Chapter Forty Nine

272K 7.4K 997
                                    


"KIEFER, may problema ba?" Shamcey asked. Kanina pa niyang tinititigan ang gwapong mukha nito at napansin niya ang pagiging tahimik nito. Parang pumapalaot ang isip nito sa malayong karagatan at hindi niya ito makausap.

Mabilis na umiling si Kiefer. "No.. Wala naman. Bakit mo naitanong?"

"Parang kanina ko pa napapansin na lipad ang isip mo."

Ngumiti ito sa kanya at hinaplos ang ibabaw ng kamay niya. "No, I'm just tired. Marami lang akong trabaho ngayon sa opisina. At alam mo na, nalalapit na ang pagbukas ng Helios."

"Wag ka mapressure."

"Hindi nga, babe."

"Sigurado naman ako at the end of the day, mas nananaig ang pleasure sa pressure.."

Napakunot-noo si Kiefer sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. Eksaktong dumating na ang food nila.

Lihim niyang pinagmamasdan si Kiefer. Ayaw niyang maghinala sa lalaki. Ayaw niyang mawalan ng tiwala dito..

Masakit sa kanya gawin iyon. But not when she already saw the evidence. Hindi na kapag sinampal siya ng katotohanan sa mukha niya.

Pilit niyang inignora ang pagkalat ng kirot. Kagabi pa 'yon. Naiiyak na niya ang lahat. Ang dami niyang gustong itanong dito. Ngayon nga lang sila nagkita nito. Ito mismo ang sumundo sa kanya sa Helios para mag-dinner sila sa labas. Hirap na hirap siya lunukin ang pagkain. Magana si Kiefer ngayon kumain. Habang siya ay parang may nakabara sa lalamunan.

Paano nito nagawa sa kanya iyon?

"Kiefer, may nasabi ba sa 'yo ang sekretarya mo?"

Nag-angat ito ng tingin sa kanya habang ngumunguya. Di siya nakatiis. Gusto niya malaman kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nitong nagpunta siya kagabi sa office nito.

"Si Nina? Bakit? Anong meron sa kanya?"

"Di ba niya nabanggit na dumaan ako sa opisina mo kagabi?"

"Y-You did?" nagulat ito.

Tumango siya. "Yes, at naiintindihan ko naman na pinaalis niya ako. Ayaw ko naman magmukhang stalker at secret admirer mo tulad ng sabi niya kaya naghintay na lang ako sa 'yo sa baba. Hanggang around nine o clock."

Napakunot-noo si Kiefer. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Binitawan niya ang kutsara at tinidor. Mukhang magiging komprontahan ito. At sa harap pa ng pagkain. "Nag-text ako sa 'yo."

"Hindi ko---"

"Hindi mo nakita? Pero nakita kitang hawak ang cellphone mo at may binabasa doon. Di ko bibilhin ang kasinungalingan mo na hindi mo nakikita ang messages ko. Dahil hindi ako naniniwala doon."

Napatiim-bagang ito. "So, what are you saying right now?"

"Iyon na mismo ang gusto kong sabihin." Mariing nilunok niya ang bigat ng emosyong nararamdaman niya. Alam niya ang feeling kapag niloloko na siya. Alam niya kapag nagsisinungaling ang kausap. At kita niya sa mukha ni Kiefer na may itinatago ito sa kanya.

Kung may isa siyang abilidad na ipagmamalaki niya, iyon ay ang makakita ng kasinungalingan kapag nasa harap na niya.

Hindi pala totoo na walang iniwan ang kanyang papa sa kanya. Mayroon itong iniwan..

Iyon ay kakayaan makakita ng mga tulad din nito na manloloko at hindi tapat.

"Akala mo ba hindi ko nakita 'yon, Kiefer?" mapait na sabi niya. "Iyon ba ang rason kung bakit nagdalawang isip ka na pumunta noong gabi na naghanda ako ng dinner para sa 'yo? Nandoon si Mama at excited siyang makita ka."

Muling sumiksik sa isip niya ang mukha ng kanyang ina. Ang nakangiting mukha nito, nababakasan ng tuwa na para sa kanya.

"And you know that I love you. Alam mo ba ang hirap bago ko aminin sa sarili kong mahal kita. Sinabi ko, bakit ang bilis ko na mahalin ka. Iniisip ko baka dahil masyado pa lang akong ignorante pagdating sa relasyon. Kahit kailan wala pang lalaki na nakatangkang makapasok sa buhay ko. And you know why?"

"Dahil hindi ako nagtitiwala sa intensyon nila." Mariin siyang pumikit, hinayaang buksan ang sarili dito. Nakita na siya nitong hubad ng ilang beses.. Pero hindi pa nito nakita ang kabuuan niya. Iyon ay ang nakaraan niya.

"Teenager pa lang ako at nag-aaral nang iwanan kami ni Papa para sa isang mas bata kay Mama. Para sa isang kolehiyala.. Pero bago pa 'yon, ilang beses ko na nakita si Papa kasama ang ibang babae. Ako lagi ang kasama ni Mama kapag may kinokompronta siyang babae ng ama ko. Kahit ang desperada na ng dating niya, kahit ang binababa na ni Mama ang pagkatao niya para lang di na mangaliwa si Papa, walang nangyari." Nabasag ang boses niya. Pinakawalan ang maliit na hikbi.

"Sumama pa rin siya sa babae niya. Tuluyan kaming inabandona ni Mama, iniwan na walang-wala. Siya ang dapat maging pader ng pamilya namin, pero hinayaan niyang madurog kami."

Namutla ang mukha ni Kiefer habang nakatitig sa kanya. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha niya. Di niya binabali ang titig sa binata. Puno ng hinanakit.

"Shamcey.."

"Kaya mula noon hindi ko hinayaan na mangyari sa akin ang nangyari kay Mama. Hindi ko hahayaan na maloko ako.. hayaan na masaktan sa isang lalaki.."

Hinawakan nito ang kamay niya. Iniiwas niya yon sa lalaki. Ayaw niyang mahawakan ng kamay nito na sigurado siyang kagabi ay humahaplos sa katawan ng ibang babae.

"Tiniis ko na maghintay para sa 'yo sa labas. Naghintay ako ng ilang oras para makita ka, para surpresahin ka. Pero di ko alam ako pala ang masusurpresa."

"Hindi ako bulag. Akala mo hindi ko siya nakita? Gusto kong isipin na business partner mo lang 'yon, Kiefer.. Pero bakit siya ang nagmamaneho ng kotse mo?"

"Let me explain, Shamcey."

"Ginawa ko 'yan, Kiefer.. Ayaw kitang paghinalaan. Gusto kong magbulag-bulagan kahit ang totoo, pumara agad ako ng taxi at sinundan ko kayo.."

Tuluyang namutla ang gwapong mukha nito.

"Pero bakit? Ano 'yon, Kiefer? Hindi ka ba nakuntento sa akin? Sana sinabi mo na lang kung second place lang pala ako, o kung ako ang first place at yong hinotel mo ang second."

Nagreplay sa isip niya ang pakikiusap niya sa driver na habulin nila ang kotse ni Kiefer, na sundan nila iyon. Hindi niya alam kung bakit iyon ang pumasok sa isip niya. Para siyang maybahay na hinuhuli ang asawa kung may ibang kalaguyo.

 Pero hindi niya intensyon na hulihin kung may ibang babae si Kiefer. Ayaw lang niyang mag-overthink. Mas gusto niyang malaman agad kesa sa di siya makatulog buong gabi kakaisip kung sino ang kasama nito, anong ginagawa ng mga ito... 

 Di rin pala siya nagkamali. Tama lang din ang namumuong kutob sa dibdib niya. Nakayakap pa ang babae kay Kiefer habang papasok ang mga ito sa hotel.

Nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito, nasa mukha nito ang guilt. "Hindi ka second place, Shamcey. Walang ibang babae. Ikaw lang."

"Hindi mababago ng mga salita mo ang tumatak sa isip ko kagabi." Tumayo na siya. "Kung second place man ako, sorry, hindi ko na magagawa ang duties ko as a runner up."

Tumayo na siya at nagmamadali ang mga hakbang na nilisan niya ang lugar. Nanlalabo ang mga mata niya, at parang sasabog sa sakit ang dibdib niya.

"Shamcey!" malakas na sigaw nito. May mga nakakasalubong siya. Sigurado siyang nakatingin ito sa kanya dahil sa pagtakbo na niya habang tinatawag pa siya ni Kiefer.

"Shamcey, wait!"

Ayaw na niyang harapin pa ang binata. Ayaw niya ring umiyak dahil nahihirapan siyang makita ang tinatahak dahil sa pagtutubig ng mata.

"Goddamn it, wait for me!"

Di na siya nag-isip pa at walang pakundangang tumawid siya sa kalsada. Nabingi siya sa sunod sunod na malakas na pagbusina at sigaw ng mga tao..


---to be continued.

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon