Chapter 45

15.7K 559 242
                                    

Maxreign

"Gosh, Bullet! Look! Mas lalong kumakalat 'yung performance ko," manghang saad ko habang pinapakita sa kaniya ang cellphone.

Mabilis niyang kinabig ang manibela para ihinto ang sasakyan. He smiled at me before scrolling through my social media's newsfeed.

Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan ang paligid. No words can explain how happy I am right now. Kahit pa hindi buong pagkatao ko ang kilala sa buong bansa ngayon, atleast people appreciate me.

Bumaling ang tingin ko kay Bullet nang hawakan niya ang kamay ko. I smiled sweetly infront his eyes. "Why?"

"Get down," saad niya sa seryosong boses.

"W-What?"

Hindi na siya sumagot pa, mabilis niyang niyuko ang ulo ko kasabay nang pagtagos ng bala sa windshield mula sa unahan.

I gasped when Bullet quickly carried me like I am a fragile glass, nilagay niya ako sa pinakalikod at pinaupo ako sa sahig ng sasakyan.

He gave me a small gun before kissing my forehead. "Stay here. Cover your ears if necessary, huwag na huwag kang lalabas hanggang hindi ko sinasabi. Naiintindihan mo?"

Hindi na ako nakamaang pa nang bigla na lang siyang lumabas mula sa sasakyan. Hawak hawak ko ang dibdib dahil sa sobrang kaba ngayon.

What's happening?

Tinakpan ko ang magkabila kong tainga nang makarinig nang malakas na putukan ng baril sa labas.

I gasped when the door suddenly opened. Tinangka akong hilain ng lalaking nakaitim pero mabilis kong ikinilos ang mga paa at sinipa siya sa mukha.

I aimed the gun at his head before pulling the trigger. Nanginig pa ang mga kamay ko nang makita ang pagtumba nito sa lupa, walang buhay.

Inis na sinipa ko ang binti niya na paharang-harang. "Bakit mo kasi ako ginugulat?! Argh! Ayan patay ka tuloy. Nakaka-iritate kayo!"

Padabog akong sumilip sa labas, una kong napansin si Bullet na swabeng nakikipagpalitan ng bala sa mga lalaking nakapalibot sa kaniya.

Omygosh, he's so hot! He's my boyfriend, yes!

Napahagikhik ako bago paputukan sa leeg ang isang lalaking kalaban niya. Mukhang na-distract ko si Bullet dahil sa ginawa ko dahil bigla na lang siyang lumingon sa akin.

I waved my hands while chuckling mischievously. Bumalik siya sa pakikipaglaban pero paatras na ang lakad niya. Nang makalapit siya sa akin, he quickly grabbed me to stay behind him.

"Fuck, ang kulit mo talaga! Sabi ko huwag kang lalabas!" galit na sabi nito habang patuloy pa rin sa pakikipagbakbakan.

Napanguso ako. "Pabibo ka naman. E may pumasok sa loob ng sasakyan tapos muntik na akong makuha! Edi hindi na ako safe roon. Atsaka ano bang akala mo sa akin? Mahinhin na pabebe? Pabebe lang ako pero hindi ako mahinhin! I can fight!" galit na sigaw ko.

"I'm sorry for shouting at you. Then go, shoot everyone."

Napangisi ako bago lumabas sa likod niya. Walang kahirap-hirap na pinagbabaril ko ang mga lalaki sa harap namin.

We both hid behind our car while he's loading our gun. Nginisian muna ako ni Bullet nang makita niya ang bangkay sa harap ng pinto.

"Fuck, flawless kill," he added.

Nagyayabang na tumango ako. "Swabe 'diba."

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan bago paputukan ang mga natitirang lalaki. I aimed for their heads para siguradong patay na silang lahat at wala nang dapat balikan.

Ayoko sa lahat ay kung kailan happy na at nagyayakapan na, biglang may babangong tao at babarilin 'yung isa. Hays, nakakairita talaga ang mga drama! I'm making inis.

"Shoo," I said nang makitang ubos na ang lahat ng nakapaligid sa amin.

Pagbaling ko kay Bullet, laking gulat ko nang makita ang nagdudugo niyang braso. Hindi niya man lang ininda 'yon, busy siya ngayon habang pinalibutan ng puting tela ang braso niyang nagdurugo.

Naiiyak na naglakad ako papalapit sa kaniya. "Bullet, why are you wounded?"

Nag-angat siya ng tingin pero agad na kumunot ang noo niya pagkatitig sa akin. "Why are you crying?"

"Because masakit 'yan, e," naiiyak kong sagot.

He chuckled mischievously. "My pain tolerance is 100, and this pain is only 10 percent. Nothing to worry about, baby. Come here, stop crying, I love you."

Pinahid ko ang mga luha sa pisngi nang halikan niya ako sa noo.

"Sure ka, hindi masakit 'yan? S-Saan mo nakuha 'yan?" I asked him.

"When I looked at your direction a while ago," pag-amin niya.

Mas napaiyak pa ako sa konsensya. "Shit, sorry baby. Hindi na ako kukulit kahit kailan, promise."

He grabbed my neck before hugging me tightly. Agad naman akong sumiksik sa leeg niya at doon nagpabebe.

"Shh, it's fine. It doesn't even hurt me, okay?"

"Bakit hindi ka nasasaktan? Tao pa ba kayong magkakapatid? Para kayong mga mutants, mga aliens," nakangusong baling ko sa kaniya.

Sumeryoso ang mga mata niya. "We were used to these kind of pain. Mas malala pa rito ang training namin. Everyday, we need to undergo different kinds of training. At kahit wala naman kaming kasalanan, kuya Avenight will punish us by giving us lashes on our back. Kaming walong mas nakakabata sa kaniya, we experienced those traumatizing pain and trainings."

Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya, nakatulala lang ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya.

"L-Lashes? Trauma? B-Bakit kayo pumapayag?" takang tanong ko.

"Kuya Avenight experienced worst than those things. Alam mo bang pinalangoy siya sa dagat na punong puno ng pating? He survived that. He even survived parkour trainings while his clothes are burning in fire. All of that, very traumatizing. And look at him now, a powerful man. Just be thankful that he loves us, so he never let us experienced those things." Napangiti ako nang halikan niya ako sa labi.

"Edi thank you kuya Avenight."

"You're welcome."

Nanigas ako sa kinatatayuan nang makarinig ng isang malamig at malalim na boses sa likuran ko.

Pagtingala ko kay Bullet, namumutla rin ang mukha nito habang nakatingin sa likuran ko.

Dahil sa pagka-curious, agad kong nilingon ang taong 'yon para lang mapaatras.

Nang makasalubong ko ang mga mata nito, para akong tinakasan ng sariling hininga.

His eyes, they are different colors!

"K-Kuya Avenight."

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now