Chapter 14

21K 712 246
                                    

Maxreign

"Bakit parang kulang kayo, kuya?" takang tanong ko kay kuya Max nang makasalubong ko siya sa event.

"Kulang?" kunot noong tanong niya.

"I mean, supposed to be 'di ba dalawa kayong group na may shoot ngayon? 'Yung nakakairitang mga lalaki kahapon," naiiritang saad ko.

Luminga siya sa paligid bago matauhan. "Oh, fuck, yeah. Ngayon ko lang na-realize, they're really not here."

I chuckled. "Sa sobrang pagkalutang mo, hindi mo na namamalayan ang paligid mo! Anyway, I'll ask the staffs. Baka kasi naligaw ang mga 'yon, kawawa naman," sarkastikong saad ko.

Natatawang ginulo ni kuya ang buhok ko bago ako senyasan na umalis.

Lumapit ako kay Garett, buti na lang at nandito siya ngayon.

"Kuya Garett," I greeted him.

Nakita ko ang bahagya niyang pag-atras dahil sa biglaan kong pagsulpot. Luminga muna siya sa paligid bago bumati pabalik.

"Hey, Reign. What's up? Nice to meet you again," ngiting-ngiti na sabi niya.

I giggled. "Nice to meet you rin po, kuya. I just want to ask kung nasaan po 'yung isang grupo na dapat ay kasabay nila kuya dito sa shoot?"

Kinuha niya ang papel sa gilid. "Oh, Yazi Moves?"

I nodded my head kahit napapangiwi ako sa pangalan ng grupo nila.

"Kahapon pa nila hindi sinasagot ang tawag namin. We called their manager but he told us na nawawala ang mga alaga niya, they aren't answering his calls also," he answered.

Kinagat ko ang ibabang labi, they're missing? Bakit ba ang daming nawawala?

Una, 'yung ate ni Shantal, na nahanap niya na. Pero text lang ang iniwan nito, Kaye said that she's fine. Tapos pangalawa 'yung manager nila kuya dati, at ngayon, ito.

Saan ba sila naglakwatsa?

"Kuya Garett, salamat po talaga sa pagsagot. Nagtaka lang po talaga ako kung bakit wala sila dito, e dapat po sila ang kasama nila kuya," mahinahong saad ko.

He smiled at me bago ilahad ang kamay. "It's nice to meet you again, Reign, sobrang saya ko na nakita kita ulit."

Nakangiting tinanggap ko ang kamay niya, pero napawi ang ngiti na 'yon nang makitang namumutla siya habang nakatingin sa likuran ko.

He stood still.

"Kuya Garett?" I called his name pero mas lumala lang ang pagkaputla niya.

Nilingon ko ang direksyon na pinagmamasdan niya, I saw Bullet behind me, sa kalayuan. Kasalukuyan siyang nakatingin sa amin habang nakapamulsa.

Ano na namang problema ng asawa ko? Miss niya na ba ako?

Kuya Garett immediately diverted his gaze, kinuha niya ang kamay sa akin habang patuloy sa paglunok.

"I'm s-sorry, Reign. I h-have to go," nauutal niyang sabi.

Hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya nang bigla niya akong talikuran.

Anong nangyari doon?

I gasped when I felt a presence behind me, agad naman akong lumingon doon at natagpuan si Bullet na nakatingin sa direksyong pinaglabasan ni kuya Garett.

"Hi, asawa ko!" I greeted him.

Napaatras ang mga paa ko nang samaan niya ako ng tingin.

"Anong pinag-usapan ninyo ng lalaking 'yon?" galit na tanong niya.

"Woah. Bakit ka nagagalit sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo," nakakunot noong tanong ko.

"Answer me, Maxreign."

I bit my lower lip. "I asked him about the group na dapat ay kasama ninyo sa shoot. 'Yung mga lalaki kahapon?"

"Then?"

Ang sungit.

"Sabi niya, nawawala raw sila. Hindi raw sumasagot sa calls and everything," paliwanag ko.

Muli siyang napayuko habang tumatawa nang marahan. He's chuckling again and I don't know why!

"Missing, huh?" nakangising sabi niya.

I nodded my head. "'Yon naman talaga ang pinag-usapan namin."

"Oh? Really?" Bumalik sa pagiging malamig ang mga mata niya. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko.

"What's with that freakin' skin contact?" He chuckled dangerously.

Napalunok ako sa lamig at tapang ng boses niya. "W-Wala 'yon!"

I saw how he rolled his eyes in a manly way bago ako lagpasan. Mabilis naman akong sumunod at sumabay sa paglalakad niya.

"Bakit ka na naman masungit, asawa ko? May nararamdaman ka ba?" I sweetly asked him.

Patuloy lang siya sa paglalakad, not minding my question.

"Asawa ko! Uy! Bakit ba hindi mo ako pinapansin? Ang sama sama mo talaga!" nagtatampong saad ko.

"You should be careful next time, Maxreign. Learn to stop meddling with others business," he said coldly.

I pouted my lips. "Nagtatanong lang naman ako, 'saka hindi ako nakikialam 'no! Sa 'yo lang naman ako nakikialam." I giggled mischievously.

Nakita kong tumigil siya sa paghakbang at humarap sa akin. I smiled sweetly.

"Yes, hubby?" kinikilig na tanong ko.

He clenched his jaw before looking away, muli siyang nagpatuloy sa paglalakad kaya sinundan ko ulit siya.

"Gutom ka na ba, asawa ko? May gusto ka bang kainin, or what?" I asked him.

Hindi na naman siya ulit sumagot, talagang mapapanis ang laway nitong asawa ko. Matutuyuan ako ng lalamunan sa ginagawa niya.

"Hoy, sumagot ka naman! Saan ka ba pupunta?" inis kong tanong.

"Stay away from Garett, he's a bad news," he said.

Kumunot ang noo ko. "Oh? Anong kinalaman ni kuya Garett dito?"

"Stay away from him, Maxreign. He has intentions kaya siya lumalapit sa 'yo," he added.

"Kaibigan ko si Garett, hindi ko siya lalayuan," pagmamatigas ko.

Yumukom ang mga kamao niya bago ako harapin. Parang gusto kong maiyak sa sama ng tingin niya sa akin.

"You really don't know how to listen, huh?" he said while clenching his jaw.

Umiling ako. "He's my friend, Bullet ko, I won't stay away from him kasi wala naman siyang ginagawang masama sa akin."

He continued walking, I just sighed before following him.

"Are you mad at kuya Garett? Why? May sinabi ba siya sa 'yong masama?" nag-aalala kong tanong.

"Shut up."

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang sagot niya, natikom rin ang bibig ko sa dalawang words na binitawan niya.

Pakiramdam ko ay maiiyak ako nang wala sa oras.

"I hate you!" sigaw ko sa kaniya bago tumakbo pabalik kila kuya.

Ang sama sama talaga niya, lagi niya akong pinapa-feel bad. Ang sungit sungit pa, akala mo naman may regla palagi!

Nakakaasar siya!

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now