Chapter 22

19.9K 601 97
                                    

Maxreign

"B-Bullet, ano bang nangyayari? Bakit nagkakagulo?" kinakabahang tanong ko sa lalaking humihila sa akin.

Hindi niya ako sinagot, dire-diretsyo ang paghigit niya sa akin papunta sa van. Nasa likuran namin si Kris na inasikaso na ang ilang mga costumers para lumabas sa restaurant.

Inalalayan ako ni Bullet na maupo sa loob ng van, he kissed my forehead. "Stay right here, I'll just ask kuya Xord about this. I have my mens around this area so you don't have to worry."

Nanginginig ang kamay na tumango ako sa kaniya.

"Bakit may s-sumabog?" nauutal kong tanong.

"Some mens planted a bomb near the restaurant," sagot niya na nakapagpatunganga sa akin.

A bomb?

Parang dati lang din, pero ayoko nang bumalik sa pangyayaring 'yon.

"Mag-iingat ka, B-Bullet, baka may bomba pang sumabog," I told him.

He flashed a smile before kissing my lips. "I will, I'll be back, just stay here."

Nilagpasan niya si Kris na nakatulala na ngayon sa akin, pinanood ko na lamang ang likod ni Bullet habang papaalis siya.

"Girl!" Napatalon ako sa kinauupuan nang sumigaw si Kris sa pagmumukha ko.

Nawala bigla ang takot ko at napalitan ng inis. "Bakit ka nanggugulat?!"

"What the hell was that, Maxreign. Tell me na nananaginip lang ako!" hysterical na sigaw niya.

I bit my lower lip nervously. "K-Kris, bakit naman ito pa ang iniintindi mo kaysa sa pagsabog na nangyari? Your restaurant was damaged!"

Pumitik siya. "Girl, money can fix it, but this scene! This is priceless! Like bitch, hindi ko nga alam kung totoo ba ang nakikita ko kanina o namamalikmata lang ako."

"Totoo nga kasi, Kris. Ang OA naman ng reaction mo," bulong ko.

"Totoo?! OA?! Sinong hindi magiging OA kung makikita mo ang kaibigan mo na kasama ang ultimate love of her life niya? You don't understand me, alam mo ba kung ilang beses mo nang nabanggit ang pangalan ni Bullet sa amin? Girl, hindi ko mabilang! And hindi lang 'yon, ha? He even kissed you, infront of my beautiful eyes!" he said.

I pouted my lips before frowning.

"Naiintindihan ko naman ang reaksyon mo, ako nga rin hindi ako makapaniwala sa ganitong set up namin ngayon," mahina kong sabi sa kaniya.

"So, what happened ba kasi? I'm hella confused right now." Halata naman sa mukha niya ang pagkalito kaya hindi ko maiwasan ang matawa.

"Ang pangit mo," humahagikhik kong pang-aasar.

He rolled his eyes on me at nag-flip hair pa.

"Duh, bitch, mas maganda ako sa 'yo," maarte niyang sabi kaya napanguso na lang ako.

"So, ano na nga? Magkuwento ka! Dalian mo! Natataranta at na-e-excite ako!" pumapadyak niyang saad.

Tumikhim ako at pinaningkitan siya ng mga mata. "Really? Ito talaga ang uunahin mo, ano? We're in the middle of crisis!"

Siya naman ngayon ang nagtaray. "Oopps, bitch, huwag kang gumawa ng reason para makatakas. Spill the tea!"

Wala na akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga.

"Noong nakaraang linggo nangyari, hindi ko kasi siya pinansin kasi naiinis ako sa kaniya. Tapos 'yon na n-nga, bigla na lang niya akong hinalikan," nauutal kong sabi.

Nagulat ako nang bigla siyang tumili nang malakas. Nataranta pa ako nang lumabas ang mga nakaitim na tao mula sa paligid, sila ba 'yung mga tao ni Bullet?

They look scary!

"Kris! Hinaan mo nga ang boses mo!" saway ko sa kaniya.

Agad naman niyang tinakpan ang bibig. "I'm sorry, mygosh, I was carried away! So anong nangyari pagkatapos? Alam na ba ni baby Max ko na may something sa inyo ni Bullet?"

Umiling ako at malungkot na tumungon "'Yon na nga ang problema dito, Kris. I don't know how to tell kuya about this, kasi sabi niya hindi raw ako puwedeng makipag-date habang hindi pa ako nakaka-graduate. He told me that he'll do everything para ilayo ako kay Bullet kung sakali man na mag-date kami."

Bumagsak ang mga balikat niya. "Oh gosh, really? Paano na 'yan, alam mong hindi ninyo 'to matatago ni Bullet nang matagal. Atsaka may label ba kayo?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sige! Ipamukha mo pa, bakla ka!" inis kong sabi.

He laughed mischievously. "Girl, mabuti na ang sigurado tayo, ano ka ba? Mamaya pinaglalaruan ka lang ni Bullet."

"Ano ka ba naman, h-hindi naman siguro," utal kong sabi.

"What if nga 'di ba? What if he's just trying to get your heart, kasi alam niya na patay na patay ka sa kaniya. You know how wicked he is, a man like him, what if he's just playing with you?" Mabilis kong tinakpan ang bunganga niya nang makita si Bullet sa likuran niya.

Bullet is wearing an odd expression, he's so mad, I can feel the dark aura around him.

Agad namang lumingon si Kris sa likuran niya at namutla. Tinaas niya ang dalawang daliri na parang "peace sign".

Napalunok ako nang samaan siya ng tingin ni Bullet habang naglalakad papalapit sa akin. Agad naman siyang binigyan ni Kris ng daan.

Nang makalapit sa akin si Bullet, agad niya akong kinulong sa mga bisig niya at hinalikan sa sentido. "Hi, baby, I'm back. How are you? Do you have any bruises?"

Agad naman akong umiling sa kaniya. "H-Hindi, naiwasan ko naman 'yung papalipad na bagay sa akin kanina. Ikaw? Ayos ka lang?"

He smiled at me before nodding his head. "Yeah, I am fine. We already caught those men who planted the bombs. Ako na ang bahala sa kaniya."

Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa biglang pagdaan ng galit sa mga mata niya.

Hinaplos ko ang braso niya. "Thank you for arriving early. Baka natakot na nang tuluyan ang mga tao sa loob kung walang tulong ninyo."

Mariin niya akong hinalikan sa labi. "I was following you the entire time, Maxreign. Next time, matuto kang magpaalam sa akin."

I bit my lower lip nervously. "S-Sorry."

"And don't listen to him," patukoy niya kay Kris. "He's lying to you. Huwag na huwag kang maniniwala sa kaniya."

Tumango naman ako. "I won't, promise."

"Good, let me take you home."

--

Keep safe everyone! Mabuti na ang handa tayong lahat, please don't forget to pray for everyone's safety!

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon