Chapter 15

21.8K 717 269
                                    

Maxreign

Napabusangot ako nang makita mula sa balcony ang pagdating ng mga kabanda ni kuya.

I pouted my lips at padabog na bumaba sa sala, sana doon lang sila sa labas. Dahil ayokong makita ang pagmumukha ng asawa ko, naiinis ako sa kaniya.

Pabalang akong umupo sa mahabang sofa at binuksan ang TV, I just focused on watching, pilit na inaalis sa isipan ko na nandoon ang asawa ko sa labas.

I bit my lower lip nang marinig ang pagpasok nila.

"Tanga! Ikaw kaya ang nauna!" kuya Hrein shouted.

Hindi ko pa rin sila pinansin kahit papalapit na nang papalapit ang mga boses nila.

"Hi baby Reign!" I heard kuya Calid greeted me. I just smiled a little, hindi lumilingon sa kanila.

Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa TV.

"Masama ba pakiramdam ni baby Reign?" kunot noong tanong ni kuya Niccolo sa kuya ko na tumabi sa akin.

"Hoy, pumpkin, bakit ang sungit mo?" nag-aalalang tanong ni kuya sa akin.

Nakabusangot na tinaboy ko siya. "Ano ba, kuya, huwag ka ngang magulo."

Hindi na siya umimik pa sa sagot ko, bumaling na lang siya sa mga kasama.

"Baka may topak 'yan ngayon, upo na kayo, tawagin ko lang si mommy," he said.

Halos mahugot ko ang hininga nang maramdaman ang pagtabi sa akin ni Bullet, kahit hindi ako lumilingon ay alam kong siya 'yon. Kabisado ko ang amoy ng asawa ko.

Lumayo ako nang kaonti nang umusog siya papalapit sa akin. I saw how his jaw clenched from my peripheral vision.

Nagulat ako nang hilahin niya ang braso ko papalapit, pinatong niya rin ang isang kamay sa hita ko.

"What the fuck is wrong with you, Reign?" he angrily whispered.

Hindi ko siya sinagot, pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa hita ko. Galit naman niya akong tinatapunan ng tingin sa tuwing gagawin ko 'yon.

"Bitaw nga, ano ba," nahihirapan kong saad.

Mas hinapit niya ang baywang ko papalapit. Sinubukan kong tingnan ang mga kagrupo niya pero mukha namang hindi nila kami pinapansin.

Inis na tumayo ako sa kinauupuan at tumabi kay kuya Niccolo. Ramdam na ramdam ko ang masamang titig ni Bullet sa akin na ikinakaba ko.

"Hi Reign, bakit ang sungit mo ngayon?" nakangising tanong ni kuya Niccolo sa akin.

I shrugged my shoulders. "Wala lang po."

He chuckled. "May tampuhan ba kayo ng kuya mo?"

Lumingon ako sa kaniya at umiling. "Hindi rin po."

Pinatong niya ang kamay sa ibabaw ng ulo ko bago guluhin ang buhok ko. "Kulit mo talaga."

I fixed my hair at naiinis siyang nilingon. Ginulo ko rin ang buhok niya pero mukha namang wala siyang pake dahil tinawanan niya lang ako.

Sabay kaming napasinghap nang may humila sa akin patayo. I saw Bullet throwing death glares over kuya Niccolo na namumutla na.

Mariin akong tinitigan ni Bullet bago hilahin kung saan. Dinala niya ako sa ilalim ng hagdan kaya napanguso ako.

"Ano ba!" Halos pabulong na ang pagsigaw ko nang isandal niya ako sa pader.

"Ano ba ang problema mo, Reign?!" galit na galit na tanong niya.

"Ako? Ako ang may problema? Ikaw nga ang nanghihila diyan basta basta!" galit din na sagot ko.

He clenched his jaw bago ilapit ang katawan sa akin. "I told you to stay away from them, Maxreign, bakit hindi ka nakikinig sa akin?"

Tinatagan ko ang pagkakatayo kahit nanlalambot na ako sa mga tingin niya. "Ano bang p-pinagsasabi mo?"

"You really don't know how to listen, Maxreign." His eyes are burning.

Natuod ako sa kinatatayuan nang bigla niyang sakupin ang mga labi kong tikom. Napakapit pa ako sa balikat niya dahil sa sobrang aggressive ng paraan nang paghalik niya.

I groaned when he bit my lower lip before licking it.

"Hmp!" I groaned loudly nang hindi na ako makahinga.

He continued sucking my lips like there's no tomorrow. Nang bumitaw siya sa akin, napatulala na lang ako kung saan.

He kissed me. That was my first kiss. My husband kissed me!

"Now, tell me, lalapit ka pa sa kanila, ha?" galit na tanong niya.

"K-Kaibigan ko sila, kaya malamang--"

Muli na naman niyang sinakop ang mga labi ko. Hindi ko na magawang makapalag dahil nakakulong ako sa katawan niya.

Hawak-hawak niya rin ang batok ko kaya malaya siyang palalimin ang halik. Pilit ko siyang tinulak nang maramdaman na naman ang paninikip ng dibdib ko. Hindi na ako makahinga!

Hinihingal na pinagmasdan ko siya nang humiwalay siya sa akin. Hinaplos niya nang marahan ang buhok ko.

"Lalapit ka pa rin?" he asked once again.

Mabilis akong umiling, ayoko nang mawalan pa ng hininga.

He smirked mischievously bago haplusin ang pisngi ko. Hinalikan niya ako sa pisngi bago sumiksik sa leeg ko.

"Stop making me jealous, Maxreign. I'm just doing this in favor of your brother. Stay away from them, please," he begged.

Nakatulalang niyakap ko siya pabalik, hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat ng 'to.

"Hey, baby, speak up," he whispered bago ako harapin.

Napapikit na naman ako nang halikan niya ang mga labi ko, sa puntong ito, mas maingat na.

"Hey, let's go back?" ngiting-ngiti na saad niya.

"Ha?" wala sa sariling tanong ko.

He chuckled. "Let's go back."

"Saan?" lutang na dagdag ko.

Tumatawang hinaplos niya ang magkabila kong pisngi. Mahigpit na naman niya akong kinulong sa mga bisig niya na para bang tatakas ako sa kaniya.

Bumaba ang mga braso niya sa maliliit kong baywang.

"M-Mauuna ba ako? Tapos after 5 m-minutes ikaw naman?" nauutal kong tanong.

Sumama ang timpla ng mukha niya. "Sabay tayo."

"O-Okay," I answered.

Sabay kaming lumabas mula sa ilalim ng hagdan, muli kaming bumalik sa sala. Magkatabi kaming naupo sa sofa, hindi pinapansin ang tingin ng mga kabanda niya.

Ilang beses na ata akong lumunok nang maramdaman ang pagpulupot ng braso niya sa baywang ko.

Is this really happening?

He kissed me.

Ano ang ibig sabihin non?

Para na akong mababaliw sa mga nangyayari, sobrang bilis, para akong nasa roller coaster.

Sabi na nga ba at hindi magtatagal, mari-realize din nito ni Bullet na ako ang mapapangasawa niya.

I giggled.

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon