Chapter Fifty

303K 8.1K 1.4K
                                    

 MARAHAS na hinila siya ni Kiefer papunta sa kotse nito. Pumalag si Shamcey. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"

"Magpapakamatay ka ba?"

"Magpapakamatay? Masaya ka! Tingin mo, aaksayahin ko ang buhay ko para sa 'yo?" sigaw niya dito. "No thanks! Hindi lang ikaw ang huling lalaki sa mundo!"

Nagdilim ang mukha nito na nilingon siya habang halos kaladkarin na. "Kung ganon wag kang magbalak na magpasagasa!"

Muntikan na nga siya masagasaan. Kung hindi lang siguro nakapagpreno ang may-ari ng kotse na 'yon, baka natuluyan siya. Hindi niya naisip na magpakamatay. Hindi niya kayang iwan na mag-isa ang ina niya.

"Well, sana inisip mo 'yun nang lokohin mo ako! Inisip nyo ng babae mo na may masasagasaan kayo!"

"Hindi kita niloloko!"

"Kung hindi panloloko ang pagsisinungaling, ano pa ang tawag doon? Joke? Kung hindi ko pa nakita, di ko pa malalaman. Ang laki ng titi mo, Kiefer, pero wala kang puso!"

Humigpit ang hawak nito sa braso niya at marahas na nilingon siya.

"Ano, tinamaan ka? Masakit ba ako magsalita?"

Mainit na tinitigan siya nito, nag-aapoy ang mata nito sa samu't saring emosyon. Matapang na sinalubong niya iyon. Masakit ang dibdib niya sa pagtataksil nito. Nangingibabaw ang galit niya sa lalaki. Nagsukatan sila ng tingin.

Ito ang unang nagbawi at marahas na humigit ng hangin. "Sumama ka sa akin, Shamcey."

Nasaktan siya lalo sa pagtawag nito sa pangalan niya. "Parang minutes ago pa lang ako nagresign as second runner up, Shamcey na lang agad agad. Swerte naman ng bagong babe."

"Ikaw pa rin ang babe ko. Maniwala ka man o hindi."

Kahit nasasaktan si Shamcey, nanuot sa dibdib niya ang tamis ng sinabi nito. Parang pinapawi ang bakas ng sakit doon. Tila gusto niyang bawiin ang pagpapakita ng galit dito..

Tanga!

"Hindi ako sasama sa 'yo, Kiefer. Aalis na ako. Pabayaan mo na ako."

"Hindi ko hinihingi ang pagpayag mo," walang emosyon na sabi ng binata at itinulak siya sa sasakyan nito.

"Kiefer!"

Mabilis na sumakay ang lalaki at inilock ang pinto ng kotse nito para di siya makalabas.

"You're coming with me. Mag-uusap tayo ng masinsinan."

"No! Nakikipaghiwalay na ako sa 'yo kaya walang dahilan para pag-usapan pa natin 'to!"

His lips curved into a cruel smile. "Breaking up should be a mutual decision, babe.. So, no, you're not leaving me.."

Nanlaki ang mata niya. Hinaplos nito ang pisngi niya.

"You'll stay with me." Napasinghap siya nang hagipin nito ang batok niya. His mouth claimed her lips in a domineering kiss. Itinulak niya ang lalaki at napahiwalay ito sa kanya.

"Wag mo akong hinahalik-halikan!"

"I'm not cheating on you, and i would like to remind you that you're still mine."

"Sinungaling ka pa rin!"

"Akin ka pa rin." mariing sabi nito. Lumapit pa ito sa kanya at saka muli siyang sinunggaban. Mapusok na hinalikan siya nito. Wala siyang balak na magpadala sa maiinit nitong halik, sa masarap nitong yakap. Hindi siya magpapadala kahit sagad-sagaran pa ang sarap nito.

Mariing pumikit siya nang bumaba ang labi nito sa puno ng tenga niya. "Di kita niloko, Shamcey.."

Wag kang maniniwala. Nagsisinungaling lang siya.

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon