Chapter Forty Two

455K 9.8K 731
                                    


"GAANO katagal mo nang kaibigan si Shy?" tanong ni Kiefer habang inihahatid siya nito pauwi.

"Matagal na rin. Six or five years? Nakilala ko siya dahil kay Marsh. Naging close kami kasi pag nagkakaroon ako ng raket dito sa Manila, siya minsan 'yong sumasama sa akin. Bakit mo natanong?"

"W-Wala. Na-curious lang ako. Masyado kang naging concern kanina."

Nakita nila habang nagdi-dinner sila si Shy kasama si Jude, ang ex nito. Akala nito hindi na in good terms ang mga ito at naghiwalay na talaga. Nakita rin sila ni Shy. Parang nabigla pa nga ito nang makita kung sino ang kasama niya. Kilala din siguro nito sa mukha si Kiefer.

Hindi pa nga pala niya naipapaalam dito na boyfriend niya ang lalaki. Si Marsh pa lang ang nakakaalam nang namamagitan sa kanila ni Kiefer.

Kanina pigil niya ang sarili na habulin si Shy at usisain tungkol dito at kay Jude. Nakahanap naman ng table ang mga ito, kaso malayo sa kanila. Gustong-gusto niya tanungin ito kung bakit kasama nito si Jude.

But maybe tama na rin na hindi. It's her life. Wala naman siyang paki kahit magpakangkang ulit to sa ex nito na nanloko dito. She can do what she want with him. Concern lang siya dito dahil nga sa depression nito noon.

"Matagal na sila ng ex niya-- 'yong lalaking kasama niya. Four years din. Ikakasal na nga sila. Kaso nakabuntis ng iba 'tong si Jude."

"Tapos kasama ulit?"

"Oo. Tanga, e."

"Judgmental mo." natatawang komento ni Kiefer.

She roled her eyes. "Totoo naman. Kapag nalaman ko 'yong boyfriend ko na nagloloko sa akin, tapos nakabuntis pa. Kahit gaano pa kami katagal, tsupe siya. Hindi ako mag-aksaya ng mga araw na nag-e-emote tapos babalikan ko pa."

"Meron ka bang ex?"

"Uhm, wala.."

"So, di mo pa alam talaga kung paano magmahal at ma-inlove?"

Natahimik siya.

"Di mo alam paano kiligin, magmahal at masarapan hanggang sa makilala mo ako, ano?"

"Wow, lumakas 'yong hangin sa car mo. Paki-hinaan po?"

Ang lakas ng tawa nito. Tumaas ang kilay niya. Parang gumanda ulit mood nito. Napansin niya kanina parang naging tensyonada si Kiefer. Hindi nito ipinahalata 'yon. Pero magaling siya mag-observe ng facial expression nito. He looks like he saw a bad reflection in a mirror, or a nightmare. Wala naman siguro itong ibang babae na iniisip habang kasama siya..

O kung meron man, handa siyang kunin ang buong atensyon nito.

Pilyang inabot niya ni Shamcey ang kamay ni Kiefer. Napasulyap ito sa kanya.

"You sure you want to do this?"

"Do what?"

Sumulyap ito sa kamay niya. Nakaramdam siya ng hiya.

"Bawal ba?" Binawi niya ang kamay.

Maagap na kinuha ulit nito iyon at dinala sa ibabaw ng hita nito. Tila kusang gumalaw 'yon para haplusin ang matigas na hita nito. Tangina, konti na lang. May award na siya sa kalandian niya. Nahihiya pa siya non, ha. Paano na kaya pag hindi pa.

"Kailangan mo ba umuwi sa inyo ngayon?"

"Oo.. Kasi baka doon si Mama mag-stay sa apartment. Hanapin ako."

"Nandito pa ba siya sa Manila?"

"Oo, marami pa nga sila na idi-distribute na peanut butter. May kasama pa siya. Baka sa sala matulog."

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon