Chapter 47

15.3K 455 58
                                    

Maxreign

Napaunat ako ng katawan nang maramdaman ang pagod. Laking gulat ko nang pagmulat ko ng mga mata ko, sakto namang huminto na ang sasakyan sa harap ng bahay namin.

"Woah, we're here?" gulat na tanong ko kay Bullet.

He smiled before nodding his head. "You have to rest, Reign. I know you're tired."

Ngumiti ako bago siya halikan sa labi. "Ba-bye. I need to go. Ingat ka papauwi kahit sa kabilang way lang naman ang bahay ninyo," humahagikhik na saad ko.

He grinned at me. "I love you, baby. Thank you for the time."

Nagpaalam na kami sa isa't isa bago ako mabilis na lumabas mula sa kotse niya. The guard quickly opened the gate for me kaya agad ko 'tong nginitian.

Halos matumba ako sa gulat nang bumungad sa akin si kuya Max pagkapasok ko.

"Kuya. I miss you!" Excited na yumakap ako sa kuya kong napakapangit.

He hugged me back, but I can feel that there's something wrong kaya agad akong napatitig sa kaniya.

"Why? What's bothering you?" tanong ko.

"I saw it, Reign. I saw it, at hindi ako puwedeng magkamali sa nakita ko," he said coldly.

"What? Ano pong sinasabi mo kuya?" naguguluhan kong tanong.

"It's Bullet's car. Alam kong si Bullet ang naghatid sa 'yo, Reign. Bakit ka nasa sasakyan ng lalaking 'yon? I thought Shantal will bring you home?" malamig na sabi niya.

I smiled sweetly at him.

Bullet told me never to stutter when lying.

"Ah, oo, si Bullet nga kuya. I was about to tell it to you dahil kilig na kilig ako," nagkunwari pa akong napapangiti. "Shantal dropped me outside the subdivision kasi emergency, may nangyari sa restaurant so I told her na okay lang kasi malapit lang naman bahay natin dito, ih. Tapos sakto po na napadaan si Bullet kaya pinasakay niya na ako. Alam mo ba kuya? Kahit hindi niya ako pinapansin? Ang gwapo gwapo pa rin ng asawa ko!"

Mukhang nakumbinsi ko si kuya Max dahil sa wagas na pag-acting ko. Parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.

"I thought..." he whispered.

"Akala mo ano, kuya?" Kinunot ko pa ang noo nang magtanong.

"I thought you two were dating and you're hiding it from me."

Agad kong inalis ang masayang emosyon. I smiled bitterly. "Bullet will never like me, kuya. Hindi ako ang tipo ni Bullet, malayong-malayo sa mga babaeng tipo niya. Atsaka huwag mo na akong paasahin sa akala mo, hindi mangyayari 'yan."

I walked out infront his face before going upstairs. Gusto kong palakpakan ang sarili dahil sobrang galing ko na sa pagsisinungaling. Noong nagpaulan ng talent, siguro isa ako sa favorite ni Lord kaya lahat natanggap ko.

Nang makapasok ako sa kwarto, dali-dali akong pumasok sa cr ko bago tawagan si Bullet. I chuckled when he answered the call immediately.

"Why?" he asked.

"Gumana 'yung acting ko! Ang galing ko talagang nilalang."

Narinig ko ang pagkawala ng tawa sa bibig niya. "I just got home tapos bubungaran mo agad ako ng magandang balita?"

Ngumiti ako. "I'm just proud. Okay, bye! Pahinga ka na. I love you!"

"I love you too. So fucking much."

Binaba ko na ang tawag bago lumabas ng cr. Humiga ako sa kama habang pinagmamasdan ang kisame.

Kakahiwalay pa lang namin pero nami-miss ko na agad siya.

I decided to clean up first bago magbihis ng pangbahay. Nang maramdaman ang pagkagutom, lumabas ako sa kwarto at dali-daling tumakbo pababa ng sala.

I smiled when I saw kuya's bandmates. Ramdam ko ang awkward na atmosphere sa pagitan ni kuya Hrein at kuya Khalil.

Nalulungkot ako na kailangan pa nilang umabot sa ganito. "Hi, guys! I miss you all!"

Ngumiti silang lahat sa akin. "Baby Reign! Kumusta ang bakasyon?" masayang sabi ni kuya Niccolo.

Pinagsiklop ko ang mga palad. "It's fun! Ang dami naming ginawa nila Sabrina na activities sa dagat!" masaya kong sabi.

"That's good for you," kuya Calid said.

Lumingon ako kay kuya Hrein na mag-isang nakaupo sa sofa. I'm sure he can feel the awkwardness between the other members. Naaawa ako dahil alam ko namang kailangan niyang manatiling kasama sila kuya Khalil dahil kay Bullet, dahil isa silang grupo

But Bullet told me not to trust anyone... Kahit sino pang tao.

"Hey, kuya Hrein! Bakit ka malungkot diyan? May problema ba?" Hindi ko na natiis ang sarili.

He smiled at me, this time, totoong ngiti. "Yeah, I'm fine. Masakit lang ang ulo ko."

Tumabi si kuya Max sa kaniya bago tapikin ang balikat niya. "Come on, bro. Magpahinga ka muna, wala naman si Bullet."

"Sinong hindi sasakit ang ulo kung isa kang magnanakaw?"

I gasped when kuya Khalil said that.

Galit na tiningala siya ni kuya Hrein. "Gago ka ba?! Ilang beses kong kailangang ipagsiksikan sa utak mo na hindi ako magnanakaw?"

Napaatras ako nang tumayo si kuya Hrein sa kinauupuan niya.

"Ako pa ang nagsisinungaling ngayon?! Ang sabihin mo, gusto mong mapalapit ngayon kay Bullet para doon ka naman magnakaw sa kompanya niya!" kuya Khalil shouted back.

Napasigaw ako nang bigla na nilang atakehin ang isa't isa. Nagkakagulo na sila kuya Niccolo sa pag-awat sa dalawa pero hindi pa rin nagpapapigil ang mga ito.

"Ano ba?! Putangina naman mga pare!" Lahat ay napatigil nang makitang galit na galit na si kuya Niccolo na pumagitna na.

"Tayo tayo na nga lang magkakasama sa loob ng anim na taon pero anong ginagawa ninyo ngayon?! Dahil lang sa putanginang pera na 'yan, sisirain ninyo lahat?!" galit na sigaw nito.

"Pera lang?! Pinaghirapan natin 'yon, Niccolo!" singhal ni kuya Khalil.

"Khalil, binalik na ni Bullet 'yung nawala! Tinriple pa ng tao kaya ano pa bang dapat nating ikagalit?!" sabat ni kuya Niccolo.

"Hindi tayo pwedeng umasa lang kay Bullet tuwing may ninanakaw 'tong hayop na 'to!" duro ni kuya Khalil kay kuya Hrein.

"Putangina pre, alam ko 'yon, pero si Bullet 'yon, gago ka ba?! Parang isang segundo bilyon ang kinikita no'n! Atsaka wala pa tayong ebidensya na si Hrein ang may kagagawan nito!"

Naiiyak na pinagmasdan ko silang magkakagrupo.

All of these. Because of me.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now