Chapter 50

16.1K 492 68
                                    

Maxreign

"Your backgrounds in martial arts are quite good. I'll hire several snipers, ako na rin ang bahala sa lahat ng babayaran," Bullet said while talking to the boys.

Nakasilip lang ako mula sa taas ng hagdan habang nag-uusap usap sila sa sala.

"No, bro, I can handle it. Ako na ang bahala sa mga bayarin, Maxreign is my sister so she's not your responsibility," sabat naman ni kuya Max.

Napalunok ako nang makita ang pagyukom ng kamao ni Bullet. "I said I can handle it. Max, I am your business partner and Maxreign is our manager, she's also my responsibility."

"Why are you so worried to my sister, leader? Do you like her?" seryosong tanong ni kuya Max rito habang magkasalubong ang mga kilay.

Bullet grinned. "Your sister will never be my type, besides, I'm dating another woman. And I am not worried about her, I just want to help."

Napahagikhik ako nang mahina nang marinig ang sinabi niya. Sus, mga dahilan. Dating another woman pa e hindi nga makalayo sa akin. Katulad ngayon, sumesenyas siya sa akin na bumaba na ako.

I composed myself bago siya ilingan. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at t-in-ext siya.

I don't want to go down. Dito lang ako promise.

Nang ma-send ko 'yon, agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa bago basahin ang text ko. He didn't say anything after reading it. Bumalik sila sa pag-uusap usap.

"Hrein, you'll take care of the money I'll transfer in the bank for the payment. We'll talk later," sabi ni Bullet.

"Hrein? Boss, you still trust this ass hole?" hindi makapaniwalang tanong ni kuya Khalil na katabi si kuya Niccolo.

No, they shouldn't fight infront Bullet!

"Khalil, pre, tama na. Hindi 'yan ang tamang oras para rito," saway sa kaniya ni kuya Niccolo.

"Bakit ba ang tabil ng dila mo? Ano bang ginawa ko sa 'yong gago ka?" galit na sabat ni kuya Hrein.

Wala sa sariling bumaba na rin ako ng hagdan nang makitang nagkakagulo na sa baba.

"What the fuck is going on?" Bullet asked them.

"Boss, this man right here, Hrein. He stole billions in my company and in Niccolo's company. Ikaw pa ang pinagbayad niya sa putanginang perang nilikom niya!" Galit na galit na dinuro ni kuya Khalil si kuya Hrein.

"Mga kuya, tama na," pag-awat ko sa kanila dahil sa pag-aalala.

Kuya Hrein glanced at me. "Pre, tama na nga, mahiya ka naman kila Maxreign. Sa harap ka pa talaga ng babae nag-eeskandalo!"

"Gago ka pala, e! Ikaw ang naunang mangtraydor!"

Napatili ako nang sugurin ni kuya Khalil si kuya Hrein. Bullet quickly dodge kuya Khalil's attack bago itulak si Hrein sa likod niya.

"Magpalamig ka muna ng ulo, Khalil. This is not the right time to talk about this shit. I don't give a fuck about the money," awat sa kanila ni Bullet.

I was hoping that they'll stop fighting dahil si Bullet na mismo ang umaawat sa kanila. Pero laking gulat naming lahat nang bigla na lang maglabas ng envelope si kuya Khalil bago ito iharap kay Bullet.

"This, this is the evidence that Hrein stole the money from my company. His fingerprint was detected and his data was collected! Nangyayari lang 'to kapag may nagtangkang pumasok sa kwartong pinagtataguan ko ng volt. At hindi lang 'to, Bullet, siya rin ang nagnakaw ng pera sa bangko namin!" kuya Khalil explained while throwing death glares over kuya Hrein.

Lahat ay napatingin kay kuya Hrein na parang hinuhusgahan ito, maliban kay Bullet na diretsyong nakatitig kay kuya Khalil.

"What?! E-Ebidensya? Paano magkakaroon ng ebidensya kung wala naman akong ginagawa?!" sigaw ni kuya Hrein sa paos na boses.

Everyone stepped closer to Khalil na para bang dito sila naniniwala, but Bullet stayed infront kuya Hrein habang inaawat ito sa pagsugod.

"What? You guys believe in him?" hindi makapaniwalang tanong niya habang pinagmamasdan ang mga miyembro.

Gustong gusto ko siyang yakapin para sabihin na wala akong kinakampihan, but my knees are trembling. I'm glad that Bullet is infront him.

"Calid, Niccolo." Isa-isa niyang tiningnan ang mga kagrupo. "Max?"

Walang sumagot ni isa sa mga tinawag niyang pangalan.

"Putangina," kuya Hrein cussed beneath his breathe. Lumayo siya mula sa mga ito bago sabunutan ang sarili.

"You actually believe in him without letting me explain? Hindi ninyo man lang ako tinanong bago ninyo paniwalaan si Khalil? Putangina." I can see how frustrated he is right now.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi nang makita ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ni kuya Hrein.

"I can't believe this. Itatapon n'yo l-lang lahat ng pinagsamahan natin para sa perang hindi ko naman ninakaw! You chose to side with him instead of asking me. I can't believe this," naiiyak na saad niya.

Napahikbi ako nang hubarin niya ang kwintas na marka nila bilang myembro ng grupo. Padabog na tinapon ni kuya Hrein ang kwintas sa lamesa bago humakbang paatras.

"You can judge me, go on, but I'm telling you. I'm not the fucking culprit here."

Tinalikuran niya kaming lahat bago humakbang papalabas ng bahay. Everyone confronted kuya Khalil but Bullet managed to stay still. Agad kong tinakbo ang daan palabas ng bahay para habulin si kuya Hrein. I saw him walking towards his car kaya agad ko siyang tinawag.

"Kuya! Sandali lang po!" naiiyak kong sigaw.

He stopped from walking bago ako lingunin. Tinakbo ko ang pagitan namin atsaka siya niyakap nang mahigpit.

"Kuya, naniniwala po ako sa inyo. Naniniwala po kami ni Bullet na hindi kayo kriminal. Please po, huwag ka nang umalis, mag-usap usap muna po kayo," umiiyak na pagmamakaawa ko.

Ngumiti nang matamis si kuya Hrein bago guluhin ang buhok ko. "Thank you, Reign. Thank you for trusting me kahit tinalikuran ako ng sarili kong mga kaibigan. Send my regards to Bullet also, I know you guys are dating."

"K-Kuya?"

"Bagay kayo, and I'm glad that he found someone like you who prefers to listen. Don't worry about me, Reign, I'll be fine. I just need to rest."

Humahagulhol na pinagmasdan ko si kuya Hrein habang papaalis ang sasakyan nito. They didn't even listen to him...

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon