Chapter 20

21.3K 641 127
                                    

Maxreign

I sighed heavily habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

Para na akong sasabog sa dami ng iniisip ko ngayong gabi. Tatlong bomba ngayong gabi na 'to!

Una, ang pagpupumilit nila mommy at daddy sa akin na bumalik sa pagsasayaw. Pangalawa, ang death threat na 'yon. Pangatlo, 'yung banta sa akin ni kuya.

Ano kayang gagawin ni kuya kapag nalaman niya na lumagpas na kami sa inaakala niya. I mean... Bullet and I, we already kissed. Lips to lips.

Lagpas 'yon sa limitasyon na binibigay ni kuya. Kahit 20 na ako, alam kong may mga bagay akong pilit na tutuklasin dahil gano'n ako ka-curious sa buhay.

For 20 years, nasanay ako na pinagbabawalan sa lahat ng mga bagay na hindi konektado sa pag-aaral at passion ko.

Hindi ako puwedeng sumama kila Shantal sa bar, bawal akong gumala kapag hindi kasama si Shantal. Hindi ako puwedeng ma-late ng uwi kahit na 19 years old ba ako.

I know that they're just protecting me, ang lahat ng pagbabawal nila, sinusuklian nila sa pag-i-spoil sa akin sa pagbibigay ng lahat ng gusto ko.

Accessories, foods, gadgets and everything na hingiin ko.

Huminga ako nang malalim. I don't want to break kuya's trust but I can't help it. I've been admiring Bullet for 5 years, at ngayong para bang may interes na si Bullet sa akin, I don't want to waste that chance.

Alam ko sa sarili ko na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman ko kay Bullet. Patago ko siyang pinapanood noon, pero patago ko rin siyang minamahal. Doon umikot ang buhay ko.

Nagulat ako nang maramdaman ang pagbukas ng glass door ng balcony ko. I saw a figure of a man entering, madilim kaya hindi ko makita ang itsura ng lalaking 'to.

"Who are you?" takang tanong ko.

"Baby."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. It's Bullet! Kabisado ko ang boses niya kaya nasisiguro kong siya ang lalaking nasa harapan ko.

"B-Bullet? Bakit ka nandito?" nauutal kong tanong habang bumabangon sa kama.

Lumapit siya sa pintuan at ni-lock 'yon. Naupo naman ako sa dulo ng kama habang hinihintay siya na lumapit sa akin at magpaliwanag.

He came closer bago ako halikan sa labi. Napaatras ako sa biglaang ginawa niya.

"I miss you," he said with his cold voice.

Maybe it's better for me to avoid his kisses, nakokonsensya ako sa mga tinatago ko kay kuya.

"B-Bullet, anong ginagawa mo dito? M-May kailangan ka ba kay kuya?" takang tanong ko.

Hinila niya ako patayo at mahigpit akong kinulong sa mga bisig niya. I can feel his soft lips on my shoulder.

"I heard that someone sent you a death threat." Nagulat ako sa sinabi niya.

Paano niya nalaman 'yon?

"Paano mo nalaman, kanina lang nangyari 'yon," I told him.

"Your brother called me to hire some skilled bodyguards for you, he told me that someone sent you a death threat," he whispered to me.

Napatango ako nang dahan dahan. "Hindi m-mo naman kailangang magpakapagod para doon, ako na lang ang maghahanap. Tutal ako ang may kailangan."

Hinarap niya ako at hinaplos ang pisngi ko nang dahan dahan. "Who told you that I'll let anyone protect you? Bakit ka pa maghahanap? Nandito naman ako sa harapan mo. I can protect you more than they can, baby."

Tumikhim ako. "Busy ka, Bullet, 'saka mas safe siguro kapag may alam sa pakikipaglaban 'yung guard ko--"

"Who fucking told you that I can't protect you?" madilim ang mukhang sabi niya.

I shook my head harshly. Bakit naman siya nagagalit agad? Wala naman akong ginagawang masama.

"What? W-Wala, walang nagsabi sa akin. P-Pero, bakit? Nag-martial arts ka ba dati?" takang tanong ko.

He chuckled playfully and deadly. "More than that."

More than that? Anong ibig niyang sabihin?

"Bakit ka nga pala nagpunta dito? Gusto mo bang bumaba tayo sa kusina? Tulog na si kuya, kanina pa," pag-aya ko sa kaniya.

Rinig na rinig ko na naman ang pagtawa niya. "You're really ready to take a risk, whatever happens, huh? Baby, your brother is against this relationship and he might take you away from me, let's be careful."

Bumusangot ako. "Wala namang tayo."

Nagdilim ang mga paningin niya sa narinig. Humigpit din ang kapit niya sa akin kaya hindi ko naiwasan ang kabahan sa ginawa niyang aksyon.

"What?" he asked with his burning eyes.

"Wala akong sinabi, p-promise. Wala akong sinabi," mabilis kong sagot.

Kumalma na muli ang ekspresyon niya. Iniupo niya ako sa kama.

"I know you feel tired, you can sleep, baby. I'll stay here until you fall asleep," sabi niya habang kinukumutan ako.

Napangiti na lang ako bago umusod sa gitna ng kama. Inalalayan niya akong makahiga sa unan.

"Aalis ka ba kapag tulog na ako?" I asked him.

He leaned down to caress my cheeks. "Why? Gusto mo bang nandito lang ako?" malambing na tanong niya.

I shook my head. "No, I want you to rest. Gusto ko lang makasiguro na aalis ka nga kapag nakatulog na ako. Ayokong istorbohin ka" I said.

Ngumiti siya sa akin. Mahigpit niya akong niyakap at hinalikan sa noo, punong puno ng pag-iingat ang mga haplos ang halik niya sa akin. It's like he treasures me so much.

"Sleep tight, my baby," he whispered to me.

Pinikit ko na ang mga mata ko habang nakahawak sa kamay ni Bullet.

I can't believe that he's actually here. Hindi ko na siya hinahabol pa... Hindi ko na kailangan maghintay pa. This is one of my biggest dream, to be in Bullet's arms.

I'm afraid of the outcome of this, but as long as I am safe in his arms, ayos lang sa akin.

Masyadong mabilis ang lahat ng pangyayari, maging ako ay nagtataka kung paano kami nakaabot sa ganito. Pero sana hindi na 'to matapos pa.

Naramdaman ko ang paghila sa akin ng antok, pero bago pa man ako tuluyang mahulog sa dilim. I felt Bullet's lips on my forehead.

"Good night, my love."

KNIGHTS I-4: Distinct Rhythm (Bullet Knights)Where stories live. Discover now