Chapter Forty Six

356K 8.4K 593
                                    

 KIEFER glared at her. Para itong nanakawan ng puri--tulad ng sinasabi nito kanina sa kotse. "You made me come in your mouth, you naughty lady."

Inirapan niya ang binata at inayos ang buhok niya. Ginulo pa nito ang buhok niya dahil hindi nito napigilan na hawakan iyon upang mas matanggap niya ang kabuuan nito.

"Tara na bumaba. My mom's waiting for us."

Iyon ang ginawa nila. Bumaba na sila ng kotse. Sa malaking mansyon din ng ina ni Kiefer sila pumunta. At mas malaki iyon sa kung ano meron si Kiefer. Mas nakakalula ang ganda. Sa paraan na parang ayaw na niyang tumuloy dahil feeling niya hindi siya nababagay dito.

She bit her lips nervously. Ibang usapan talaga kapag ganito na. Iniisip niya ang magiging reaksyon ng ina ni Kiefer. Kinakabahan siya at madaling napansin iyon ng binata.

He let out a soft chuckle. "C'mon, baby. Don't be nervous. She's gonna like it you."

"Tingin mo?"

Hinawakan nito ang baba niya at ngumiti. "You're the most beautiful, and I'm pretty sure she will like you.."

Sapat na ang mga sinabi nito at ang mga titig nito para maibsan ang kaba niya.

"She's probably waiting for us. Tara na."

Sinalubong si Shamcey at Kiefer ng isang magandang babae. Siguro ay nasa late forties. Parang version ni Marimar ang ganda nito. Napaka-elegante. Napakaganda.

It's like his mother discovered the fountain of youth. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ngayon ang babae sa likod ng mga matagumpay at sikat na resorts and hotel sa buong asya.

Hindi niya mapigilang mamangha at mapatulala habang nakatitig sa magandang mukha nito.

Pinisil ni Kiefer ang kamay niya at ngumiti sa kanya bago lumapit sa ina nito.

"Mom."

Malawak ang ngiting sumalubong ang babae. Niyakap nito ng mahigpit si Kiefer. "Oh, you big boy! Ang tagal mo dumating. Akala ko nagbago na ang isip mo na ipakilala sa akin ang nobya mo."

"Pwede ba 'yon? Nangako ako sa 'yo, di ba?"

"At hindi mo 'yon pwedeng bawiin dahil magtatampo ako sa 'yo." Sumimangot ito at bumaling sa kanya. Kumikinang ang mga mata ng babae. Napansin niya na iba ang kulay ng mata nito kumpara kay Kiefer. Hazel green ang kulay niyon.

"You must be Shamcey."

"Ako nga po." Nanginginig na ngumiti siya at tinanggap ang kamay nito.

"Oh, you looked really stunning." Pinakatitigan pa siya nito. Mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay nasasabik na pumalakpak. "Oh, my goodness! Ang ganda ng genes mong bata ka. Sigurado mabibigyan mo ako ng magaganda at gwapong mga apo."

Parang may sumipa sa kanya.

"P-Po?"

"Hindi na ako magiging matandang walang apo. Nakikita ko na ang kinabukasan ng lahi ng anak ko sa mga labi mo pa lang.."

Napaubo si Kiefer at napangisi na tumingin sa labi niya. "I agree."

Pinamulahan niya. Nakuha agad niya ang ibig sabihin nito.

"Oh, she's blushing! What a pretty girl," muling komento ng babae.

"Mas maganda naman kayo, Ma'am."

"Ikaw naman!" Humagikhik na tinapik siya nito sa braso. "Syempre, ako pa ba?"

"Mom, matanda na kayo. Ibigay nyo na sa girlfriend ko 'yong pagiging maganda."

"Maka-matanda ka, Brian Kiefer!" Pinanlakihan nito ng mata ang nobyo niya.

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon