Chapter 35

17.2K 529 91
                                    

Maxreign

"Wieee!" excited na sabi ko habang pinagmamasdan ang dinadaanan namin.

"Are you excited?" tanong ni Bullet na nagmamaneho, I smiled at him before nodding my head.

"Where are we going by the way? Malayo ba?" tanong ko sa kaniya.

He held my hand before kissing it. "My brother's island, Third."

"Woah, so island din? What are we gonna do there? Atsaka bakit 1 week tayong mawawala?" sunod sunod na tanong ko sa kaniya.

He chuckled softly. "Gusto nga kitang masolo."

I pouted my lips before frowning when I heard what he said. "Paano 'yung nga shows ninyo? Wala ba kayong schedule?"

"I cancelled all of them, I don't give a damn fuck with their offers, it's boring," he simply answered habang pinapatakan ng maliliit na halik ang palad ko.

Ngumiti ako nang alanganin sa kaniya. Ang sipag talaga niyang magmura, araw araw na lang. Nagpapantig ang mga tainga ko.

Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang notification sa isang website na hindi ko naman kilala. Hindi ko nga rin pinapasok ang website na 'to.

I opened it because of my curiousity, bumungad sa akin ang napakaraming codes na lumalabas sa screen ng cellphone ko. I tried to exit from the website pero hindi naman ako nagtatagumpay.

Ilang segundo pa ay lumabas ang salitang "TRACKED" habang nakalagay sa baba nito ang location.

Our current location. Right now.

I saw a green dot na umaandar sa background ng screen. Pakiramdam ko ay kami ito ni Bullet, and someone's following us.

Seryoso nga talaga sila sa pagbabanta nila.

Humigpit ang kapit ko sa upuan nang maramdaman ang pagharurot ng limang itim na kotse palagpas sa amin.

Nilingon ko si Bullet na sa tingin ko ay nakahalata na.

"B-Bullet, I think they t-tracked my location," kinakabahang sabi ko sa kaniya.

Ayoko siyang madamay dito, pero dahil sa akin ay malalagay pa sa panganib ang buhay niya.

"

They're here?" tanong niya na agad ko namang sinundan ng tango.

He nodded his head, nag-iba rin ang ekspresyon ng mukha niya. Mas dumilim at mas naging malamig.

Pinrotektahan ko ang sarili ko nang biglang iliko ni Bullet ang sasakyan, kitang kita ko rin ang pagsunod ng sampung itim na sasakyan sa amin.

I bit my lower lip nervously. This is a serious matter. Hindi pwedeng madamay si Bullet dito.

"B-Bullet, ibaba mo na lang ako. Tapos umalis ka na," I told him habang nanginginig ang mga kamay.

"Shut up." 'Yon lang ang naging sagot niya bago siya tumingin sa side mirror.

Muli niyang niliko ang sasakyan bago ito iatras. Now we're facing the cars na papasugod sa amin ngayon.

Napapikit ako nang makitang pinilit ni Bullet na dumaan sa gitna ng mga 'to, 'saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang malagpasan namin sila.

As usual, they did their best to follow us again.

"Maraming madadamay dito Bullet, maraming sasakyan. I told you, i-iwanan mo na lang ako," naiiyak kong pangungulit sa kaniya.

Hindi na naman siya sumagot, pinihit niya ang manibela para lumiko kami sa isang tagong lugar. Kita ko pa rin sa likuran na nakasunod ang mga kotse sa direksyon namin.

"Close your eyes, baby. Don't open it unless I say so. Stay inside the car and I'll do the rest," malamig na paalala sa akin ni Bullet bago niya ihinto ang sasakyan.

Natatarantang pinagmasdan ko siya habang inaalis niya ang seatbelt.

"B-Bullet, saan ka pupunta? Sama ako," naiiyak kong sabi.

Ngumisi siya bago ako halikan sa labi. "I'll finish them. Stay inside the car, baby. Huwag kang makulit. Sit on the backseat so you can run if ever that they open the door on the other side."

Hindi na ako nakapagsalita pa nang bigla siyang lumabas mula sa sasakyan. Agad akong lumipat sa likuran, ito lang ang sinunod ko sa mga sinabi niya.

Inangat ko ang mukha para panoorin kung ano ang gagawin ni Bullet.

I saw different kinds of armed men coming out from the cars. They look dangerous, pero mas kinakabahan ako sa pinapakitang emosyon ni Bullet.

Nagulat na lamang ako nang biglang hugutin ni Bullet ang baril na nakatago kung saan. Mabilis niyang pinagbabaril ang ibang lalaki habang naglalakad papalayo.

May sumugod na ilang lalaki sa kaniya pero tadyak at sila lang ay tumba na agad ang mga 'to.

Hindi ko maiwasan ang mapahanga dahil sa sobrang galing niyang makipaglaban, swabe lang ang pakikipagpalitan niya ng bala sa mga lalaki na kaonti na lang ang natira.

Who are you, Bullet? Sino ka ba talaga?

I bit my lower lip kasabay nang sunod sunod na paglunok ko nang makita ang isang lalaki na may hawak na baril sa kalayuan.

He's aiming to Bullet at hindi ko maiwasan ang kabahan dahil doon. I won't let him hurt my bebe!

Sinubukan kong buksan ang kung anu-anong buttons dito sa kotse. Nang mapadako ako sa harap, I opened the small space there. Bumungad agad sa akin ang baril kaya nakagat ko ang labi ko.

Good thing that daddy trained me to use this. Pero kinakabahan ako dahil hindi pa ako nakakaranas na makaputok ng baril.

Dali dali akong lumabas mula sa sasakyan. I aimed the gun to my target na para bang handang handa na sa gagawing kilos.

Huminga ako nang malalim bago buong lakas na pinaputukan ang direksyon niya.

Nataranta pa ako nang makita kung paano lumusot ang bala sa ulo niya. Halos mabitawan ko ang baril sa labis na panginginig.

Nang ilibot ko ang tingin ko, patay na ang lahat ng lalaking nakapaligid sa akin.

I saw how Bullet turned his gaze on me. He looks worried because he saw what I did.

Nag-aalalang tinakbo niya ang pwesto ko. He held my cheeks while looking at me. "Baby?"

Ginawa ko ba talaga 'yon? Nakapatay ako?

"Baby, look at me. Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Bullet.

Tiningala ko siya. "W-What?"

Hinaplos niya ang pisngi ko bago ako halikan sa noo. "You're trembling, baby. Calm down, okay? I'm here. It's okay."

Gumaan ang paghinga ko dahil sa boses niya.

"I k-killed someone, Bullet. H-Hindi ko naman sinasadya," nauutal na saad ko.

"It's okay, it's alright. You're still a good girl, okay?" Pilit akong tumango sa sinabi niya.

I felt how he caged my inside his arms.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon