Chapter 9

19.7K 622 23
                                    

Maxreign

"Hi, Shantal, Kris!" I exclaimed when I saw my friends in the living room.

Nagmamadali akong bumaba sa hagdanan para salubungin ang dalawa.

"Good evening, baby Reign," bati nilang dalawa sa akin bago ako halikan sa pisngi.

"Are we gonna go go na?" excited na tanong ko.

Ginulo ni Kris ang buhok ko na nakapagpasimangot sa akin. "Behave, Reign. Alam mo naman ang kapatid ni Shantal, may galit 'yon sa 'yo."

I nodded my head. "Magbe-behave ako kapag behave lang din siya, tutusukin ko ang ngala-ngala niya kapag sinubukan niya ako."

Natawa silang dalawa sa sagot ko, hindi ako nakisali sa tawa dahil seryoso naman ako.

"Oh, hey sweet hearts! Susunduin ninyo na ba ang anak ko?" nakangiting bungad ni mommy na galing sa kusina.

She kissed Shantal and Kris' cheeks before smiling at me.

"Yes, tita. We just wanna have some bonding with each others." Kris giggled mischievously.

"Take care mga anak, huwag ninyong pababayaan ang anak ko. Alam ninyo namang lampa 'yan." Sabay sabay silang nagtawanan habang ako ay napanguso sa gilid.

Lampa lang ako kapag natakbo, pero kapag pisikalan, hindi na uso sa akin 'yon! Mom is teasing me, kakampi niya sila Shantal!

"Mom, I'm so tampo. Why are you always teasing me? Don't you love me anymore?" nakabusangot kong tanong.

Mom just shrugged her shoulders. "Of course I love my baby, kulang ka lang minsan sa pang-aasar kaya dapat ini-spoil rin kita ng gano'n."

Mas lalong lumakas ang tawanan nila, wala na akong nagawa kung hindi ang manahimik at pasimple silang sinasamaan ng tingin.

I felt how Shantal hugged me. "Tita, we have to go na po. Kami na po ang bahala kay Maxreign."

Mom kissed me on the cheeks kaya agad ko rin siyang hinalikan sa pisngi.

"I love you, mom, tell daddy and kuya that I love them too. I'll be back tomorrow, mwuah!" matamis na ngiting saad ko.

"Take care, my love. Ingat kayo sa daan."

Matapos makapagpaalam kay mommy, inakay na ako nila Kris pasakay sa van ni Shantal.

I immediately took off my bunny slippers at humiga sa lap ni Shantal na agad namang hinaplos ang buhok ko.

"How's your day?" she asked me.

"Kris, Shantal, may ikukwento ako sa inyo mamaya," I answered.

"Exciting naman lagi ang kwento mo dahil paniguradong tungkol 'yan kay baby Bullet, o kaya naman tungkol sa pakikipag-away mo, nothing new," naiiritang sabi ni Kris bago ako irapan.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at sinimangutan siya.

"Promise, this is intense!" nangangakong saad ko.

Kris just giggled at what I said, habang si Shantal naman at iiling-iling na sumagot.

"Gusto ko detailed, ha. Boring kapag hindi detailed," she playfully uttered.

Kumindat ako. "Leave it to me."

"ANG kapal ng apog ng babaeng 'yon!" galit na galit na sigaw ni Kris habang marahas na kinakain ang popcorn.

"That bitch, she will rot in hell. Dapat sa kaniya ay sinasampal nang malakas para magising!" dagdag naman ni Shantal.

Sinubukan kong takpan ang dalawa kong tainga pero rinig na rinig ko pa rin ang mga hanash nilang dalawa.

Mas galit pa ata sila kaysa sa akin na sinabunutan at inaway noong manager na 'yon.

Habang nagbabatuhan sila ng mga hanash sa isa't isa, narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad akong lumabas ng kwarto at naglakad papalapit sa valcony nila Shantal.

"Hey, kuya?" I said.

"Nandiyan ka na ba kila Shantal?"

"Yes po, kanina pa," I answered.

"Just making sure, pumpkin. Take care, say hello to Shantal and Kris for me." Napangiti ako.

"You're so sweet kuya, thank you po!"

Binaba niya na ang tawag pagkatapos, I was about to walk towards the room when I noticed a black car from afar. Hindi naman kalayuan pero sapat para makita ko.

Kanina pa 'yon nandoon, simula noong dumating ako dito sa bahay nila Shantal ko.

I wonder who's the owner of the car, bukas rin ang ilaw sa loob non kaya sigurado akong may tao.

Nawala ang atensyon ko sa kotse nang maramdaman ang paghila ng kung sino sa buhok ko.

"What the hell are you doing here, slut?" galit na tanong sa akin ni Kaye.

Naiinis na hinarap ko siya. Away na naman? Ang ganda ganda ng gabi ko tapos bigla siyang susulpot?

"Kaye, napakapapansin mo, ano? Huwag mo akong pansinin kung ayaw mo akong makita, paepal ka lang, e. Gusto mo laging napapansin," diretsyong saad ko at muli siyang talikuran.

Hindi pa ako tuluyang nakakalayo nang maramdaman na naman ang paghila niya sa buhok ko.

"Ahh! Shantal, Kris! Help!" sigaw ko.

Ayokong labanan ang babaeng 'to sa mismong bahay ng kaibigan ko, pero sumusobra na siya.

Sinipa ko ang tiyan niya at buong lakas siyang nginudngod sa sahig.

"Bitch! Let go of me!" naiiyak niyang sigaw.

Galit na galit na inangat ko ang ulo niya at sinabunutan siya hanggang sa sahig. Kinalmot ko ang mukha niya para mailabas ang galit.

"Ang tagal ko nang nagtitimpi sa 'yo! Lagi kang nangunguna sa away, paepal ka! Papansin! Papansin!" I shouted angrily habang kinakalmot siya.

I felt the pain on my forehead nang tumama ang kuko niya roon.

Naramdaman kong tinayo ako nila Kris para awatin, pero bago pa ako makalayo sa Kaye na 'to, isang suntok sa ilong ang binitawan ko sa pagmumukha niya.

I fixed my hair while looking at her, tinatayo siya ni Shantal habang patuloy siya sa pag-iyak.

"What happened, ate?!" galit na tanong ni Shantal.

"That bitch! Halika dito at mapapatay kita!" umiiyak na sigaw niya at sinubukan pa akong lapitan.

Mabilis naman akong pumalag at muli siyang tinadyakan.

Nilayo na siya ni Shantal sa akin bago ko pa siya tuluyang maihagis palabas. Napakakapal ng mukha, siya 'tong sumusugod tapos ako pa ang aagrabyaduhin? Asa siya.

"Gosh, Reign! Nice one!" natatawang sabi ni Kris habang inaayos ang buhok ko.

Napansin niya ang sugat sa noo ko kaya ngumiwi siya. "Oh, you have a wound."

Napaigik ako sa hapdi nang maramdaman na may sugat nga ako sa noo.

"I'll wipe it," I told him bago abutin ang t-shirt niya na black.

Agad kong pinunas ang noo ko roon, hinayaan niya lang naman ako.

Habang pinupunasan ko ang noo ko, nakita ko ang pagharurot ng itim na sasakyan papaalis.

Binalewala ko na lamang iyon at muling tinuon ang pansin sa direksyon na pinaglabasan nila Kaye at Shantal ko.

Ngayon, umiyak siya ng dugo.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant