Chapter Ten

626K 11.7K 572
                                    


 HE JUST fired her! Ang bilis lang nitong sinabi ang dalawang salitang 'yon at ang simple. Pero parang niyanig ng malakas na lindol ang diwa niya. Hindi niya mahanap ang mga salitang dapat sabihin.

"Ano pa hinihintay mo? You can go now." sabi ni Kiefer. Ininguso nito ang pintuan. Hindi siya natinag sa kinatatayuan. Hindi pa rin makapaniwala. Sinisesante talaga siya nito? Tinitigan niya ito sa mata. Mukhang seryoso talaga ito sa sinabi.

Napatiim-bagang si Shamcey.

"Okay, fine."

Kalmado siyang tumango kahit nanginginig ang tuhod niya. Wala siya sa lugar para kwestyunin iyon. Ibibigay niya ang gusto nito. Tama na rin siguro 'yon para hindi na niya ito makita. Hindi siya magmamakaawa. Maghihirap na rin siya, I-save na rin niya ang kanyang pride.

"Thank you very much for the experience, Sir."

Masama ang loob na tinalikuran na niya ito. Pinigilan ni Shamcey ang emosyon niya. Feeling niya ang unfair lang. Ang harsh.

 Bakit kailangan na masesante siya? Hindi ba pwedeng maging professional ito?

 She get it. Baka hindi pa rin ito makaget-over sa pagtakas niya dito ng gabing 'yon. She would always be thankful for what he did for her. Pero di niya ibibigay ang sarili dito! Hindi porke gwapo ito para siyang manok na tutuka agad sa palay na iniaalok nito. Dahil unang-una hindi siya manok!

Ayaw pa niya maging inahin no!


"ANONG ginagawa mo dito?" gulat na tanong sa kanya ni Marsh. Kadalasan mas nauuna pa ito sa kanya makauwi. Minsan nga kasi ginagabi siya ng pag-uwi.

Malungkot na tumitig lang siya sa kisame habang nakahiga sa kama. "Nasibak na ako, Marsh."

Natutop nito ang bibig habang sinuyod siya ng tingin. "Sinong nakasibak?"

"Si Sir Kiefer nga," wala sa sariling dinama niya ang dibdib. "Ang sakit sakit. Gusto ko maiyak. Wala na. Ngayon, paano na ako?"

"Mamsh, masakit talaga 'yan sa umpisa. Pero masasanay ka rin dyan. Kita mo masarap na pag nagtagal."

"Bakla ka! Hindi ako nagpakan--"

"Tooth?"

"Hindi niya ako makukuha! As if naman. Manigas siya!"

Tinakpan nito ang bibig at nang-ookray na tiningnan siya. Sinamaan niya ito ng tingin at bumangon.

"Ikaw talaga, seryoso ako! Bakit hindi mo kaya gamitan ng ariel 'yang utak mo para luminis-linis naman? Kita mong di ko na nga alam ang gagawin ko. Nai-stress na ako."

Kung ililista niya ang mga umaandar sa utak niya mula pa kaninang nilisan niya ang Helios, baka makagawa na siya ng mahabang listahan. Pero ang first three na laman ng isip niya ngayon. Una, pinoproblema niya kung paano niya sasabihin iyon sa Mama niya. Pangalawa, sasabihin niya ba na nawalan siya ng work dahil may gusto sa kanya ang devil na 'yun? Pangatlo, bakit hindi na lang kaya siya magmakaawa dito? Konsiderasyon man lang, o!

Pero kung magmamakaawa siya, parang ibinaba na rin niya ang panty niya. She glared at the thought. Nakakadiri, hoy! Pantasya nga siguro si Kiefer para sa mga babaeng nakilala niya sa Helios. Sa kanya, isa itong downgrade para sa pinagmulan nito!

Dahil unang-una, bakit siya papatol sa 'yo? Malditang sabat ng isang boses sa isip niya. Bakit, hindi? Maganda siya!

Umupo ito sa gilid ng kama at inalo siya. "Wag ka na mamroblema muna d'yan. Kumain ka na ba?"

"Ng lunch? Hindi." Nakalimutan na niya mananghalian. Hindi pa rin siya nagkaka-gana. Pagkadating niya, iniiyak lang niya iyon at humiga habang nakikipagtitigan sa salamin.

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon