Chapter 13

21K 685 338
                                    

Maxreign

Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman na malambot na ang kinahihigaan ko.

Dahan dahan kong kinusot ang mga mata bago bumangon sa pagkakahiga.

Muntik pa akong mapasigaw nang makita si Bullet single sofa. He's looking at me intently, agad naman akong napahagikhik bago magsalita.

"Hello, asawa ko! Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya habang nagniningning ang mga mata.

Iniwas niya ang tingin bago sumandal habang kagat kagat ang ibabang labi. "To keep an eye on you."

Nanlaki ang mga mata ko nang lingunin ko ang orasan. 30 minutes na siyang late para sa interview nila!

"Omygosh, Bullet! Baka late na tayong lahat! Nasaan sila kuya, ikaw? Bakit ka nandito! Tara na!" kinakabahan at natatarantang saad ko sa kaniya.

"They're doing the shoot already," matipid na sagot niya.

Agad namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka sumama sa kanila kung ginagawa na pala nila 'yung shoot?"

"Are you deaf?" Napaatras pa ako sa sinabi niyang 'yon, ang sungit sungit talaga niya kahit kailan!

Lalambot ka rin kapag na-realize mo na ako ang mapapangasawa mo.

Ngumuso ako nang malapad bago suotin ang slippers na nasa ibaba ng kama. Bumaba ako mula sa kinauupuan at mabilis na naglakad papalapit sa kaniya.

Humahagikhik na lumapit ako at pilit na sumiksik sa tabi niya. Mabilis akong lumingkis sa kaniyang matipunong braso.

"Asawa ko, bakit ka nagpa-iwan dito? May nararamdaman ka ba? May masakit ba sa 'yo? Ano ano?" malambing na tanong ko sa kaniya habang sinisilip ang mukha niya.

Nakita kong bahagya niyang nilayo ang braso kaya napabusangot ako. Wala na akong nagawa kung hindi ang lumipat sa kabilang single sofa.

"Hoy, asawa ko, sumagot ka naman sa akin," nagtatampong saad ko.

"Max told me to stay with you, I have no fucking choice," malamig niyang sabi.

Agad namang napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Si kuya Max ang nagsabi sa kaniya?

Sa pagkakaalam ko never gagawin ni kuya 'yon, kahit sino pang pinagkakatiwalaan niya, hinding hindi niya ako iiwan kung kanino. Siya pa mismo ang magbabantay sa akin.

I just shrugged my shoulders bago lumingon sa intercom. "Puwede ba akong mag-order ng pagkain dito, baby ko?"

Lumingon siya sa akin. "Why? Are you hungry?"

Tumango ako.

Mabilis naman siyang tumayo at lumapit doon, sinundan ko siya papunta doon at pinakinggan ang sasabihin niya.

"Yeah. Just two orders for that meal, any drink. Fucking make sure that there's no freakin' peanut butter on any meal." Napaatras pa ako sa pagmumura niya.

Ibababa niya na sana ang tawag pero mabilis ko siyang pinigilan.

"What?" masungit na tanong niya.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now