Chapter Fifty Five

285K 6.7K 969
                                    

SINALUBONG sila ng isang pamilyar na gwapong lalaki pagdating nila sa pinagdadausan ng charity event. Masigla na nilapitan si Kiefer ng lalaki at niyakap. "I'm glad you didn't turned down my invitation, bro."

"That's impossible," gumanti ng ngiti si Kiefer. Lumipat ang tingin ng kausap nito sa kanya. "Oh. She must be your girl."

"Kier, let me introduce my girlfriend.. Shamcey."

"Lovely to meet you, Shamcey." Nabigla siya ng bigla nitong hawakan at kamay niya at yumuko para halikan 'yon. Nag-init ang pisngi niya sa gwapong lalaki.

"Brad, walang ganyan." Pinalis ni Kiefer ang kamay ng lalaking pinakilala nitong Kier. Natawa ang huli. Napakunot-noo siya habang tumitingin sa mukha ng dalawa. Magkatunog ang pangalan ng mga ito. Kier and Kiefer.

"Blood-related ba kayo sa isa't isa?" di niya napigilang tanong. Hindi naman kamukha ni Kiefer ang lalaki, but he's really familiar.

"Blood-related? No, but we're like brothers." sabi ni Kiefer at tumango ang lalaki. "Anyway, babe, this is Kier Alleje. I'm pretty sure nakikita mo na siya sa mga commercials at international ads before.."

"Ah! Oo!" Biglang may umilaw sa isip ni Shamcey. Kaya pala ito pamilyar. "Binibida bida nga siya sa akin ni Marsh non. Akala ko kahawig lang niya. Bruce Venture ba screen name niya?"

"Bruce Venture?" halos magkasabay pa ang dalawa. Huli na para mapigilan niya ang sariling bibig.

"Sinong Bruce Venture?" tanong ni Kiefer.

"Miss, I'm pretty sure that's a different guy. Kier Alleje ang pangalan ko. Kahit sa TV."

Napapahiyang napatakip siya sa bibig. "Sorry. Medyo hawig mo.. But you definitely looked better. Mas gwapo ka nga."

"Sigurado 'yun. And you're stunner, too.." ngisi nito at pilyong kumindat.

"I'm still here." Tumikhim si Kiefer.

Nag-usap pa ng maikli ang dalawang lalaki. Nabanggit ni Kiefer na ang ina ni Kier Alleje ang founder ng charity event na 'yon para sa cancer. Parang gusto niyang manliit sa mga personalidad na nahahagip ng mata niya sa pagtitipon na 'yon.

Ang daming sikat na business moguls, politicians and celebrities ang nandoon. Ibang iba talaga ang mundong ginagalawan ni Kiefer sa ginagawalan niya noong hindi pa niya ito nakikilala. Hindi pa rin niya sukat akalain kung paanong nakuha pa niya ang atensyon nito kung ang dami namang mas magagandang babae at kasing level lang nito ang nakapaligid dito.

"Babe, are you okay?"

Hindi niya napansin na silang dalawa na lang ulit. Nagpaalam na si Kiefer sa kanila.

Namumutlang tumango siya. "Okay lang naman ako."

"Hey, you're looking pretty pale."

"Wala, naninibago lang ako. Grabe. Aaminin ko ngayon lang ako nakapunta sa ganito.. At nakakalula ang mga kilalang tao na nakikita ko ngayon."

He chuckled. "Don't be silly. Naapak din sa lupa ang mga 'yan, babe.."

Tiningnan niya ito. "Sa dinami-dami ng magagandang babaena nakapaligid sa 'yo, bakit ako pa?"

"Why not you? I believe we already discussed about that.. Gusto mo ba ng replay?" Pilyong ngumisi ito.

"Ayan ka na naman."

"Ayan ka rin. Don't ask me again why I chose you. Alam mo na ang isasagot ko." Pinatakan nito ng halik ang labi niya. "Wait, who's Bruce Venture again?"

Napangiti si Shamcey. "Jowa ng mga babaeng single.. Wag ka mag-alala, di ako naging kabilang noon. Good girl 'to. Si Marsh, hindi."

Napakunot-noo ito. Parang fini-figure out sa isip ang sinabi niya. Mas lalong lumawak ang ngisi niya. Sigurado siya wala itong kaide-ideya kung sino ang lalaking 'yon.

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon