Chapter 58

17.4K 548 104
                                    

Maxreign

"Mommy wala nga po akong ganang kumain," mahinang saad ko habang pilit na tinatago ang buong katawan sa kumot.

"Pero anak, galit na galit ang kuya Max mo. Sabi niya bumaba ka na raw, ilang araw ka nang walang kain simula noong magkalayo kayo ni Bullet," she said with her calm voice.

Inalis ko ang pagkakatalukbong bago harapin si mommy. "Then tell him to stay away from me! I hate kuya so much! Hanggang nakikita ko siya sa loob ng bahay, hinding hindi ko susundin lahat ng gusto niya!"

"Reign, huwag ka namang ganiyan sa kuya mo," naiiyak na saad ni mom bago ako lapitan.

Sumiksik ako sa headboard ng kama para hindi niya madikitan. "But he's so cruel to me, mom, you are all cruel to me. Ilang araw ninyo na akong kinukulong dito sa penthouse, sinong hindi magagalit sa mga pinaggagawa ninyo?" umiiyak na sumbat ko.

"Anak naman, pinoprotektahan ka lang ng kuya mo. He told us that Bullet is a dangerous person, and we won't let you near him again, kailangan ka naming protektahan."

Ilang beses kong iniling ang ulo. "Just g-go away, mom, please? Umalis ka na rito, umalis na kayong lahat dito! Kung gusto ninyo akong ikulong, umalis na lang din kayong lahat! I don't need your sympathy, I don't need it!"

Naiiyak na hinaplos ni mommy ang buhok ko pero agad akong lumayo sa kaniya.

"Reign, baby, huwag kang magalit kay mommy at kuya mo. We're doing this for you, baby," she continued.

"You're not helping me to get better, mom. You're caging me. Hindi pagmamahal 'yon, sakim kayo. P-Please, mommy, lumabas ka na ng kwarto ko. Ayoko pong mabastos kita, I might burst out and I don't want to say things to you, kaya please po," pagmamaakawa ko sa kaniya habang mariing pinupunasan ang mga mata ko.

"Bullet's not even doing anything to find you. Baka hindi ka naman talaga niya mahal, baka pinaglalaruan ka lang niya, all this time."

Pinagmasdan ko si mommy habang papalabas 'to ng kwarto ko. I grabbed my pillow before throwing it to the mirror.

"How dare you guys judge the person who saved me from dying? I can't even," hindi makapaniwalang saad ko habang mariing hatak hatak ang kumot.

Hindi ko alam kung ilang araw na akong nakakulong sa impyernong 'to. I have no gadgets and televisions around me. Para akong mababaliw sa sobrang pag-aalala sa mga tao sa labas, kay Bullet.

Where are you, baby? I miss you so much.

Tumingala ako nang bumukas ang pintuan at galit na pumasok doon si kuya.

"Ano ba talagang problema mo, Reign? I heard how you raised your voice to mom! Ganyan ka na ba talaga kabastos?" singhal niya sa akin.

"Hindi ako magagalit kung wala kayong ginagawang mali sa akin, kuya, alam mo 'yan," mariin kong sagot.

"Maling ginagawa? Aside from protecting you, ano pang mali sa ginagawa namin?"

"Protecting me? Palipat-lipat tayo ng bahay, at sa halos sampung pataas na bahay na nilipatan natin, kinulong ninyo lang ako na parang aso!" I said.

"I have no choice but to do that, sa bawat nililipatan natin ay nahahanap ka ni Bullet kaya kailangan kong gawin 'to!" he answered.

Then mom's telling me that Bullet's not doing anything to find me? Magsisinungaling na nga lang sila, hindi pa sila nakapagplano.

"I can't believe how delusional you guys are. Hindi ninyo ako pinoprotektahan!" sigaw ko.

"We are protecting you!",

Napatayo ako mula sa kama. "This is protecting for you? Ang aso, kaya kinukulong, para walang makagat na tao. E 'diba para ninyo lang akong aso ngayon? Kaya ninyo ako kinukulong kasi 'yang pride mong mataas kuya, 'yan ang pinoprotektahan mo. Ayaw mo akong hayaan kay Bullet dahil tingin mo pagpoprotekta pa rin ang ginagawa mo."

He walked towards me before slapping me hard. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan dahil sa ginawa niyang 'yon.

"Reign."

"Bullet never hit me while we're in a relationship. 'Yung sinasabi mong mapanganib na tao, kahit kailan hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Pero ikaw, ikaw na pumoprotekta kuno sa akin, ikaw pala ang mananakit," hindi makapaniwalang saad ko.

"Reign, listen--"

Padabog kong inagaw ang braso sa kaniya. "Get off me. Lumabas ka na muna kuya."

"Reign, please--"

"Bakit ba hindi kayo mapakiusapan na lumabas kahit ilang oras lang?!" I screamed in frustration.

He didn't say a word after that. Naglakad siya papalayo pero kalaunan ay humarap din sa akin. "I'm sorry, I didn't mean that, p-pumpkin. P-Please."

Umiiyak na hinablot ko ang kumot at doon kinulong ang buong mukha ko.

"I hate you so much, kuya. I hate you all. I'm 20 years old already, pero bakit hindi ninyo pa rin ako hinahayaan na gawin ang lahat ng gusto ko? You caged me for 20 years, all this time akala ko okay lang 'yon. Ang tanga tanga ko sa lahat ng bagay noong bigyan ninyo ako ng chance na lumabas at makihalubilo sa ibang tao. When I had the chance to be with Bullet, I was the happiest woman in Earth. K-Kayo, pinipilit ninyo akong sumayaw kahit ayoko, ayoko kasi lagi lang naman akong hinahangaan ng ibang tao dahil sa 'yo. Dahil sa 'yo! Kasi kapatid ako ni Max Arazon, kasi Ezriel ang apelyido ko. Kaya lang ako nakikilala dahil sa pangalan na nakadikit sa akin, pero ni isang beses hindi ako nakatanggap ng recognition na ako lang." I punched my chest when I can't breathe anymore.

"Pero noong sumayaw ulit ako, hinayaan ako ni Bullet na itago 'yung pagkatao ko. At lahat ng tao nagustuhan ako, hindi dahil kapatid kita, kasi dahil magaling ako. Sawang sawa na ako sa kontrolado kong buhay, pero pinaramdam sa akin ni Bullet 'yung gusto kong buhay. Pero ngayon, nilalayo ninyo pa ako sa taong nagpamukha ng realidad sa akin. Ang dadaya ninyong lahat."

"I'm sorry, pumpkin. H-Hindi ko alam."

"Lagi naman kayong walang alam sa buhay ko. Sanay na ako doon. Kaya sige na kuya, p-please, lumabas ka muna."

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now