Chapter 26

18.5K 600 115
                                    

Maxreign

"What? Ang layo layo kaya ng island na 'yon, kuya," reklamo ko kay kuya Max na nasa harapan ko.

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko. "Ang sabihin mo, gusto mo lang talaga sumama sa amin. Tumigil ka Reign, hindi papayag si Bullet dahil kukulitin mo na naman siya."

I pouted my lips bago siya irapan. "Ayoko! Hindi ka sasama!"

"Aba, ang kapal ng mukha mo, ha. Ate kita, ate kita?" tanong niya.

I sticked out my tongue to tease him. "Oo! Ate mo ako! Hindi ka sasama hanggang hindi ako kasama!"

"Reign, si Bullet ang masusunod dahil siya naman ang may plano nito. At hindi ka no'n papasamahin, panigurado, lilingkis ka lang magdamag sa kaniya!" galit na singhal ni kuya.

Ha, baka si Bullet pa ang lumingkis sa akin magdamag.

Baliktad na ang mundo ngayon, kuya.

"Ang sama talaga ng ugali mo! Isusumbong kita kay mommy!" galit kong sigaw pabalik bago takbuhin ang kusina.

Nakabusangot akong lumapit kay mommy na kausap ang ilang maids. "Mommy!"

Lumingon siya sa akin bago tumawa nang mahina. "Why are you frowning, my princess?"

"Si kuya po! Inaaway na naman ako! He won't let me come with them, e manager po nila ako," nagtatampong sumbong ko.

She chuckled non-stop habang nilalapag ang mga pagkain sa table. "My dear daughter, you are so cute."

"Mom naman, e! Pagalitan mo po si kuya, lagi niya akong inaasar. Sabi niya po ayaw niya akong sumama kasi lalandiin ko raw po si Bullet," dagdag ko pa.

"Baka naman kasi back to normal ka na naman," she answered habang naniningkit ang mga mata.

"Mom? Paano pong back to normal? Hindi na po ako gano'n kalantod, kaonti na lang po," sagot ko habang magkasiklop ang mga kamay.

Kasi po si Bullet na ang malantod ngayon, hindi na ako mom.

"Maxreign, 'diba your brother told you to stop that habit? Baka ma-turn off si Bullet sa ginagawa mo," she responded.

Hindi nga po na-turn off, e.

"Sorry, mom," tanging naisagot ko na lang. Baka hindi ko na mapigilan ang bibig ko at sabihin na lang ang totoo kay mommy.

I heard a lot of voices in the living room kaya mabilis akong lumabas. Nakita kong nandito na sila Bullet, I think they're check on kuya Max.

Humagikhik ako bago tumakbo papalapit. I waved my hands.

"Hi," I said.

"Hello, baby Reign! Good morning!" bati sa akin ni kuya Niccolo.

Lalapit na sana siya sa akin para yumakap pero mabilis na nahigit ni kuya Hrein ang tainga niya.

"Landi mo talaga Niccolo! Ang sama na ng tingin sa 'yo ni Arazon!" bulyaw ni kuya Calid dito.

Natawa na lang ako sa pagkukulitan nila, nahagip ng mga mata ko si Bullet kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Nagtatampo ako sa kaniya, hindi man lang niya sinabi sa akin na may gano'n pala silang plano. Ang sama ng ugali niya!

"M-Magbabakasyon kayo?" panimula ko.

"Oo, baby Reign, doon sa isla nila boss." Si kuya Niccolo ang sumagot sa akin, kasalukuyan niya pang hinihilot ang taingang nasaktan.

"Ow," tanging nasabi ko na lamang bago samaan ng tingin si Bullet.

Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko, pero bahala siya sa buhay niya! Nagpaplano na siya ngayon na hindi sinasabi sa akin, samantalang nagagalit kapag ako ang hindi nagsasabi sa kaniya.

"Sama ako!" nakangiting parinig ko kay kuya Max.

"Sure, baby Reign!" sagot ng apat na lalaki.

"No, Reign. Dito ka lang," matigas na sabi ni kuya.

Hinila niya pa ako para itago sa likuran niya.

"Sorry for that, boss, she said she wanted to come," narinig kong sabi ni kuya Max kay Bullet.

Nilabas ko ang ulo sa likuran ni kuya at tingnan si Bullet. Nakatingin din ito sa akin bago tumaas ang sulok ng labi niya.

"She can come." Napangiti ako sa sagot ni Bullet.

"Yes! You heard that? I can come daw!" excited kong turan habang pumapalakpak.

Naiiling na pinagmasdan na lang ako ni kuya, pinanlakihan niya pa ako ng mga mata kaya inambahan ko rin siya.

"Sige, Max, kita kita tayo bukas ng umaga. Pumunta lang kami dito nila boss para i-check ka," seryosong sabi ni kuya Khalil.

Tumango kami ni kuya sa kanila, nakangiting kumaway ako. "Ba-bye! Ingat kayo, guys."

"Bumitaw ka nga sa akin, pupunta lang akong kusina pumpkin. Ihatid mo sila sa labas," kuya Max said bago tumakbo papasok ng kusina.

Sumunod na lang ako kila Bullet ko papalabas, sumilip ako sa pintuan para i-check kung papaalis na ba sila.

Pero nagulat ako nang hindi pa sumakay si Bullet sa van, he talked to the boys habang hawak ang phone. Siguro'y sinasabi niya na may tatawagan lang siya.

Papasok na sana ako nang makita kong sinenyasan niya ako sa direksyon ko.

What?

Agad akong lumabas ng bahay at tinakbo ang direksyon na pinuntahan niya. I saw him on the garden.

"Hey," mahina kong sabi nang makalapit ako sa kaniya.

Nilingon niya ang likuran ko bago ako hilahin. Hinaplos niya nang marahan ang pisngi ko.

"Why are you mad at me?" he asked.

"Ha? Hindi, hindi ako galit sa 'yo," nangangakong sabi ko.

"But you looked at me a while ago like you wanted to kill me," he worriedly said at marahan pa akong hinalikan sa noo.

"Kasi naman, bakit hindi mo sinabi sa akin na magbabakasyon kayo? Feeling ko kinakalimutan mo na ako, ang sama sama mo," sagot ko habang nakabusangot.

"Baby, I was planning to surprise you about this. Huwag ka nang magtampo sa akin," mahina niyang bulong atsaka ako niyakap nang mahigpit.

I smiled while embracing him. "Hindi na nga ako galit, huwag ka nang ganyan. Umalis na kayo, baka makahalata sila," bulong ko.

"I'll see you tomorrow, baby, take care," he whispered to me bago ako halikan nang mariin sa labi.

Tinapik ko ang balikat niya nang kapusin na ako ng hininga, bumitaw na siya sa akin. Nag-iwan pa siya ng halik sa tungki ng ilong ko bago maglakad papalayo.

Nakangiting hinawakan ko ang ilong. Ang sweet sweet talaga ng monster na 'yon.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now