Chapter One

1.5M 19.9K 2.8K
                                    



 SHE'S not there. Wala ang kaibigan niya sa inuupahan nitong apartment. Tinanong niya ang landlady nito at kahapon pa daw ng umaga na hindi umuuwi doon si Shy.

Nakaramdam si Shamcey ng pag-aalala para sa kaibigan. Alam niyang hindi maganda ang sitwasyon ngayon nito. Naikuwento na rin sa kanya ni Marsh ang nangyari dito at sa nobyo nitong si Jude. Boyfriend nito ng apat na taon si Jude at may planong pagpapakasal na. Pero hindi na matutuloy 'yon. Nalaman ni Shy na nakabuntis ng ibang babae si Jude. Shy was devastated for sure. Nakaplano na ang kasal ng mga ito tapos malalaman lang nito na may ibang babaeng sinisipingan pala ang nobyo nito?

Bumuntong-hininga siya.

Nasaan na kaya ito ngayon? Nag-aalala rin si Marsh para dito. Pero nasa Palawan pa ang bakla kaya pinakiusapan siya nito na puntahan si Shy. Tamang-tama at nasa Manila lang siya ngayon. Katatapos lang ng modelling gig niya sa may QC kaya dumiretso na siya sa address na ibinigay sa kanya ni Marsh. Sa Antipolo, Rizal ngayon nakatira ang kaibigan niya. Naligaw pa siya bago makarating sa mismong place nito. Only to find out na wala din doon ang hinahanap niya.

Ilang beses niyang sinubukan na kontakin ang kaibigan pero walang sumasagot. Kung nasaan man ito, sana okay lang ito. Sana wag nito ulitin ang ginawa noong nagkaganun din ito. May history pa naman ng pagiging suicidal ang kaibigan kaya iyon ang ipinag-aalala nila ni Marsh.

Tumingin siya sa relo niya. Alas-sais na. Malayo pa ang uuwian niya at kailangan na niya umalis. Hindi siya masyadong pamilyar sa lugar na 'yon at nagsisimula na dumilim. It's not safe for her na mag-isa lang ngayon.

Nagsimula na siyang maglakad at lumabas mula sa madilim na eskinita. Sa hindi malamang dahilan, tumindig ang balahibo niya at nakaramdam ng kaba. Kahit sinong nasa kalagayan niya ay ganoon ang mararamdaman. Lalo na at nasa lugar siya na ngayon lang niya napuntahan. Sanay rin naman siya gumala sa kamaynilaan pero pag kasa-kasama niya si Marsh o si Shy. Ngayon, mag-isa lang siya. Di niya feel na safe siya.

Kinuha niya ang cellphone sa bag at ginamit ang ilaw niyon para makita ang dinadaanan. Naka-six inch heels pa siya ngayon. Palinga-linga siya sa paligid.

Damn, normal lang ba ang ganito katahimik?

Siguro, maganda kung mag-book na siya ngayon pa lang ng taxi. Pagkalabas sa eskinita ay bumungad sa kanya ang madilim na kalsada. Ghad, feeling niya nasa isang slasher film siya ngayon. Parang hindi naman ito 'yong binabaan niya kanina. O ito ba 'yon? Napakunot-noo siya habang inaalala. She can't remember. Dapat siguro bumalik ulit siya sa apartment ni Shy at hintayin na lang ito. Baka darating din ito mamaya? Lumingon siya sa pinanggalingan.

Dapat nga siguro hintayin---. Napatili siya nang biglang may humablot sa kanya. Mali, hindi siya. Kundi ang hawak niyang phone.

"Hoy!" sigaw niya, late na ang reaction. Mabilis na tumatakbo na palayo sa kanya ang lalaki. Cellphone niya ang tangay nito. At latest na labas pa 'yun ng Iphone at matagal niyang pinag-ipunan. Napamurang hinabol niya ang lalaki. Kung akala nito, papayag siyang matangay nito ang fone niya, nagkakamali ito!

Runner siya noon---hindi ng drugs kundi ng school nila. And there's no way in hell na makuha nito ang cellphone niya.

"Hoy, ibalik mo 'yan!" Lumingon sa kanya ang binatilyo. Nyeta, isang batang hamog lang ang nang-snatch sa kanya! Hindi ito makakatakas. Palayo ng palayo ito at patuloy lang siya sa paghabol.

Sumasakit na ang paa niya at kusa na rin siyang sumuko. Malulutong na nagmura siya. Paano nga ba niya ito mahahabol kung naka-suot siya ng mataas na heels?

Habol-habol niya ang hininga at mariing pumikit. Napasandal siya sa pader.

She need to go. Baka mamaya ang bag pa niya ang ma-snatch sa kanya. Naglalaman pa iyon ng mga ID at cards niya. Mas malaki mawawala sa kanya. Mahirap na nga siya, tapos maghihirap pa siya lalo. Bwisit.

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon