Chapter 8

19.8K 664 197
                                    

Maxreign

"Hello baby Reign! Sama ka ulit sa amin, ha? May interview kami sa same network," nakangiting bati sa akin ni Niccolo nang mapadaan ako sa sala.

Agad akong ngumiti at humagikhik. "Nasaan po sila Bullet?" tanong ko.

Tinuro niya ang labas. "They're preparing on the van, hinihintay ko lang ang kuya mo. Sinabi na rin niya sa amin na sasama ka."

Napapalakpak ako sa tuwa. "Sure po, magbibihis lang ako saglit para mas ma-inlove pa po sa akin 'yung asawa ko sa labas."

Malakas na tawa ang sagot niya sa akin, sapo-sapo niya pa ang tiyan sa paghagalpak. "Napaka-confident mo talaga, feeling ko tayo dapat ang magkapatid."

Bumusangot ako. "Confident lang po ako, pero makapal po ang mukha ninyo. Toodles!"

Nakita kong napahawak ito sa dibdib na para bang nasasaktan, I just shrugged my shoulders and giggle at him. Nagmamadali kong tinakbo ang kwarto para magbihis.

I wore a pastel pink t-shirt and jeans, sinamahan ko pa ng cute na pink headband sa ulo. Humarap ako sa salamin pagkatapos.

"Charan! I'm so cute!" I excitedly uttered.

Kinuha ko ang pink na backpack ko sa cabinet atsaka mabilis na bumaba sa sala. I saw kuya waiting for me kaya agad na pumuslit ang ngiti sa labi ko.

"Kuya, let's go na!" excited na sigaw ko bago kumapit sa braso niya.

Natatawang ginulo ni kuya Max ang buhok ko bago ako akayin palabas ng bahay. I saw them waiting for us.

"Kuya, tabi ako kay Bullet," bulong ko sa katabi.

Bumuntong hininga siya at sinamaan ako ng tingin, he gestured the seat beside Bullet na agad kong ikinahagikhik.

"Yehey! Salamat!" I kissed him on the cheeks bago tumabi sa asawa ko.

"Hi, Bullet," kinikilig kong sabi sa kaniya.

Tumingin lang siya sa akin bago muling mag-iwas ng tingin. Napabusangot ako ng wala sa oras.

Nakita ko ang mga mata ng manager nila na nakatingin sa akin mula sa salamin. She rolled her eyes on me when she notice that I'm looking at her.

"Hay! Ang lamig lamig dito, kuya, halatang umihip ng hangin ang isang babaeng makapal ang mukha," I uttered before rolling my eyes on her.

Narinig ko ang tawa ng mga kabanda ni kuya sa likuran.

"Baby Reign, mag-jacket ka na lang," kuya Calid said.

I crossed my fingers before leaning on the car's seat. Kapag tinarayan pa ako ng babaeng 'to, isa na lang talaga.

"FIX your shirt, Reign. Baka liparin 'yan," saway sa akin ni kuya nang makarating kami sa venue ng event.

Wala pang masyadong tao, mga directors pa lang and other teams. I can see how prepared they are para kila kuya.

"Sit here for a while, Reign. Nandoon lang kami, mag-cellphone ka muna or anything habang may ginagawa kami, okay?" bilin ni kuya sa akin na agad ko namang tinanguan.

They walked towards the directors of this team, wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumunganga dito sa tabi habang pinapanood sila.

Para silang mga artista, very professional sa harap ng camera.

Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa nang mag-vibrate ito. I saw Shantal's message.

Hindi tayo natuloy yesterday, mamaya na lang tayo mag-sleep over.

I giggled in excitement. Mabilis akong nagtipa ng reply sa kaniya.

Sure, I'm so excited!

Pag-angat ko ng tingin, nakita kong tapos na sila sa shoot. Tumayo na rin ako sa kinauupuan habang hinihintay sila na lumapit sa pwesto.

Nawala ang atensyon ko sa kanila nang maramdaman ang pagbangga sa akin ng kung sino.

Agad kong tinaasan ng kilay ang manager nila kuya na ngayon ay nakairap sa akin.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo," mataray niyang saad.

"What? E, nakatayo nga lang ako dito. Ikaw ang nadaan kaya ikaw ang tanga," mabilis kong sagot.

Sumama ang timpla ng mukha niya. "Alam mo, kung hindi ka lang kapatid ng alaga ko, matagal na kitang sinaktan. Nakakairita ka."

I rolled my eyes. "Papansin ka kasi masyado kaya hindi mo ako sinasaktan, gusto mong magpalakas kay kuya kasi puwede ka nilang tanggalin sa trabaho."

Galit na pinagmasdan niya ako, mula ulo hanggang paa.

"Stop insulting me, brat. Nakakairita ka pati ang pag-uugali mo, you're old enough but why are you acting like a child?" nandidiring saad niya.

"Ano bang pake mo sa mga suot ko? Ikaw nga ahas na nagkatawang tao, pinansin ko ba?" mataray kong sagot.

"You bitch!" she said angrily.

Nagulat ako nang bigla niyang hablutin ang buhok ko. Sinabunutan niya ako, mahigpit ang pagkakakapit niya sa buhok ko kaya hindi ko siya maitulak.

"Reign! Emma!"

Hinablot ko rin ang buhok niya at hinila 'yon pababa, buong lakas kong inikot ang ulo niya dahilan para mapasigaw siya sa sakit. Napahagikhik ako nang palihim at bahagya pang hinampas ang ulo niya.

I heard their footsteps kaya mabilis kong binitawan ang buhok ng manager na 'to ang nagpadala sa sabunot niya.

Naramdaman ko na lang ang mahigpit na mga brasong nagpalayo sa mga katawan namin.

Mabilis kong pinatulo ang mga luha ko at nagkunwaring nasaktan.

"Kuya," pagsusumbong ko.

Nag-aalalang sinapo ni kuya Max ang mga pisngi ko, nang makita niya akong umiiyak ay agad na nag-iba ang timpla ng mukha niya.

"What the fuck, Emma?! Bakit mo sinabunutan ang kapatid ko?!" galit na sigaw ni kuya sa kaniya.

She immediately fixed her hair. "She i-insulted me--"

"Liar! Kuya, she hurt me," pagsusumbong ko pa.

Naramdaman kong niyakap ako ni kuya para patahanin ako. Nalipat ang tingin ko kay Bullet na nakaigting ang panga habang madilim ang ekspresyon na nakatingin kay Emma.

"Shh, don't cry, pumpkin," pagpapakalma sa akin ni kuya.

"Emma, just leave, nakakahiya ang ginawa mo," nagtitimping saad ni kuya Hrein sa mismong manager nila.

I saw how Emma gazed at me, masama ang tingin niya kaya agad ko siyang binelatan.

"Bye," I mouthed her while flashing an evil grin.

Nilayo na siya nila kuya Khalil mula sa akin, habang si kuya naman ay patuloy akong pinapatahan.

"Saan masakit?" nag-aalala niyang tanong.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglingon ni Bullet sa akin.

Kuya fixed my hair na nagulo dahil sa Emma na 'yon.

Hmp, ang sama talaga ng ugali no'n.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora