Chapter 2

23.6K 794 208
                                    

Maxreign

"Pagod na ako," nakangusong reklamo ko at saka tumigil sa paglalakad.

They stopped walking bago ako balikan. Kumapit sa braso ko si Shantal habang pangisi-ngisi lang si Kris kasunod niya.

"Saan mo gusto pumunta?" nakangiting tanong ni Shantal.

Napapalakpak ako sa tuwa. "Ice cream!"

Kris came closer para guluhin ang buhok ko. "Chaka, puro ka ice cream girlalu."

Pumapadyak na niyakap ko ang baklang 'to. "Sige na, Kris! Bilihan n'yo ako ng ice cream doon."

Tinuro ko ang favorite na ice cream stall sa pinakagilid, naramdaman ko ang pagbuntong hininga ni Kris.

"Pasalamat ka talaga at crush ko ang kuya mo!" umiirap niyang sabi.

Ngumiwi ako sa inasta niya. "Ang taray taray mong bakla ka! Hindi mo ba ako mahal? Lagi mo akong tinatarayan."

He grinned at me. "Love, syempre, pero mas love ko kuya mo."

Napahagikhik ako nang hampasin siya ni Shantal. "Bakla ka! Bakit mo inaagaw ang Max ko?"

Nag-cross arms si Kris habang nakapaskil ang mataray na mukha. "Excuse me? Gays first."

Humagalpak ako ng tawa nang makita ang reaksyon ni Shantal sa narinig, gulat na gulat at hindi makapaniwala.

"Ang kapal ng mukha mo! Halika na nga doon! Bibilhan ko si Reign ng ice cream, hindi kita ililibre!" singhal sa kaniya ni Shantal bago siya hilahin paalis.

Naiwan ako dito habang tinatanaw sila palayo, I sat on the bench for a while before swinging my feet.

"I'm so gutom," nakangusong untag ko.

Sumalampak ako sa bench habang mataimtim na naghihintay.

Lumingon ako sa mga babaeng nagsisigawan na bigla na lang lumabas kung saan. Anong m'eron?

"Hey, baby Reign! Here's your ice cream!" nakangiting sambit ni Shantal habang inaabot sa akin ang ice cream na hawak niya.

Nakangiting hinablot ko 'yon at pasimpleng tinarayan si Kris na nakatingin sa akin.

"Duh! I'm not a fan of ice cream!" he irritatedly said.

Nakapameywang na umupo siya sa tabi ko, nadanggil pa ako ng siko niya kaya napalabi ako.

Mukhang napansin niya 'yon kaya mabilis niya akong hinarap at niyakap. "Hala, sorry bebe ko! Huwag na cry."

"Hindi naman ako naiyak," sagot ko.

Nakita kong umawang ang bibig niya na para bang may balak sabihin pero agad 'yong natikom nang biglang lumakas ang sigawan sa mall.

Halos marindi ako sa tilian, Kris and Shantal covered my ears kaya tinakpan ko rin ang sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang pinoprotektahan ng mga security guards.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now