Chapter 30

18.5K 511 94
                                    

Maxreign

Come here. Nasa baba lang kami ng hotel.

Nang mabasa ko ang message ni Bullet, agad akong naghanda para bumaba. I fixed my hair first bago bitbitin ang back pack ko na kulay pink.

Sinuot ko rin ang pink kong headband. I giggled mischievously while facing the mirror. I'm so excited na maggala ngayon dito sa isla. This island is almost a paradise!

Pagkababa ko sa ground floor, dumiretsyo ako sa labas ng hotel. I immediately saw them waiting outside.

Ngumiti ako nang malapad at patakbong lumapit sa kanila.

"Kuya!" I said as soon as I reached them.

Nilingon ako ni kuya na bwisit na bwisit na ang mukha. "Reign!"

Nag-aalala niya akong sinugod ng yakap, I pouted my lips bago gantihan ng yakap ang kuya kong iyakin.

"Where have you been, Maxreign?! Kanina pa kita hinahanap! Wala ka sa kwarto mo, wala ka rin sa paligid, ano bang ginagawa mo, ha?!" galit na sigaw niya.

Natulala ako dahil sa pagsabog ni kuya Max. He looks worried and angry.

"I'm s-sorry kuya. Naligaw po kasi ako kanina, I was trying to text you but nag-e-error po. Kaya l-lumabas na lang ako para sana hanapin kayo, but I'm not good with directions po kaya nagtanong tanong na lang ako pabalik," pagpapalusot ko.

Mahigpit kong pinagdikit ang dalawang daliri. I'm sorry for lying kuya. I feel so guilty.

"It's okay, pumpkin. Buti na lang at ligtas ka, huwag mo nang gagawin ulit 'yon. Hindi ka ba nasaktan?" he asked.

I shook my head in response. "I'm okay, kuya. I'm safe po."

"Good. Saan mo gustong pumunta? We're planning to eat first bago tayo maglibot, is it fine for you? Are you hungry?" dagdag na tanong pa ni kuya.

"Kain na muna tayo! I'm hungry na rin po," I answered.

"Alright. Kumain muna tayo mga dragon," pumapalkpak na singit ni kuya Niccolo na ikinahagikhik ko.

"Let's go," saad ni Bullet sa tabi.

We went to that restaurant kung saan si Bullet mismo ang nag-suggest. He told us na masarap raw ang mga pagkain dito.

We entered the restaurant when we got there, the ambiance of this place is so relaxing and beautiful. Parang pakiramdam mo ay nasa bahay ka, I like to stay in a place like this.

Pinaghila ako ni kuya ng upuan, I thanked him before sitting down. Tumabi rin siya sa akin sa kanan, at sa kaliwa ko naman ay si kuya Niccolo.

Kinakabahang nilingon ko si Bullet na walang nagawa kung hindi ang umupo sa harapan ko. He seems mad and annoyed, masama rin ang tingin niya kay Niccolo na nakikipagharutan kila kuya Hrein.

Lumunok na lang ako para tanggalin ang kaba sa loob ko. Tumingin siya sa akin kaya agad akong ngumiti nang alanganin.

He rolled his eyes in a manly way.

Shoot, galit na naman 'to.

"Reign, eat a lot of vegetables. You lost weight already," striktong sabi ni kuya habang nilalapit ang salad sa akin.

Ngumiti ako nang peke. "S-Sige kuya."

I only eat my grandma's vegetable salad, because it tastes like heaven!

Napilitan akong kainin ang salad na nasa harapan ko, ayoko nang dumagdag pa si kuya sa mga galit na galit ngayon. Unang halimbawa si Bullet, na madilim pa rin ang ekspresyon. Walang pinagbago simula noong tumabi sa akin si kuya Niccolo.

Ni hindi nga ako gumagalaw at lumalapit kay kuya Niccolo, pero masama pa rin ang loob ng lalaking nasa harapan ko.

Mamaya ko na siya susuyuin kapag busog na ako.

Pagkatapos naming kumain,  dumiretsyo agad kami sa isang cottage. They wanted to swim kaya sumunod na lang din ako. I want to swim also!

Hindi ako pinayagan ni Bullet at ni kuya na mag-swimsuit. Kaya sad girl ako ngayon, isang pink na loose t-shirt at white na short lang ang suot ko.

Mga desisyon talaga.

I bit my lower lip habang pinapanood ang mga lalaki na magharutan sa dagat. Nilingon ko agad si Bullet nang kami lang ang maiwan dito.

"Bullet," I called his name.

Hindi niya ako nilingon. Nagpapabebe pa ata.

Lumapit ako at yumakap nang mahigpit sa kaniya. "Sorry na please, hindi ko naman kasalanan na tumabi siya sa akin. Huwag ka nang magalit."

Lumayo siya sa akin, he removed his t-shirt while looking at me. Natulala ako nang bumungad ang mga yummy pandesals niya sa akin.

Iniwas ko ang tingin nang makita ang pag-angat ng sulok ng labi niya.

He went closer to me before kissing my lips. "Forgiven."

"Bakit, kasalanan ka ba? Napilitan lang akong mag-sorry kasi tinotopak ka na naman!" reklamo ko.

He chuckled and it sounds so good to my ears. "Oh, baby, I'm not blaming you."

"Bakit hindi mo ako pinapansin kanina?" nagtatampong tanong ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko. "Your brother is around, huwag ka naman masyadong masanay na magkasama tayo. Baka maitanan na kita."

Pinamulahan ako ng mukha sa pinagsasabi ng lalaking 'to. Ang lakas talagang mambola.

"Yakap mo ako," I whispered to him.

Pinulupot niya ang mga braso sa baywang ko bago ako yakapin nang mahigpit. "Hmm. Why?"

"Wala, ang macho mo kasi," natatawang bulong ko.

He laughed playfully. "You want to go with them?"

"Nilalamig ako, e. 'Saka tirik pa 'yung araw, mamaya na lang ako gabi magswi-swimming," I answered him.

"I'll come with you later, baka tangayin ka pa ng dagat papalayo sa akin," he said while grinning.

Ngumisi ako. "Ayan ka na naman, pinapakita mo na naman kung gaano mo ako ka-love. Baka hindi mo kayanin kapag lumayo ako sa 'yo."

Sumama ang timpla ng mukha niya.

"Hindi kita papayagang lumayo sa akin, even if Arazon takes you away from me, I'll pull you back. Kahit pamilya mo pa ang kakalabanin ko, I won't let them." Kinabahan ako sa pagiging seryoso niya.

Nag-aalangan na hinampas ko siya sa balikat. "Nagbibiro lang ako, B-Bullet. Masyado ka namang seryoso, hindi rin naman ako lalayo."

"I'm not even joking," he said seriously while gazing at me.

Ngumiti na lang ako nang pilit sa kaniya. Hinding hindi na ulit ako magjo-joke sa lalaking 'to.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon