraid?" Lumingon ako nang magsalita siya.

"W-What?" I uttered.

"Are you afraid that I'm lying to you?" dagdag niya pa.

Hindi agad ako nakasagot. I mean, how am I supposed to answer that?

He kissed me gently on my lips while caressing my cheeks. "Baby, trust me. I'm inlove with you, so much. More than the world may know."

Napaluha ako sa sinabi niyang 'yon. He sounds so sincere with his words and I can't help but to trust him.

"I love y-you too," umiiyak na bulong ko. "Matagal na. Mahal na mahal kita, Bullet."

He bit his lower lip before hugging me tight. "I know, baby. I know. Stop crying, I love you so much, baby."

I hugged him tight. "I'm trusting you, Bullet, tiwalang tiwala ako sa 'yo. Sana totoo lahat ng sinasabi mo. Kung pinaglalaruan mo lang ako, ngayon pa lang umalis ka na sa buhay ko."

"Baby, have faith in me. I will never play with you," he added.

Nakampante ako habang nakasandal sa dibdib niya. I hope he's not lying at all.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz