Chapter Fifty Eight

278K 8K 2K
                                    


"It's Kierro Montejo. That's his name." sabi ng babae.

"S-Shy.. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Marsh. "Bes, ikaw ba ang nagpadala nito?"

Malungkot na ngumiti ang kaibigan at umiling. Her eyes were pinned on hers. Nabasa niya ang guilt doon.

"Matagal ko na gustong sabihin sa 'yo ang tungkol dito. Mula noong araw na makita kitang kasama ng lalaking 'yon.. Gustong-gusto ko na sabihin sa 'yo."

Lumapit ito sa kanya. "Naging magkarelasyon ang kapatid ko, si ate Kristina at si Kiefer. Since college naging sila. Matagal 'yong naging relasyon nila na muntikan na silang magpakasal dahil nabuo si Kierro."

"Shy, bakit naman ngayon mo lang to sinabi kay Shamcey?"

"Matagal ko na nga gusto sabihin 'yon pero wala akong lakas ng loob."

"Eh, ano ngayon ang ipinagkaiba kung sinabi mo noon sa ngayon?" mataas ang boses ni Marsh. "Di mo ba inisip na parang nagmukhang tanga ang kaibigan natin? Pamangkin mo pa ang anak ni Kiefer. At jowa pa ng kaibigan mo. Di mo naisip 'yon?"

"Marsh, tama na.." Nanghihina si Shamcey. Parang sobra sobra na agad ang mga rebelasyon sa kanya. Tumingin siya sa kaibigan. "Ikaw ba ang nagpadala ng mga ito, Shy?"

"Hindi. Si Ate 'yan. Di ko alam na gagawin niya 'yan. Siguro, nalaman na niya ang tungkol sa 'yo."

Unti-unting napagtagpi niya. Ang babaeng nakita niya na kasama ni Kiefer, iyon ang kapatid ni Shy na kahit kailan ay hindi niya pa nakita ng personal. Ang babaeng nasa mga litrato kasama ng nobyo. That's Kristina.

At tila pinaglaruan pa sila ng tadhana dahil magkakakonekta lang sila.

"I'm really sorry, Shamcey. Wala akong intensyon na masaktan ka. Kaya natatakot ako ipaalam sa 'yo. Naisip ko na kusang sasabihin sa 'yo ni Kiefer tutal mukhang seryoso naman siya sa relasyon nyo."

Mapait siyang ngumiti. Seryoso sa kanya? Pagkatapos ng mga nalaman niya, gugustuhin ba niyang paniwalaan iyon? Ang isipin na hindi pa ito nakakalimot sa ex nito ay sobra na. Ano pa na nalaman niyang may anak pa ito sa ex nito?

Hindi niya alam bakit hindi niya magawang maiyak. Pero sa loob niya, nasasaktan na siya. Lumuluha na siya ng dugo at hindi niya maipakita ang panghihinang 'yon sa dalawang nasa tabi lang niya.

"Ayaw ko rin mainvolve dahil sobra na ang hirap na nararanasan ko sa relasyon pa lang namin ni Jude. I'm sorry.."

"Bakit ka ba humihingi ng sorry? Hindi mo naman kasalanan.."

"I'm sorry kasi alam kong masasaktan ka pag nalaman mo ang totoo.."

Nanginginig ang mga tuhod niya. Gusto niyang iwanan ang dalawa, takasan ang sandaling iyon. Kalimutan ang mga narinig at magpakalayo. Pero ano ang mapapala niya sa pagtakas? Bakit hindi pa niya harapin ang sakit?

"Mayroon pa ba akong dapat malaman?"

Tumango si Shy. "Alam ko lagi silang nag-uusap. Bumibisita lagi si Kuya Kiefer sa kanilang dalawa at sinusuntentuhan niya si Kierro."

Mariin siyang napapikit. Hindi sa kanya sinasabi ni Kiefer 'yon.. Kahit isang beses, wala itong binanggit.

"At ayaw ko na masaktan ka, Shamcey.. Akala ko seryoso siya sa 'yo. Pero tingin ko, meron pa ring namamagitan sa kanila ni Ate.."

Nag-angat siya ng mukha.

"I'm sorry," kinagat nito ang ibabang labi. "Naabutan ko sila na naghahalikan nang dumalaw siya kay Ate.. That's two days ago, at hindi mawala sa isip ko 'yon dahil ikaw ang naiisip ko."

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon