Chapter Twenty Nine

534K 10.5K 1.2K
                                    

"FINALLY, nagpakita na ang bruha." Lumabas agad si Marsh sa kwarto nito. Kaaapak lang niya sa apartment nila. Sinalubong agad siya ng mapanuring tingin nito. "Ano, akala ko wala ka nang balak umuwi?"

"Mamsh, pwede ba tulungan mo muna ako bago ka mang-okray dyan?"

Inirapan siya nito at nilapitan. "Bakit may luggage ka? Saan 'to galing?"

"Sa pinanggalingan."

"Ay, pilosopo. Mataray ngayon." Mapanuring hinagod nito ang kabuuan niya. "Mukhang mamahalin pa ang oufit, ha? Walang work, pero lilibuhin ang suot."

"Kung nangingisda ka ng kwento, mamaya. Pagpahingahin mo muna ako."

Sumalampak ng higa siya sa sofa. Parang ngayon niya naramdaman ang bigat ng katawan. Pagod na pagod siya.

Narinig niyang bumuntong-hininga si Marsh. "Tumawag sa akin kagabi si Tita. Di ka nga raw nakauwi sa inyo. Nagtanong kung okay ka lang daw. Hindi ka rin ba nagpapaalam kay Tita kaya sa akin nagtanong?"

"Nagpaalam naman ako. Kamalayan ko ba na hindi kumbinsido na busy lang ako."

"Eh, ganon talaga ang mother's instint. Alam pang may ginagawang kababalaghan ang junakis."

"Di naman kababalaghan 'yon."

"Ah, basta nasa temang SPG. Maaaring may maseselang tema, lengguwahe, karahasan, sexual--" Tumigil ito at makahulugang ngumisi, "na hindi angkop sa mga bata."

Nag-init ang pisngi niya sa paraan ng pagtingin nito.

"Alam mo 'yang tingin mo mapanghusga. Kung ganyan ka rin lang naman, dapat di na ako umuwi."

"Parang ayaw mo na nga rin umuwi eh." Tumingin ito sa malaking luggage niya na naglalaman ng mga binili sa kanya ni Kiefer. Hindi nakatiis si bakla at inusisa ang mga laman noon. Nanlaki ang mata nito ng makita ang mga branded na damit, sapatos at cosmetics.

Nagningning ang mata ng bakla. "Sa 'yo ang mga 'to?!"

Nakangiwing tumango siya. "Binili niya para sa akin. Ayaw ko sana tanggapin--"

"Wag ka tumatanggi sa grasya!"

"Ayaw ko lang na parang binibili na niya ako, at ginagawa ko siyang ATM."

"Eh, kung ayaw mo akin na lang 'tong MAC cosmetics." Kinuha na agad nito iyon at inilayo sa kanya.

"Di ko pa nagagamit kinuha mo na. Pero kung gusto mo sa 'yo na. Pambawi ko man lang sa 'yo."

"Kung uuwi ka lagi na may ganto, kahit isang linggo ka na doon." tuwang-tuwa na sabi nito. Nakalimutan na siya okrayin.

Pero wala doon ang isip niya. Si Kiefer pa rin ang laman noon. "Muntikan na nga ako di makauwi. Ayaw ako pauwiin."

"Ay, ganda siya oh."

"Gusto na nga ako ibahay."

"O, e di ikaw na nga maganda. Ikaw na ang babae. Ikaw na masikip."

Bumuga siya ng hininga. Saka tumingin dito. "At ang malala, mahal ko na... yata."

"Ayun, tanga lang."

Tanga nga sigurado siya. Hindi niya narealize na nahulog na rin siya kay Kiefer. Kaninang maghihiwalay na sila, bigla parang gusto niyang bumalik sa kotse nito. Ayaw niyang maghiwalay sila. Hindi niya ipinahalata na malulungkot siya. Hindi na nga niya ito pinababa pa. Makikita pa rin naman niya ito.

Pinanghahawakan niya ang sinabi nito na seryoso ito sa kanya. Sinapo niya ang mukha. Ilang araw lang 'yon, nahulog na agad siya. Kagagahan.

Naramdaman niya ang paghagod ni Marsh sa likod niya. "Ang tanga ko ba?"

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon