Chapter 18

20.7K 582 29
                                    

Maxreign

"Mom, I told you already na ayoko nga pong sumali sa contest na 'yan," nakabusangot kong sabi habang kumakain.

Mom and dad laughed with my reaction. Napabusangot na lang ako dahil parang pinagtutulungan nila akong dalawa.

"Pero sayang naman kasi ang pagkakataon anak, alam kong mahal na mahal mo ang pagsasayaw kaya gusto kong i-pursue mo ulit ang talent mo," mahinahong dagdag ni mommy habang hinahaplos ang kamay ni daddy.

I pouted my lips. "Mom, dad, 'di ba po at napag-usapan na natin 'to? I'm happy supporting Bullet and kuya Max, kuntento na po ako roon."

"Pero paano ka? What about your passion? You'll really stop dancing because those girls betrayed you? What about your happiness?" dad added.

Napabuntong hininga na lamang ako. "I was traumatized by that accident, and I'll never go back to dancing again."

"Hey, good evening, everyone." Lumingon kaming lahat kay kuya na kakapasok lang sa kusina.

Ngumiti ako bago humalik sa pisngi niya. "Good evening, kuya."

"Good evening, son. Sabayan mo na kami," mom said.

Umupo naman si kuya sa tabi ko, alam kong napansin niya na hindi maganda ang aura ko kaya lumingon siya kila daddy.

"Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong niya sa mga ito.

"About Reign's talent, I want her to pursue dancing again pero sabi niya hindi na niya kaya," malungkot na pagkuwento ni mom.

Nilapatan ako ng tingin ni kuya. "Ang galing galing mong sumayaw, Reign, sikat ka dati kaya alam kong marami pa rin ang susuporta sa 'yo kapag tinuloy mo. Are you sure about this? Maraming opportunity ang nakahanda para sa 'yo, sabihin mo lang at ire-recommend kita sa mga kilala ko."

Hindi na ako muling sumagot pa sa kanila. My older brother is popular, internationally, kaya hindi imposible na tingnan ako ng iba dahil sa kaniya.

And I don't want that to happen. I mean, palagi na lang ba akong anino ng kuya ko?

Sikat ako dati dahil kay kuya, kilala ako kasi lagi akong may title na "Kapatid ni Max Arazon". Palagi na lang bang gano'n ang set-up ng buhay ko?

I faked a smile before finishing my meal. "I'll go back to my room na po. Goodnight, kuya, mom, dad."

Nakangiti akong humalik sa mga pisngi nila bago umakyat sa kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama habang tinatanaw ang balcony.

I sighed heavily.

Miss na miss ko na ang pagsayaw. I remembered kung paano ako maghirap sa pag-aaral ng aero dancing.

Ang pagkapit ng balat ko sa tela, ang paglipad ko sa ere. Lahat ng sakit na natamo ko kapag nahuhulog ako mula sa taas.

I trained myself well, but those girls betrayed me. At ayoko nang balikan ang ala-ala na 'yon dahil mas masasaktan lang ako.

Inabot ko ang cellphone nang tumunog ito, I saw Kris calling kaya agad kong sinagot ang tawag.

"Hey, bakla!" Pinasaya ko ang boses ko.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang