Chapter 49

15.2K 450 35
                                    

Maxreign

"Mom, I'm telling you, they will never know kung nasaan nakalagay ang chip na 'yon. I hid it in the safest place! Even kuya Max doesn't know where it is!" depensa ko sa sarili.

"Maxreign, nag-aalala ako sa kalagayan mo. Ngayon pa nga lang, muntik ka nang mapahamak dahil sa chip na 'yan! Kung mas lumala pa ang pagiging desperado ng mga 'yon, baka hindi na sila magdalawang isip na patayin ka!" umiiyak na sagot ni mommy.

Napayuko ako para hindi makita ang pag-iyak niya, I never want to hear my mom crying 'cause it breaks my heart. "But dad told me to do this, and I am doing this for him, mommy. Ako ang pinagkatiwalaan niyang magtago nito, you guys already talked about this right? Napagkasunduan ninyo na 'yon."

Umiiling na hinaplos niya ang buhok ko. "We just want to keep you safe, Reign. Hindi ka na puwedeng mapahamak pa ulit katulad ng nangyari sa 'yo ngayon. If Bullet wasn't here, you might be dead right now."

"They'll never kill me, they can't kill me dahil sa akin nakasalalay kung paano nila malalaman kung saan ko tinatago 'yon, mommy!" 

"Anak hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo! Ano ba ang hindi mo maintindihan sa punto namin ng daddy mo?!" Natulala ako nang pagtaasan ako ng boses ni mommy.

Umatras ako nang bahagya nang maramdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. "B-But, mom, ito lang 'yung kaisa-isang bagay na pinagkatiwala ninyo sa akin. You never let me mend in your businesses even if I want to. Wala kayong ibang bagay na pinagkatiwala sa akin kasi para sa inyo mahina ako. Tapos n-ngayon, kukuhanin ninyo pa 'to sa akin."

She tried holding my arms but I quickly ran away from her. Humahagulhol na umakyat ako sa kwarto bago isarado ang pintuan. I sat down on my bed before bursting out. Hindi ko alam kung paano pipigilan ang paghikbi ko habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.

I can fight for myself, kaya kong itago ang chip nang kami lang ni Bullet ang nakakaalam kung saan. Hindi rin nga nila alam kung saan ko tinatago ang bagay na 'yon pero ngayon, kukuhanin pa nila 'yon sa akin.

"I was so proud of myself, but now." Mas lumakas ang paghikbi ko habang kinakausap ang sarili. "You're still weak, Maxreign."

"Reign?" 

Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko nang marinig ang boses ni kuya Max mula sa labas ng kwarto ko. I gently put powder below my eyes para hindi mahalata na umiyak ako, he'll panicked again I'm sure. Ayoko nang dagdagan pa ang bigat sa dibdib ni kuya Max.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan bago magkunwaring kinukusot ang mga mata. "Hey kuya, I'm sorry, napuwing kasi ako."

Diretsyo lang ang tingin ni kuya Max sa mga mata ko na parang naninigurado, sunod sunod akong napalunok dahil alam kong nakahalata na siya base pa lang sa dahilan ko. "You cried, stop denying it. Tingin mo talaga hindi ko alam?"

"I didn't cry, kuya. Napuwing lang po ako," pagdadahilan ko pa. I'm sure he'll keep asking me why I cried, ayoko na siyang abalahin pa dahil busy sila ngayong magkakagrupo kung paano poprotektahan ang pamilya namin. Lalo na ako.

"I am your brother, Reign. We've been together for a long time tapos aarangkadahan mo ako ng ganiyan? Come here, tell me what happened," nangungumbinsing saad niya.

I shook my head. "You don't need to know, kuya. It's my personal issue, I don't want you to get involved in my personal problems. Marami ka na pong inaalala."

He smiled mischievously, he even raised his eyebrows on me. "Naks, linyahang mature ha. Sino ka nga ulet?" nanunuksong tanong ni kuya Max. Halos mahampas ko siya sa inis.

"Kuya naman, e! Lumayas ka nga rito sa kwarto ko! Nakakabwisit ka talaga, kuya!" 

Mas lumakas pa ang tawa niya dahil sa reaksyon ko. "Oh 'diba na-distract ka, ano nga? Bakit ka ba umiiyak? Sinong nagpaiyak sa baby namin?" He gestured me to hug him na agad ko namang sinunod. I took the opportunity to hug him because he's one of the people who can make me feel comfortable.

"I'm fine kuya, promise. Hindi naman ako umiyak nang sobra, may sagutan lang kami ni mommy kanina sa kusina. Pero ayos na po ako ngayon." Tinaas ko pa ang kanang kamay umano'y totoo ang sinabi ko.

"That's good, hindi na kita tatanungin kung anong pinag-awayan ninyo ni mom dahil hindi ka komportableng sabihin sa akin. I'll let you breathe for a while before we talk about that," seryosong saad niya.

Tinaas ko rin ang kilay ko bago siya ngisian. "Naks, tunog ideal na kuya, ha. Sino ka nga ulet?"

Napamaang ako nang itulak niya lang ang noo ko para tuktukan, wala man lang kahinay-hinay sa galaw niya. Muntik pa akong mabuwal sa kinatatayuan ko. "Gaya-gaya ka kasi, dapat sa 'yo kinakasuhan ng plagiarism. Halika na nga, bumaba na tayo. Dumating na sila Bullet kani-kanina lang."

"I thought you guys were talking a while ago habang nakikipag-usap ako kay mommy?" takang tanong ko.

"Oh, si Niccolo lang kausap ko kanina about sa plano namin. Pero kararating lang din ng iba, let's go." Hinawakan niya ang ulo ko bago guluhin ang buhok kong ayos na ayos. Hinabol ko pa siya pababa ng hagdan para bigwasan pero agad din akong napatigil nang maabutan sila Bullet sa sala.

Ngumiti ako nang bahagya kay Bullet na sinuklian niya ng tipid na ngiti para hindi mahalata. I swallowed hard before sitting beside kuya Max na ngayon ay kaharap na ang mga kagrupo niya. 

"So, what about our plan? Hindi natin sigurado kung hindi na babalik ang mga 'yon," kuya Max started the conversation.

"Pero may kaaway ka ba, baby Reign? Those people are desperate to come to you, but knowing na hindi ka naman public figure unlike your brother, hindi ko alam kung bakit may nagtatangka sa 'yo," kuya Hrein said.

Ngumiti ako nang mapait. "I don't know also, kuya. Baka mga nangti-trip lang." Pinasadahan ko ng tingin si Bullet na nakatitig lang sa akin.

"Nevermind, we need to move now and make our own plans. Alam kong lahat kayo ay may background sa martial arts. And we might need it to protect my sister." 

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon