Chapter Eleven

602K 11.8K 575
                                    


 NAABUTAN ni Shamcey ang kanyang mama sa isa sa hospital bed sa ward. Nagkakandarapa pa siya pagpasok ng ospital. Sa byahe pa lang hindi na siya mapatali pagkatapos niya matanggap 'yong tawag na nasa opsital ang ina.

Isinugod ito sa ospital nang mawalan ng malay. Buti nagmagandang loob 'yong amo nito na itakbo agad sa ospital ang kanyang mama. Nakita agad niya ito. Maraming kasamang pasensya sa isang malawak na silid. Mainit at nagkakasya lang sa ilang electric fan.

Nakaramdam agad siya ng matinding awa. Tila may pinipisil sa puso niya nang makita ang kalagayan nito.

"Ma," pumiyok ang boses ni Shamcey. Nilapitan niya ito. Waring naramdaman ang kanyang presensya, nagmulat ito ng mata. Wala itong kasama kaya mas lalo siyang nakadama ng kirot sa dibdib.

Nagulat ito ng makita siya. "Nak, bakit--"

"Tumawag sa akin 'yong kasama nyo sa trabaho gamit 'yong phone mo. Ma, bakit ka naman namasukan pa? Sabi ko naman sa 'yo di mo na kailangan magtrabaho? Kaya nga nasa Maynila na ako. Ako ang magtatrabaho para sa atin. Para di ka na mahirapan."

"Nahihiya naman kasi ako, 'nak, na ikaw lang 'yong gagawa non. Dapat tumutulong ako sa 'yo. Hindi pa naman lumpo o matandang alagain."

"Ma naman.."

"Ayaw ko naman na saluhin mo lahat. Nabubuhay pa ako, pero ano pa silbi ko kung ikaw lang.. Di ko na nga ikaw napagtapos.. Dahil sa nangyari sa amin ng tatay mo tapos.." Sunod sunod na tumulo ang luha nito at humagulhol. Agad na inalo niya ito at niyakap.

"Ano ba 'yan, Shamcey! May sakit na nga si Tita pinapaiyak mo pa." singit ni Marsh na kasama niyang nagbyahe pabalik ng Laguna. Pinandilatan niya ito.

Hindi naman niya masisi si Mama kung ganoon ang nararamdaman nito. Gusto nito na magtulungan sila. Kaya mas lalo sumasama loob niya. Paano niya sasabihin ngayon dito na wala na siyang trabaho? Tinanggal siya sa Helios. Ang buong alam pa nito nandoon pa rin siya nagwowork. Baka lalo itong mapressure na magbanat ng buto kapag nalaman nito na jobless na ulit siya.

Ang sakit sa ulo. Pero hindi iyon ang dapat na isipin niya ngayon.

"Okay na 'yon, Ma. Magpagaling ka muna. Sabi ni doc, baka bukas makalabas ka rin."

Nabigla siguro ang katawan nito sa trabaho. Iyon ang sinasabi niya dito. Huwag nitong puwersahin ang sarili dahil iyon nga ang nangyayari. Ilang beses na rin ito naospital noon dahil sa stress at kulang sa kain pagkatapos ay naglalabada pa.

"Bakit ka nga pala nandito, nak? Nag-absent ka ba para lang puntahan ako dito?"

Tumingin siya kay Marsh. Tiningnan siya nito na para bang idinedepende nito sa kanya ang sagot. Napag-usapan kasi nila nito na wag munang ipaalam kay Mama ang tungkol sa pagkakaalis sa kanya sa night club. Hahanapan niya agad ng kapalit ang trabaho bago pa malaman ng mama niya.

"H-Hindi.. Wala talaga kaming pasok ngayon."

"Ah, kumusta naman doon? Pwede ba bumisita din ako dun pag ni-launch na 'yon, nak? Gusto ko makita."

"O-Oo naman, Ma. Okay na ba pakiramdam nyo?" tanong niya para maiba ang paksa. Hindi siya komportable na nagsisinungaling siya dito ngayon.

"Okay naman ako. Siguro di lang ako nakakain bago ko hinarap 'yong mga labahin. Ang dami kasi non."

"Kaya wag nyo na uulitin pa 'yon. Kung gusto nyo talaga na magtulungan tayo, Ma. Maghanap na lang kayo ng madaling gawin at di kayo nap-pwersa masyado."

Malamlam na tinitigan niya ito. Nasa early forties pa lang ang mama niya, pero parang tumanda na ito ng ilang taon kesa sa totoong edad nito. Nag-init ang mata niya. Hindi dapat ito nagkaganon. Kung di dahil sa ama niya, hindi rin pinabayaan ng mama niya ang sarili.

Nakita niya noon kung gaano kamahal ng mama niya ang kanyang ama. Handa itong magpakatanga paulit-ulit kahit pa harapan ang panloloko ng isa. May ilang beses na kasama pa siya nito para lang sugurin ang babae ng ama niya.

 Hindi niya nakikita, pero naririnig niya kung paano pagbantaan ng mama niya ang mga babaeng iyon.

 Maraming beses. Pero patuloy-tuloy lang ang pagwawalanghiya ng ama niya.

Hanggang sa sumama na ito sa isang magandang kolehiyala. Ipinagpalit ang ina niya sa mas bata. Tuluyan na silang inabandona. Walang iniwan para sa kanila.

Hanggang ngayon alam niya, may mga gabing iniisip pa rin nito ang asawa. Nahuhuli nga niya ito minsan na nakatitig sa kawalan.

Noon ni Shamcey napagtanto na ang pagmamahal maaaring ikabuti mo o ikasama. Kapag nagmahal ka sa maling lalaki, it could break or destroy you.

 Hindi siya umalis sa tabi ng mama niya. Nanatili lang siya sa tabi nito. Nakalabas din naman ito sa ospital kinabukasan. Humiram muna siya ulit kay Marsh pambayad. Lagi na niya itong nauutangan. Buti na lang nagbabayad din naman siya. Habang nasa department store sila, tinanong siya ng kaibigan.

"Ano na plano mo? Di mo pa sinabi kay Tita na natanggal ka sa trabaho. Maiintindihan naman non!"

"Mamsh, sira ka ba? E, di lalo na nastress si Mama. Ayaw ko rin naman magsinungaling."

"Eh, paano na 'yan? Gusto mo na ba tanggapin 'yong huli? Housekeeping talaga? May iba pa naman--"

"Hindi na ako magiging choosy, Marsh. Okay na 'yon kesa unemployed ako."

Ngumuso ito at sinulyapan siya. "Alam mo sayang 'yong sa Helios eh."

"Wala akong magagawa."

"Sigurado ka? Wala kang magagawa?" May panunuksong ngumiti ito sa kanya. At di man nito sabihin, alam niya ang tumatakbo sa utak nito.

"Wag ka tumingin sa akin ng ganyan. No, hindi ko gagawin 'yan."

"Ikaw bahala.. Pero sa panahon ngayon, Shamcey.. Dapat nagiging praktikal ka lang. 'Yong iba nga kailangan pa makapagpa-retoke para gumanda at magkaroon naman ng advantage sa lipunan na ito. Ikaw natural na ganda ka. Mestiza, matangkad. Mahaba ang legs. Ikaw na. Kaya gamitin mo habang fresh pa."

"Parang sinasabi mo na rin na kumapit ako sa patalim."

"Lahat naman tayo kumakapit sa patalim araw-araw. Hindi siguro sa literal na paraan. Pero 'yong mga sakripisyo natin sa trabaho, 'yong mga patayang OT at deadlines. 'Yong stress at pressure, kung iisipin mo parang may patalim na rin na nakatutok sa 'yo."

May punto rin naman ang kaibigan niya. Dapat nga maging praktikal siya. Nang mapag-isa na siya sa kwarto niya sa bahay, nakipagtitigan siya sa screen ng phone niya. Pinag-iisipan ng tama ang magiging desisyon. Ini-unblock na niya ito.

Nagbabalak na siyang tawagan ito.

 Pero ano ang sasabihin niya? Itinanggi niya ito ng huli silang magkausap sa phone. Baka paglaruan na naman siya nito.

Bahala na nga. Mas mahirap kung hindi niya susubukan. Wala pang ilang segundo na nagri-ring agad na sumagot ang lalaki. Humugot siya ng malalim na hininga.

"Miss Escudero." bungad nito na may pagkagulat. "What a surprise."

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Kiefer. Gusto kong bumalik sa Helios. Tell me, anong kailangan ko gawin?"


Claiming the BeautyWhere stories live. Discover now