Chapter 41

17K 540 153
                                    


Maxreign

Kumunot ang noo ko nang maalimpungatan dahil sa malambot na bagay na dumadampi sa pisngi ko.

I groaned softly bago itaboy ang kung ano mang bagay na 'yon.

"Hey, baby. Wake up."

Naiinis na tumagilid ako ng higa para subukang makatulog ulit, pero may braso na naman na humila sa akin patihaya para halikan ang pisngi ko.

"Good morning." I heard Bullet's voice.

Napadilat ako ng wala sa oras nang maramdaman ang pagsakop niya sa mga labi ko. I tried pushing him pero mas nilaliman niya pa ang pagkakahalik sa akin.

"Good morning," he greeted me after the kiss.

Napangiti ako sa narinig, I hugged his neck before kissing his cheeks. "Good morning! Bakit ka nanggigising, ha?"

He gently pinched my nose. "I woke up too early so I went here to watch you, nagsawa na ako sa kakatingin kaya ginising na kita. Come on, kiss me more."

"You're stealing a kiss from me while I'm asleep." I pouted my lips after saying that.

Naiiling na tumawa siya, maingat na pinatakan niya ng halik ang mga labi ko bago tumingin nang diretsyo sa mga mata ko.

"I'm about to ruin your morning," he whispered.

Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, he's sweet to me whenever there's a bad news!

"Why? What happened?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.

Hinaplos niya nang dahan dahan ang buhok ko habang taimtim na nakatingin sa akin.

"Hrein and Khalil had a fight, Max just told me about this a while ago, and Khalil also lost a billion in his company."

Natulala ako sa kawalan.

Again? And it happened to kuya Khalil this time? Sigurado akong grabe ang stress na nararamdaman niya dahil nag-away pa sila ni kuya Hrein.

"B-Bullet, what if umuwi na lang kaya muna ako? I'll face those assholes! K-Kaya ko silang harapin, para wala nang madamay pa," nag-aalalang sabi ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya. "I won't let them touch you, baby. And stop worrying about money, ako ang magpapalit sa bawat pera na nawawala sa kompanya nila."

"Bullet, hindi naman tinatae ang pera, ang laki kayang--"

"I'm gaining billions every second, Reign. Kahit bilhin ko ang buong mundo, wala akong pakealam sa pera. I just really want to tell you about this dahil ayokong magtago ng kahit na ano sa 'yo, but stop worrying about these things already. We're here to enjoy, right? Gusto kitang masolo pero iba ang iniisip mo," matapang na sabi niya.

"But how about the fight, baby? Bakit naman sila nag-away?" takang tanong ko.

"Max heard Khalil blaming Hrein for everything. Khalil claimed that Hrein was the only person who's incharged to take care of all the money they have because they're business partners, Max also told me that Khalil is suspecting Hrein from stealing Niccolo's money also." Nagulat ako sa sinabi ni Bullet.

Kuya Hrein? They're blaming him for this? No, that's impossible. Hindi niya magagawa 'yon!

Lumingon ako kay Bullet nang haplusin niya ang noo ko. "I'll fix everything, okay? For now, you have to calm down Reign. Hindi makakabuti sa 'yo ang masyadong maraming iniisip."

I nodded my head kahit tulala pa rin ako sa kawalan. "Y-You want to go for a swim? So we can forget about these things for a while?" pag-aya ko sa kaniya.

He chuckled at me.

"We have a private pool here," he suggested.

"Sige, doon na lang. Let's swim muna after eating breakfast, okay lang?" malambing kong tanong.

He leaned closer to kiss my lips, humiwalay siya saglit bago ako titigan nang mariin sa mga mata ko. "You are fucking beautiful, Reign. You're taking my breathe away."

Napangiti ako nang muli na namang dumampi ang labi niya sa akin. He kissed me in a gentle way, like he's making sure that I won't get hurt. I really love his kisses.

Ako na ang kusang lumayo nang maramdaman na kinakapos na ako sa hangin. I smiled at him sweetly before  biting my lower lip.

"I'm hungry, let's go, please."

"You're hungry? I cooked breakfast for you, come here." He gestured me to come closer kaya wala na akong nagawa kung hindi ang lumapit sa kaniya.

Tumalikod siya sa akin, telling me to ride on his back which I gladly did. Humahagikhik na nag-piggy back ride ako sa kaniya habang pababa kami ng hagdan.

Nang makarating sa kusina ay maingat niya akong ibinaba, pinaghila niya pa ako ng upuan para makaupo.

I clapped my hands in excitement while he's busy preparing the food for the both of us.

Habang pinapanood ko siya ay hindi ko naiwasan ang mapa-isip.

"Bullet?" I called his attention.

Dumaan siya sa harapan ko para halikan ako sa labi. "Why?"

"Kapag ba naging mag-asawa tayo hindi ka magagalit sa akin? Kasi hindi ako marunong magluto. 'Diba ang gusto ninyo sa babae 'yung masarap mag-cook?" naka-pout kong tanong.

His smile became wide after hearing that. He leaned on the table before facing me.

"I can cook for you, everyday, I'll teach you how if you want me to do it for you. I don't care even if you're the worst person in the kitchen, as long as you are my wife, then everything is perfect." Namula ang mga pisngi ko nang marinig 'yon, dagdag pa ang hindi mapigil na ngiti sa labi ko.

"Talaga? Legit, no lies?"

He laughed. "Yes."

"Love mo pa rin ako kahit minsan bad girl ako?" dagdag ko pa.

"You are not a bad girl."

"But sometimes, I am a brat--"

"You mean always."

Napabusangot ako nang sumingit siya. Isang halakhak ang binitawan niya nang makita ang reaksyon ko.

"See? What a beautiful brat."

"Pero Bullet nga kasi, love mo pa rin talaga ako kahit minsan bad girl ako? Kahit nang-aaway ako ng girls? Pati boys? Love mo pa rin ako like how my kuya Max loves me?" I asked him.

"I love you more than anything in this world, Maxreign. I love you the way you are and I won't get tired of it. Hindi kita iiwan dahil lang sa walang kwentang bagay na 'yan, when I say I love you, it means I am willing to sacrifice everything for you. Even my surname and my whole family, my position, my money, I'm willing to let go of them, kung 'yon ang kailangan kong gawin para makasama ka."

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now