Chapter 19

19.8K 593 36
                                    

Maxreign

Sigurado ako sa nakikita ko, alam kong dugo ang nasa cover kaya biglang umusbong ang kaba sa dibdib ko.

Hindi takot sa bomba, pero takot sa dugo, what the hell, Maxreign?

"Blood stains, I'm very sure that it's a death threat. Para sa akin siguro 'yan," natatawang sabi ni kuya bago agawin sa akin ang box.

Umupo ako sa tabi niya at hinintay na buksan niya ang misteryosong bagay na nasa harapan namin.

He saw a letter at the side kaya binuksan niya 'yon.

"For Maxreign Ezriel. This is for you, Reign." Biglang humina ang boses ni kuya.

Alam kong nag-aalala siya para sa akin, kinuha ko na lang ang box mula sa kamay niya at ako na mismo ang nagbukas no'n.

Bumungad agad sa akin ang isang panyo na puno ng dugo. May letter din sa loob kaya padabog kong binuksan 'yon. Mga isip bata.

I read the letter out loud that was written in blood.

I'll give you two months to stay alive, Maxreign. Hanggang hindi mo sinasabi sa amin kung nasaan ang chip, hindi ka namin bibigyan ng payapang buhay.

You'll start counting for your nightmares.

I pouted my lips. "Corny naman nito, two months lang? Wala na bang mas itatagal?"

Binatukan ako ni kuya nang malakas. "Kahit kailan ka talaga! This is a very serious situation, Maxreign. Hindi ito biro!"

Ginulo ko ang buhok sa inis. "E, bakit ikaw kalma ka lang kapag may ganito ka? Kapag ako, bawal kumalma?" nakabusangot kong tanong.

"Iba ka sa akin, Maxreign. I am a public figure at kaya ko ang sarili ko, pero ikaw, hindi kita araw araw kasama. Para na akong mamamatay ngayon sa pag-aalala sa 'yo, pero ikaw kalmado ka lang?" inis na sabi niya.

I pouted my lips.

"Kuya, wala naman po tayong magagawa kung mananatili akong taranta. Mas lalo lang silang makakakita ng reason para takutin ako, 'di ba? Kaya ko ring lumaban kuya, daddy trained me well and I can handle my self," explain ko sa kaniya.

Sumandal siya sa sandalan ng sofa at huminga nang malalim.

"They're attacking you, I don't get it. Paano nila nalaman na nasa 'yo ang chip na 'yon?" he whispered.

"Even you, hindi mo rin alam kung saan ko tinatago ang chip na 'yon, kuya. Mom and dad doesn't know about it also, kaya hindi ko alam kung paano nila natunugan na nasa kamay ko 'yon," mahinahong dagdag ko.

"What are we going to do now? Sasabihin ko ba kay daddy?" tanong niya sa akin.

Mabilis naman akong lumingon sa kaniya at umiling nang marahas. "No, kuya! Don't tell them! Ako na po ang magsasabi sa kanila."

"Okay, I respect your decision. Pero kailangan kong humingi ng tulong kay Bullet, marami siyang kilalang bodyguard na magaling magtrabaho. Maybe I can hire those bodyguards for you," he said.

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Alam kong magpupumilit pa rin si kuya sa gusto niya kahit ayaw ko, he just want to make sure that I'm safe and I am thankful that I have a brother like him.

Alam kong kaya kong alagaan at protektahan ang sarili ko, but I can't protect myself from snipers and guns kung wala akong armas na gano'n.

I bit my lower lip habang pilit na iniisip kung iibahin ko ba ang pwesto na pinagtataguan ng chip. Pero stick pa rin ako sa plano ko, pinaka-safe na pagtaguan ng chip kung saan siya naroon ngayon.

Patayo na sana ako nang biglang magsalita si kuya.

"Maxreign," he called my name.

"Why?" I asked him.

"These past few days, napapansin ko na parang mailap ka na kay Bullet. I mean, yes, nakadikit ka pa rin sa kaniya pero hindi na katulad ng dati. Is there something wrong?" he asked me.

Napalunok ako.

"W-Wala, kuya."

"Are you sure? Nawawalan ka na ba ng interes sa kaniya?" dagdag niya pa.

Mabilis naman akong umiling. "Hindi, kuya! He is still my ultimate crush and no one can change that. B-Bakit ganiyan ang mga tanong mo?"

He chuckled. "Wala lang, parang napapansin ko kasi na hindi ka na gano'n umakto katulad ng dati, I was just worried that you lost interest on him."

"You told me back then not to attack him like that, sabi mo it was a desperate move. Sinunod naman kita, kuya, bakit ka nag-aalala?" natatawang saad ko.

"It's not like that. Ayokong makita ka na gano'n makadikit kay Bullet. But I like him for you, so I am scared that maybe you lost interest in him. He's the guy I want for you, dahil hindi pa naman nagkaka-girlfriend ang boss ko. I know he can take a good care of you," nakangiti niyang sabi.

May humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ni kuya. He wants Bullet for me because he knew he can take care of me, like how kuya Max can.

"Bago ako makahanap ng babaeng mamahalin ko, gusto ko munang makampante na makakahanap ka ng lalaki na magmamahal sa 'yo katulad ng ginagawa ko. I want you and Bullet to end up together, because I am comfortable with him and I trust him," pagpapatuloy niya.

Humagikhik ako. "So puwede ko na siyang i-date?"

"No," matigas niyang sagot.

Lumukot ang mukha ko. "What? But why?!"

"Hindi ka pa graduate, Max. Ayokong pumasok ka sa relasyon hanggang hindi mo pa natatapos ang college. Huwag na huwag kang makikipag-date kay Bullet, I know how wicked your mind is. You like to explore, and Bullet is a guy, like me. Baka i-seduce mo pa ang boss ko," masama ang tingin na sabi niya.

Hindi makapaniwalang binatukan ko siya.

"Ako talaga ang gagawa no'n? Hoy kuya! Mabait ako, 'no!" I said.

"Still, I trust Bullet but I don't trust you. Sinasabi ko sa 'yo Reign, kapag nalaman ko talaga na nagde-date kayo ni Bullet, ilalayo kita sa kaniya," he added with finality in his voice.

"Akala ko ba gusto mo na kami ang magkatuluyan?" mataray kong tanong.

"Gusto ko, pero kung susuway ka ngayon pa lang. Hindi malabong sumuway ka kapag nagtagal, sumunod ka na lang sa akin. Bawal."

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now