Chapter 51

15.8K 503 94
                                    

Maxreign

"No! Kanina nga nasa taas 'yang akin tapos bigla mong tinulak pababa!" galit na singhal ko kay kuya Max.

Naglalaro kami ng snake and ladders pero kanina pa siya nangdadaya. Kahit kailan talaga 'tong kapatid ko, wala nang magandang ginawa kung hindi ang bwisitin ako!

"Kalma baby Reign, ako na babatok kay Max para sa 'yo," natatawang sabi ni kuya Calid.

I sticked my tongue out before teasing kuya Max. Padabog kong ginulo ang board para hindi na kami makapaglaro.

"What the heck, I'm still enjoying here!"

Tumayo ako sa kinauupuan atsaka siya inirapan. "Makipaglaro ka sa sarili mo, tapos ikaw na rin tumaya ng pera, baka sakaling makabili ka ng bagong kapatid na iinisin mo."

I walked out infront him habang tumatalon-talon pa. Nagmamadali ang kilos na nagpunta ako ng kusina kung saan naroon si Bullet.

Sinilip ko muna ang labas ng kusina para masigurong walang tao, humakbang ako papasok habang nakangiti nang matamis.

"Hey," I greeted him.

Agad siyang lumingon sa akin bago ako yakapin sa baywang. He caressed my cheeks carefully before kissing my lips. "I miss you."

Kinikilig na humagikhik ako. "I miss you too, so much!" I hugged him back with the same felocity.

Naramdaman ko ang mahina niyang paghalik sa buhok ko habang marahang hinahaplos ang likod ko. "How's your day?"

"Good, nandito kayong lahat, e. Kahit wala si kuya Hrein, medyo malungkot, pero you're here naman so no worries!" nakangiti kong sabi.

Kuya Hrein disappeared without a trace after the fight. Hindi na namin siya ma-contact pa ulit kahit tawagan namin siya nang tawagan. Kuya Max tried to track him also but it's too hard for him since kuya Hrein removed the necklace kung saa nakalagay ang tracking device nito.

I am worried about him also, hindi ko alam kung nasaan si kuya Hrein at kung anong ginagawa niya. But I hope he's safe and stable.

"Don't worry about Hrein, I'll try to find him when I have some time. For now, focus on me, baby. Minsan na nga lang tayo magkasama, iba pa ang iniisip mo," malambing niyang sabi.

I chuckled mischievously before kissing his lips. "Okay, captain. Hindi na po ako mag-iisip ng kung sinu-sino, ikaw na lang."

"Good. Ako lang naman talaga dapat," he whispered.

Tumango ako nang sunod sunod before flashing a sweet smile. "For how long you guys will stay here? I mean, 2 days na kayong nagbabantay sa akin, parang hindi na nga kayo nakakapagpahinga maliban na lang sa gabi," nag-aalalang kompronta ko sa kaniya.

"Don't worry about us, they'll survive, I'll survive."

"Pero paano 'yung mga kompanya ninyo? Marami kaya kayong inaasikasong gawain tapos istorbo pa ako," I said.

"I invested in their companies, nagpadala na rin ako ng mga tao para umalalay sa kompanya nila habang busy sila rito. Besides, I'm paying the boys a big amount so you don't have to worry about them," paliwanag niya.

Napipilitang tumango na lang ako. I handed him a cup of coffee. "Mag-breakfast ka muna, ang aga-aga tapos nakabantay agad kayo sa akin."

"We already ate."

"E bakit dito mo ako pinapunta sa kusina?" I curiously asked him.

"Mas tago kasi rito," he said while smirking.

Natatawang tiningnan ko siya nang halikan niya ang pisngi ko. Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya nang sakupin niya ang mga labi kong tikom.

"Omygosh!"

Gulat na napabitaw ako kay Bullet nang marinig ang mahinang tili na 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si mommy sa hamba ng pintuan.

Kinakabahang umatras ako papalayo kay Bullet habang inaabangan ang susunod na gagawin ni mommy.

Mom gasped while covering her mouth, dahan dahan niyang binaba ang kamay bago ako pagmasdan. "B-Baby, what's the meaning of this?"

Nataranta ako nang kuhanin ni Bullet ang kamay ko at siya mismo ang humarap kay mom. "We're dating, madame, I'm sorry for hiding it. But I love your daughter and she loves me too."

"B-Bullet," nauutal kong untag habang hinihila ang laylayan ng damit niya.

I'm afraid that mommy might get mad, ayokong isumbong niya kami kay kuya dahil paniguradong magagalit si kuya Max. He'll take Bullet away from me and I never want that to happen.

"Omygosh, I can't believe this. Halata namang kayo na dahil nagkakainan na kayo ng mukha. But gosh, Reign, sa kusina pa talaga, baby?" hindi makapaniwalang sabi ni mom.

I bit my lower lip bago nahihiyang tumango. "P-Please, mommy, huwag ka pong magalit sa akin or kay Bullet. I really love him. Hindi ko po siya kayang malayo sa akin, o kaya naman po, you can get mad at me, but don't get mad at Bullet kasi po alam n'yo naman po 'diba na ako 'yung nag-first move."

"Reign, ang kuya mo--"

Napatingala ako. "No, mommy, huwag ninyo po kaming isumbong, please. Ilalayo niya po ako kay Bullet kapag nalaman niya. Please mommy." I almost begged infront my mom.

Bumuntong hininga ang nanay ko bago humakbang papalapit sa akin. She carefully caressed my cheeks. "Of course, anak, hinding hindi kita isusumbong. I don't want to take your happiness away, and if Bullet can make you happy, then I'm okay with that. Hindi lang talaga ako makapaniwala na boyfriend mo na si Bullet, parang kailan lang noong patay na patay ka pa sa kaniya."

I heard Bullet chuckled kaya sinamaan ko siya ng tingin. "My pleasure," he uttered.

Mommy giggled before holding Bullet's arms. "Bullet, mag-promise ka sa akin, okay? Hinding hindi mo sasaktan ang anak ko, Maxreign is very fragile and childish. I don't want her first relationship to be tragic and wasted. Boto ako sa 'yo para sa anak ko, kaya ingatan mo siya."

Tiningnan muna ako ni Bullet bago niya ibalik ang mga mata kay mommy. "I love your daughter more than the world, and I am willing to sacrifice everything for her. So you don't have to beg, madame, I'll gladly make your Maxreign happy for the rest of her life."

Naiiyak na napasinghot ako nang marinig 'yon.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now