Chapter 11

20.6K 688 110
                                    

Maxreign

"Tapos sa Tuesday, we have to fly all the way to Cebu kasi may interview po kayo roon," saad ko.

Nakita kong tumango silang lahat sa sinabi ko, kasalukuyan silang inaayusan ng mga staffs. As usual, may show na naman sila.

Ang hirap talaga kapag mala-artista ang asawa mo, marami kang kaagaw.

"Okay, please get ready everyone! We'll start after 5 minutes!" sigaw ng director.

Agad kong inayos ang mga gamit nila kuya, dito na rin ako tumambay para walang magnakaw. Mahirap na, wala kang puwedeng pagkatiwalaan ngayon.

Nakita kong napadaan ang isa pang grupo ng mananayaw sa harapan nila kuya. Kitang kita ko kung paano ngumisi ang grupo ng kalalakihan.

Naningkit ang mga mata ko nang mapansin ang ginawa nila, pinanood ko ang paglalakad nila papalayo habang naglalakad na sila kuya papunta sa stage.

"Ang tapang ng mga 'yon, ha, hambog," galit na bulong ko.

The shoot started at proud na proud naman akong nanood na sa kanila. Habang sinasagawa ang part nila, kitang kita ko ang grupo ng kalalakihan sa gilid ko na nag-uusap.

Kahit hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila, alam kong inggit ang mga 'to kasi mukha silang mga paa. Ang kakapal ng mukha, may itsura naman silang lahat pero kalyo ko lang sila.

I clapped my hands silently nang matapos sila asawa ko. Masayang tumayo ako sa kinauupuan nang makitang naglalakad na sila papalapit sa akin.

"Wala na ba tayong pupuntahan?" tanong ko kay kuya.

Ginulo niya ang buhok ko at tumawa. "Why, nagugutom ka na naman ba?"

I nodded my head before pouting. "Let's eat muna bago kayo umuwi, please?"

He chuckled playfully. "Boss, daan muna tayo sa restaurant. Nagugutom 'tong kapatid ko."

Pinatong ni kuya ang buong braso sa ibabaw ng ulo ko dahilan para mapasimangot ako.

Nakita kong lumingon sa akin si Bullet bago tumango.

"Yohoo! Kakain na naman tayo at libre ni boss!" hiyaw ni Niccolo na sumuntok pa sa hangin.

I giggled with his actions. Nakisakay pa ang iba sa kaniya.

"Patay gutom talaga si Piccolo," pang-aasar ni kuya Hrein sa kaniya.

"Anong Piccolo? Tangina ka bulol," inis na sabat sa kaniya ni Niccolo.

"Tama na 'yan, kain na tayo, kanina ko pa gustong lumapang," singit naman ni kuya Calid.

Niligpit lang namin saglit ang mga gamit bago lumabas sa studio. Naghintay ako sa labas ng van habang pinapasok nila ang mga gamit sa loob.

Lumingon ako sa gilid nang makita ang paglapit sa amin ng grupong 'yon kanina. Agad na sumiklab ang inis sa looban ko.

"I have to answer this call for a while, I'll be back," paalam ni Bullet sa amin bago lumayo.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now