Chapter 54

15.6K 502 132
                                    

Third Person's POV

"Get off me you ass holes!" galit na sigaw ni Bullet habang sinasaway ang mga kagrupo niya.

"Kasi, boss, e! Sila, kanina pa ako binabato ng kung anu-ano," pagsusumbong ni Max habang sinasamaan ng tingin ang mga lalaki.

Bullet roamed his eyes around the house to find Maxreign but she's nowhere to found.

"Fuck. Where the hell is Maxreign?" mura niya na ikinatigil ng mga 'to.

"Si baby Reign? Nandito-- Fuck, nandito lang kanina boss," utal na saad ni Calid.

Pabalyang binitawan ni Bullet si Max bago takbuhin ang labas ng bahay. Agad namang sumunod ang iba pang miyembro ng grupo sa kaniya.

Bullet grabbed the rose on the ground harshly. Kahit malayo pa lang ay naamoy niya na agad ang ibang chemical na nakapaloob doon. He clenched his fist aggressively bago lingunin ang mga lalaki sa likuran niya.

"Fuck it! Look what happened idiots! Someone took Maxreign!" galit na galit na sigaw niya.

Max on the other hand grabbed his hair in frustration. Halos mapaupo siya sa sahig habang sinisisi ang sarili dahil sa kapabayaan.

"Niccolo." Sabay sabay nilang inangat ang tingin nang magsalita si Bullet.

"What?" utal na tanong ni Max dito.

"Niccolo did this. He's the person behind all of these shits. I knew it... From the very start, I suspected this ass hole."

"What are we going to do now, boss? We can't do this alone," Khalil said in frustration.

"Who told you that we'll do this alone? I can. And I have brothers, ass holes."

MAXREIGN cried while gasping for air. Pilit niyang tinatanggal ang mga lubid na nakatali sa katawan niya, pero masyadong mahigpit ang mga 'yon.

She tried her best to escape, pero habang pilit niyang inaalis ang mga nakatali sa kaniya, mas lalo lang humihigpit ang mga 'yon kaya imbes na matulungan ang sarili ay sinasaktan niya lang ang katawan.

Nanghihinang napasandal siya sa upuan habang umiiyak, she's so hopeless right now. Wala siyang magawa para tulungan ang sarili dahil wala siyang dalang kahit anong patalim.

Hindi niya maiwasan ang mapapakit nang mariin habang iniisip si Bullet at ang pamilya niya. Alam niyang nag-aalala na ang mga 'to para sa kaniya, and they're doing a move now to find her.

She can't help but to get worried about their safety. Masyadong maraming tauhan si Niccolo at armado pa ang lahat ng mga 'to.

She felt how her heart skipped a beat when the door behind her opened. Hindi niya maiwasan ang manginig sa takot na saktan siya ni Niccolo.

"N-Niccolo, for pete's sake, j-just let me go, please. Parang a-awa mo na," pagmamakaawa niya rito habang mahinang humahagulhol.

Muntik na siyang mapatili nang may humawak sa balikat niya, the person behind her quickly covered her mouth to prevent her from screaming.

"Hush, Reign, calm down, please? This is Hrein, I won't hurt you, calm down." Parang nabunutan ng punyal sa dibdib ang dalaga nang marinig 'yon.

Naiiyak na pinagmasdan niya ang lalaking nasa harap na ngayon ay pilit na tinatanggal ang mga lubid na nakatali sa kaniya.

"K-Kuya Hrein. Bakit ka po nandito? Paano mo kami nasundan?" she uttered.

"It's not that important, Reign, right now kailangan nating makahanap ng paraan para makatakas ka sa lugar na 'to," Hrein continued.

"Pero kuya, m-maraming tauhan si Niccolo, hindi natin sila kaya kung tayong dalawa lang po. A-Ayokong madamay ka pa rito, kuya, kaya pleass po, u-umalis ka na," naiiyak na pagmamakaawa ni Maxreign sa lalaki.

"Reign, calm down, please? Kahit para kay Bullet, kumalma ka muna. He ordered me to follow and observe Niccolo that's why I went missing for 2 days. Lagi ko siyang sinusundan, kaya hindi ako nagkamali na nakuha ka na nila ngayon."

Natatarantang napalingon ang dalawa nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Hrein quickly hid on the dark corner, and on cue, Maxreign acted like she's still seeking for help.

"P-Please! May tao po rito! Tulungan n'yo ako!" she screamed while sobbing.

Ramdam na ramdam ng dalaga ang kaba nang makitang kaharap niya na ang lalaking dahilan ng lahat ng kahayupan na 'to.

"N-Niccolo, you worthless piece of shit!" she shouted.

Ngumisi lang ang lalaking nakatayo sa harapan niya. He stepped closer to Maxreign. "You're awake now."

"Ano ba talagang kailangan mo sa aking hayop ka?! If it's the chip that you want, hinding hindi mo makukuha sa akin 'yon! Napakadesperado mo sa pera!" matapang na singhal ni Maxreign rito.

He grinned devilishly. "Money can make everyone selfish and evil, Reign. But you, you already have the chip in your hands pero hindi mo pa rin ginamit 'yon. You're not using your brain, as always."

"Use the chip? For what? Wala akong pakealam sa perang pinag-aagawan ninyo, Niccolo. Kuntento ako sa buhay na m'eron ako at sa mga kaya kong bilihin, may mga taong nagmamahal sa akin na totoong nag-aalala sa kalagayan ko. And money can't buy loyal people, hindi katulad mo, may mga kaibigan ka na totoo sa 'yo pero napakadali lang sa 'yo ang lokohin silang lahat!" matapang na singhal ng dalaga.

Pumaling ang mukha ni Maxreign sa kaliwa nang malakas siyang sampalin ni Niccolo.

"Napakatabil ng dila mo, I wonder if you'll be able to shout again after this."

Niccolo took his gun inside his pocket bago 'yon itutok sa direksyon ni Hrein. Napatili si Maxreign nang paputukan ni Niccolo ang paa ni Hrein na dumaing sa gilid.

"No. P-Please, huwag ninyo siyang idamay rito. P-Please, Niccolo," pagmamakaawa niya nang makita kung paano hilahin ng mga tauhan ni Niccolo si Hrein na ngumingiwi sa sakit.

Mas lumakas ang paghikbi ni Maxreign nang makita kung paano suntukin ni Niccolo ang sikmura ng lalaki dahilan para mapaubo ito ng dugo.

"See? See what I can do, Reign. I have the power to control your love ones, at anong pinagmamalaki mo sa akin ngayon?" nakangising sabi nito. Nilingon ni Niccolo ang mga tauhan. "Go, take him, ikulong ninyo ang gagong 'yan."

"No, please! Huwag ninyo siyang saktan!" umiiyak na pag-awat ni Reign sa mga ito.

"You have no power to stop me, Reign. Kahit ang mga pinagmamalaki mong kaibigan sa akin, they'll never beat me. At hindi ako titigil hanggang hindi mo tinuturo sa akin kung nasaan ang hinahanap ko."

Niccolo was about to leave but Maxreign called his name in low tone.

"Wala kang pinagkaiba sa mga demonyo, Niccolo. Pati yata si Satanas ay mahihiya sa kasamaan mo. At gusto mo ng chip? Sige, tangina mo, bumili ka ng potato chips tarantado!"

---

Dedicated to @BNIBINING_AI

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora