Chapter Thirty Seven

529K 10.4K 650
                                    


 PAGKATAPOS nila mag-dinner, niyaya na siya ni Kiefer umuwi. "Ihahatid mo na ako?" tanong niya. Nakaramdam ng konting pagkadismaya sa ideya na mapuputol na ang pag-uusap nila.

Pagkatapos ng mga narinig niya dito, sumidhi 'yong interes niya na huwag matapos ang sandali na kasama niya ito. How come na nao-obserbahan nito ang mga bagay na 'yon sa kanya habang iba naman 'yong tingin niya dito? She thought he just want to get under her skin.

"Ihahatid?" kumunot-noo ito. "Sinong nagsabi na iuuwi kita ngayon?"

Nakagat niya ang ibabang-labi at hindi nakapagsalita.

"May pag-uusapan pa tayo, di ba? So, you're going to stay in my place tonight."

"Kaso wala akong extra."

"Extra--what?"

"Extra clothes.. Pampalit kung sakaling.." Napatili siya nang biglang magpreno si Kiefer. Nanlalaki ang mata niya dito. "Dahan-dahan naman!"

"S-Sorry." Tumikhim ito. "Ano nga ulit 'yong sinabi mo?"

"Wala.. Kalimutan mo na 'yon." Namula ang mukha niya.

Nagtaka si Shamcey nang mag-U turn ito. "O, saan pa tayo pupunta?"

"Bibili ng pampalit mo."

"O-Okay." Feeling niya hindi lang ang mukha niya ang namumula ng oras na 'yon. Pati yata ang bagay sa pagitan ng mga hita niya.

Mabilis na dumaan lang sila sa deparment store. Pagkatapos ay dumiretso na sila sa Hunk Society Village. Nabanggit sa kanya ng isang kasama niya na daang milyon ang halaga ng mga mansyon sa Hunk Society.

Nalula siya sa presyo ng mga bahay doon. Di na nakakapagtaka kung bakit ang gaganda. Puro multi-millionaires at billionaire na young businessman ang mga nakatira doon. Not to mention na naga-gwapuhan pa.

Yes, nakapag-research naman siya. 'Yong place ni Kiefer, na-estimate niya agad kung gaano kamahal. Eight bedrooms 'yon sa pagkakatanda niya. May basement for theater room and bar. May roof top for parties, may swimming pool sa likod. May malawak na large dining room at dirty kitchen. Sabi ni Kiefer sa kanya noong nakaraan, may housekeeping weekly sa bahay nila.

Nakadating sila sa tinitirhan nito mag-a-alas otso na. "Hindi ka ba hahanapin ng kaibigan mo?" tanong ni Kiefer sa kanya.

"Nag-text na ako."

"Anong sabi mo?"

"Mag-OT ako."

Umangat ang kilay nito at tinitigan siya. Namula siya.

"What? May mali ba sa sinabi ko?"

"Overtime talaga ang sinabi mo?"

Napakunot-noo siya ng ngumisi ito. Pilyong kumislap ang mata.

"So, may plano ka na mag-overtime tayong dalawa?"

"Ano.. Di ba, mag-uusap tayo?" Umupo siya sa sofa. Bigla nanghina ang binti niya sa titig nito. Makahulugan ang ipinupukol na tingin nito sa kanya.

"Right. May pag-uusapan tayo tungkol sa ating dalawa," nagtaas-baba ang kilay nito. Tangina, ang sexy ng ginawa nito.

"Hintayin mo lang ako dito.. Mag-shower lang ako ng mabilis."

Pinanood niya ang pagtalikod nito sa kanya. Ang hirap di pansinin ng maumbok na likuran niya. Sino bang hindi manggigigil pisilin 'yon?

Nanginginig na humugot siya ng hangin.

Iniwanan siya ng binata sa sala. Hindi niya alam ang gagawin doon. Ano, magbukas ba siya ng TV? Her heart race for something she don't know. Nilunok niya ang laway. May kaba siyang nalalasahan sa bibig. Kaba at pananabik.

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon