Chapter Fifty Nine

298K 8K 1.8K
                                    

"NAG-ENJOY ka ba kanina?"

"Uhhmmm." Malawak ang ngiti na tumango si Kierro. Umahon ang tuwa sa dibdib niya. Hinaplos niya ang buhok nito at bahagyang ginulo. He's really a good kid. Nakikinig ito sa kanya. Kapag sinasaway niya ito, tumitigil ito at lalapit sa kanya para kumapit sa braso niya.

"Papa, are you gonna leave me again?" tanong nito pagkatapos niya ito dalhin sa kwarto nito. Mukha na itong pagod at inaantok. Maghapon niya itong ipinasyal sa amusement park sa QC. Tuwang tuwa ito na sinakyan ang lahat ng rides. Walang kapaguran. Kumain muna silang dalawa sa labas bago magpasyang iuwi na ito.

"Sabi ni Mama, aalis ka daw ulit.. Is that true?"

Nakaramdam siya ng bigat sa dibdib nang tingnan niya ang pares ng mga mata nito. Nakikita niya ang sariling mukha dito. Hindi niya alam kung paano niyang natiis ito ng ilang taon. But what he did was for his best. Hindi niya ito deserve. Inisip niya lagi na hindi niya kaya ang responsibilidad dito.. Lalo na't hindi rin niya alam kung paano tatanggapin ito noon.

"Papa, why can't you stay with us?"

"Nandito naman na ako, Kierro.. Lagi kita binibisita. May mga trabaho lang ako kaya kailangan umalis ni Papa. When you grow up, maiintindihan mo 'yun. For now, kailangan ko lagi umuwi sa bahay ko."

"Dito ka na lang tumira, Papa.."

He sighed. Pipikit pikit na ang mata nito. Nilalabanan ang antok pero tuluyan rin na nakatulog. Pagod na ito. Tiningnan niya ang kamay nitong nakakapit sa kamay niya na parang ayaw siya umalis.

Malungkot na ngumiti si Kiefer. Hindi talaga ganoon kadali ang mga bagay sa kanya. He could feel his heart breaking as the sight of his baby face. Hindi maipagkakaila na carbon copy niya ito.

Bumaba ang mukha niya at pinatakan ng halik ang noo nito. "Sleep tight, little guy."

Marahang bumukas ang pinto sa likod niya. Nakasandal doon si Kristina. "Aalis ka na?"

"I need to." malamig na tugon niya.

"Malalim na ang gabi. Pwede ka na matulog dito. Matutuwa si Kierro kapag nagising siya bukas na nandito ka." Hindi siya umimik. Nakatitig siya sa maamong mukha na mahimbing na natutulog. May maliit na ngiti sa labi nito.

Ang makita lang ang ngiti nito ay nagdadala na ng tuwa sa dibdib niya. He felt so proud.

Naramdaman niya ang paglapat ng magkabilang palad sa balikat niya. Minasahe siya nito. Mariin siyang pumikit.

"Isa pa, pagod ka na rin. Mas okay kung magpahinga ka na. May isa pang kwarto d'yan."

"Kaya ko pa mag-drive." Inalis niya ang kamay nito. Pagkatapos ay tumayo.

"Kiefer."

"Aalis na ako. Bibisita na lang ako kapag may oras ulit ako."

"May oras ulit o nakasalisi sa girlfriend mo?"

His jaw clenched, then glared at her. "That's none of your business, Kristina. Pinagbibigyan kita pero wala ka sa lugar magdemand sa akin."

Naitikom nito ang bibig. Nilagpasan niya ang babae. Hinabol siya nito nang akmang sasakay na siya sa kotse niya.

"Hanggang kailan mo itatago sa kanya ang totoo, Kiefer? Hindi ka ba nakokonsensya na itinatago mo ang tungkol kay Kierro kay Shamcey? She deserve to know the truth."

Pabagsak na isinarado niya ang pinto ng kotse at pigil ang galit na lumapit dito. Mariing hinawakan niya ang braso nito. "Wag na wag mo maidamay si Shamcey dito. Wala siyang alam tungkol kay Kierro."

"That's very obvious, Kiefer. Mukhang kahit ang relasyon natin noon ay hindi niya alam.. May kaide-ideya ba siya sa nakaraan natin? I heard dinadala mo siya sa bahay mo.. I just wondered, nandoon pa rin ba ang mga gamit ko sa kwarto natin?"

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon