Chapter Forty One

494K 9.9K 635
                                    

WALANG ngiti ang Kiefer na naghihintay sa kanya sa parking lot. She bit her lower lip. Sariwa pa rin sa isip niya ang ginawa kanina. Sigurado siya sariwa pa rin iyon sa isip nito, at malamang iyon ang dahilan kung bakit madilim ang mukha nito.

"You're twenty minutes late." seryosong saad ni Kiefer pagdating niya.

"Bakit, wala ka namang oras na binigay, ah? Nag-aayos pa kasi ako."

"May oras akong ibinigay. Kahit tingnan mo pa sa text ko."

"Okay, okay. Bakit ba ang init ng ulo mo?" Huli na para bawiin niya ang tanong niya. Nakalimutan niyang siya nga pala ang "nagpainit ng ulo" nito.

"I believe you already know the answer, baby." Tiningnan siya nito, diretso sa mga mata. "Tama ba ako?"

Nagkibit-balikat siya, nagpipigil ng ngiti. "Ewan ko sa 'yo. Ikaw 'tong mainit ang ulo kanina pa. Baka akala mo di ko nakita ang pagsusuplado mo kanina."

"I know. At baka akala mo rin di ko nahalatang pinagtataguan mo ako kanina pagkatapos ng ginawa mo. You know, i don't deserve what you did to me. I deserve better for treating you like a princess."

"Ang lalim naman ng hugot." Hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng mahinang tawa sa labi niya. Mas lalong sumeryoso ang anyo ng binata. Nag-peace sign siya dito.

Umangat ang isang sulok ng labi ni Kiefer. "Go. Laugh at me. Because i'm not so sure kung magawa mo pa 'yan mamaya."

Napakunot-noo si Shamcey, hindi naintindihan ang sinabi ni Kiefer. "Hindi naman kita pinagtatawanan."

"To late too deny."

Hindi na lang siya umimik. Nakasimangot ito habang palabas na sila sa parking lot.

"Okay. Sorry na."

He just frowned at her. Pinigilan na lang niya mapahalakhak kahit gusto niya. Para itong bata na hindi napagbigyan sa gusto kaya buong araw na may tantrums. Hinayaan na lang muna niya ito.

Tumigil ito sa isang five star hotel. Pumasok sila sa parking area doon. "Hindi ka naman nagsabi na dito pala tayo magdi-dinner. Nag-ayos man lang sana ako."

"Kaya nga kita hinintay kasi sabi mo mag-ayos ka pa."

"Kulang pa."

"Di mo naman kailangan magpaganda. Kahit wala 'yang make up mo, ikaw pa rin ang gusto kong kainin."

"Sira ka talaga!" Tinanggal na nito ang seatbelt niya. Seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi tuloy niya alam kung nagbibiro ito. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito.

Ganoon ba ito kapag nawawala sa mood?

Pumasok sila sa isang mediterranean restaurant. Nakapagpareserve na si Kiefer ng table nila kaya itinuro sa kanila ng isang waitress ang pwesto nila. Nakaawang lang ang labi niya habang pasimpleng iniikot ang tingin doon.

You know the feeling of being in an old princess fairytale? Kung saan ipinatawag siya ng prinsipe para sa isang pagtitipon. That's the exact feeling.

Ang rangya ng loob noon. Parang lahat ng bagay na nakikita niya ay gawa sa dyamante, kumikinang at nagbibigay elegante sa paligid. Kahit ang mga nagdi-dine in doon ay nakaayos. Mga naka-eleganteng dress at formal wear.

Out of place ang beauty niya.

"Alam mo mas okay kung nag-dinner na lang tayo sa ibang lugar. This is too much, Kiefer."

"Wag ka ma-out of place."

"May lisensya ka naman. Di ka man lang prumeno na need natin magpabongga, o kaya sa ganito tayo magdi-dinner."

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon