Chapter Three

780K 13.1K 1.6K
                                    


 "TEKA, teka.." Pinigilan ni Shamcey ang lalaki ng akmang hahalikan na naman siya. "Ma-masyado ka naman mainit."

"You mean h*rny?"

Pilyo itong ngumiti. Parang may spotlight na tumapat na naman sa mukha niya. Masyadong direct to the point si Brian. Pakiramdam niya kapag ito ang magiging jowa niya, hindi lang pisngi ang mamumula sa kanya.

May imaheng lumitaw sa isip niya. Something red. No, hindi siya nag-isip ng something mapula-pula..

O mapula ba 'yong kay Brian? Sa naririnig niya, hindi naman daw lahat mamula-mula...

"You're blushing again. Iniisip mo na ba?"

"Anong iniisip? H-Hindi, ah!" Itinulak niya ito sa maskuladong braso nito.

"Then, stop that. Mas lalo mo akong sinasabik kapag ganyan ang reaksyon mo."

"Paano ba dapat 'yong hindi ka mananabik?" di niya napigilan sabihin. Naningkit ang mata ni Brian.

Gaga ka talaga, Shamcey. Wag ka na sumagot!

"Hindi ko alam kung may abilidad ka gawin 'yon. You're just so beautiful, so goddamn perfect." Bumaba ang mukha nito sa kanya. "It will kill me if I'm not gonna have you tonight, baby."

Parang nahihirapan siyang huminga. Wala naman siyang bad breath. Pero naging self-consious siya bigla. His breath smell so nice. Kahit ang boses nito, may kung anong mahika doon na parang nagsasabi na manatili na lang siya kasama ito. Hindi na niya kailangan pa tumingin sa mga mata nito para malaman kung gaano ito kainteresado sa kanya.

Dapat hindi siya maflatter sa interes nito. He just want to bed her. Pagkatapos nun? Baka who you na lang siya. At aware siya sa mga galawang iyon kahit wala siyang experience doon. Tama na ang mga naririnig niyang experience mula sa ibang tao.

Sandaling humiwalay ito sa kanya at tumayo nang dumating na ang delivery boy.

"Masarap 'to. Tara, kumain muna tayo, babe."

Sa amoy pa nga lang, natatakam na agad siya. Pero namimihasa yata tong bine-baby or babe siya.

"Ano pa ginagawa mo d'yan? Halika na." aya ng binata ng mapansin na di siya tumatayo. Nilapitan na siya nito.

"Okay lang ako. Mauna ka na."

"Sabay na tayo. Alam ko gutom ka na rin." Hinila siya nito kaya napilitan siyang tumayo. "Isa pa, kailangan mo kumain. Kailangan mo ng lakas.."

"Ha?"

"I'm a very hot-blooded man, babe. Hindi sapat sa 'kin ang ten rounds lang."

Pota. Ang imahe niya na lupaypay habang walang malay ay nagplay sa isip niya. Naka-HD pa.

"Just kidding." He chuckled. Pinaupo na siya nito. "Namutla ka kaagad. That's just a joke. Kain na tayo."

"Parang di naman biro 'yun." pabulong na lumabas iyon sa bibig niya habang pinapanood ito na maghain. Syempre pa, di nakaligtas iyon sa pandinig ng lalaki.

"Jokes are really half-meant."

Di ba? Sa itsura nito, mukhang tatalunin nito si Mike Enriquez sa sikat nitong linya, "di kita tatantanan".

"Kumain ka na. Bakit ba mukhang kinakabahan ka? Di naman ako nangangain ng tao?"

"Bakit kaya di na rin tayo magkape para kabahan ka din?" sagot niya.

"Natatakot ka ba sa akin?"

"Hindi."

"Eh, bakit mukhang tensyonado ka?"

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon