Chapter Forty Five

418K 9K 731
                                    


 "KAILANGAN ba talaga 'to, Kiefer?" tanong niya sa lalaki nang sunduin siya nito sa apartment niya.

 Nagpaalam siya kay Marsh na mawawala siya ng buong gabi. Ang malisyosang bakla nagawa pa na mang-okray. Umakto na parang may sinusubo sa bibig noong makita si Kiefer. Ngali-ngali niyang masabunutan! Kung hindi lang ito ang nag-ayos sa kanya. Dapat daw mukha siyang babaeng marangal. 'Yong hindi nanlalaban. Gagang bakla talaga!

Lumingon sa kanya ang binata. "Bakit hindi? Kailangan ba talaga na tumagal pa tayo ng mas matagal bago kita ipakilala? We're in a modern world, babe. Hindi naman natin kailangan pa patagalin 'tong relasyon natin bago malaman ng iba."

May punto ang lalaki. Nawalan siya ng salita.

Hindi pa rin si Shamcey makaget-over sa sinabi nito na ime-meet nila mamaya ang ina ni Kiefer. Nataranta siya. Kinabahan. Paano pag hindi siya magustuhan? Bigla naalala niya 'yong mga teleserye kung saan hindi tanggap ng ina ng lalaki 'yong girlfriend.

Ayaw niya maipit sa ganoong drama. Jusko, mas gugustuhin niya na maging single na lang.

"Ang sa akin lang, agad agad ba na kailangan meet the mom na? Hindi naman tayo nagmamadali. So, what's the reason?"

Itinigil nito sa isang tabi ang kotse at tumingin sa kanya, salubong ang kilay nito. "I don't find any reason para hindi kita ipakilala. I want you to meet my mom. That's the reason."

"That's it? Gusto mo lang na ipakilala mo sa kanya?"

"What's wrong with that? Dapat ba may iba pang rason?"

"Yes. I want a valid veason, Kiefer. Hindi puwedeng gusto mo lang ako na makilala niya. Dahil sa oras na ipakilala mo ako sa kanya, iisa lang ang ibig sabihin non.."

"That I'm willing to commit to you."

Nahigit niya ang hininga at bumilis ang pintig ng puso niya.

"I'm serious, Shamcey." sabi nito at kinuha ang kamay niya. "I'm really serious about this. About us."

Ang mga sinabi nito ang nagpatigil sa mundo niya. He's really serious about her. Hindi niya alam kung panaginip lang 'yon. But if it's really dream. Then, she don't want to wake up.

"Sinabi ko sa 'yo na una pa lang ayaw lang kita banatan sa kama. I want you to be mine, Shamcey. Mine only." Kumikislap ang mga mata nito habang sinasabi iyon, parang may kapilyuhan na naglalaro sa isipan nito. "Pero siguro kung totoong rason ang hinihingi mo kung bakit ganito kaaga.."

"A-Ano 'yon?"

"Dahil ayaw na kitang pakawalan pa." Hinaplos nito ang pisngi niya, pinaglandas sa mapupulang labi niya. "Gusto na kitang ipagdamot sa ibang lalaki. Ayaw ko na magkaroon pa ng posibilidad na may ibang lalaki na magmay-ari sa 'yo.. I know it's wrong to own you like my property.. But I cant help it. You made me think about you everytime, and it's making me crazy. Lalo na pag naiisip ko ang posibilidad na mawala ka pa. "

Nakagat niya ang ibabang-labi. "I'm yours, Kiefer."

"I know.. But I want to have you for real. 'Yong pwede ko nang ipakita sa iba na akin ka. Ipagsigawan na akin ka lang. Because that's what I really want. To tell the world you're mine, and to scream how much I like you."

Nag-init ang pisngi niya sa naging rebelasyon nito. Parang ayaw niyang paniwalaan na narinig niya iyon sa bibig ng binata. Namalayan na lamang niya ang pamamasa ng mata.

"Hey, why are you crying?" Hinaplos nito ang pisngi niya at pinahid ang luhang tumulo doon. Umiling siya.

"Wala... Wala kang sinabing masama."

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon