Chapter Twelve

647K 12.4K 869
                                    


NAG-USAP sila ni Kiefer na magkita bukas sa hotel. Inaya siya nito na mag-lunch at pumayag siya. This time hindi na siya iiwas. Haharapin na niya ito. Well, dahil may kailangan siya dito. Ibinigay nito sa kanya ang location kung saan sila magkikita.

Wala ng atrasan 'to, sabi ni Shamcey sa sarili. She would take her friend's advice.

Maaga siyang nagbyahe pabalik sa Manila. Pagkarating niya, naghanda agad siya sa pagkikita nila ni Kiefer. Dalawang oras yata ginugol niya sa pag-aayos at pagpili ng isusuot niya. Naging conscious siya sa kung ano ang magiging itsura niya. Hindi na niya dapat gawin 'yon. But it feels like she wanted to impress him.

Kung hindi lang talaga dahil sa kailangan niya ang tulong nito, hindi niya gagawin ito. But she need. Mahirap man aminin. Kailangan niya si Kiefer and if this is the only way, why not?

Minutes later, lulan na siya ng taxi papunta sa pagkikitaan nila ng lalaki. She could feel her heart beating fast. Muli niyang tiningnan ang sarili sa compact mirror. Her make up is on-point. Hindi siya dapat ma-consious sa sarili na makakaharap ulit niya ito.

Kikitain lang naman niya ito dahil gusto niya makabalik sa Helios. Hindi naman siya nag-effort magpaganda dahil gwapo ito at nahihiya siyang humarap dito na hindi presentable.

Talaga ba?

Umirap siya. Aaminin niyang gwapo naman talaga ito. Lahat ng babae tulad nito ang pantasya. But not her. Hindi siya mahuhulog sa lalaking tulad ni Brian Kiefer Montejo. Pangalan pa lang nito, parang nagbabadya na ng heartbreak sa daan-daang babae. So, yes. Hindi tulad ni Kiefer ang para sa kanya.

Kabababa pa lang niya sa taxi, walang tigil na sa pagtunog ang cellphone niya. Sinagot niya iyon nang makapasok na sa hotel.

"Nasaan ka na?" parang naiinip na tanong ni Kiefer.

"N-Nandito na ako sa lobby."

"Akala ko hindi mo na ako sisiputin. I'm coming." sabay pinagbabaan siya. Wow, ha? Tiningnan niya ang oras. Hindi pa naman siya late sa usapan nila. Maaga pa nga siya ng ten minutes. May pagka-pranella din pala ang lalaki. Praning. As if naman may choice pa siya na hindi ito siputin.

This time wala na talagang atrasan. Sariling desisyon na niya ang paglapit sa lalaki. Hindi siya nito pinilit. Para siyang gamo-gamo na lumapit sa apoy. 'Yon nga lang, di tulad ng gamo gamo, hindi siya masasaktan. Because she will not fall for him. She would just play with him, take advantage of the situation.

Buong gabing pinag-isipan niya ang desisyon na sigurado di niya pagsisisihan.

Interesado ito sa kanya? That's okay. And that's why she would use his interest for her gain. Kahit ano pa ang maging kapalit noon.

Napalingon si Shamcey nang maramdaman niya ang mainit na titig mula sa likod niya. And there he is. Para itong tahimik, kalmado ngunit mabangis na hayop sa kagubatan. His eyes were pinned on her as he sauntered toward her.

Nahigit niya ang hininga habang pinapanood ang paglapit nito. He could pass for a hollywood action star. Ang lakas ng dating nito. Napapalingon ang mga nakakasalubong nito babae man o lalaki. Pero tila wala itong ibang nakikita kundi siya lang. Nagbigay sa kanya ng nakakakiliting sensasyon ang ideyang nasa kanya lang ang atensyon nito at hindi ito napapatingin sa iba. Hindi pa siya nakakuha ng ganoong klaseng atensyon sa mga lalaki. Well, totoo, may mga nanliligaw sa kanya.

Ngunit sa paraan na titigan siya nito, ipinaparamdam talaga nito sa kanyang gusto siya nito. Hindi lang eme-eme. Pinigilan ni Shamcey ang panginginig ng tuhod. Hindi niya kayang tumagal na nakatayo kapag ganoon kaintense ito tumitig.

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon