Chapter Fifty Four

287K 6.7K 335
                                    


"KUNG tingin mo mapapaamo mo ako dahil ipinamili mo na naman ako ng kung ano-ano.. didiretsahin na kita, Kiefer. Hindi." matigas na sabi niya. Pero di niya maiwasan na lihim na magdiwang sa effort nito. Hindi naman siya nagdemand ng kung ano ano dito.

"Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit. Sapat na sa akin na mapangiti kita."

Ang bilis lang ng oras kapag ito ang kasama niya. Hindi rin nila namalayan na pagabi na. Ang dami nilang pinamili. Katatapos lang nila kumain sa japanese restaurant at ngayon pauwi na sila.

"Naku, mag-book na lang pala ako ng taxi. Baka hinahanap na ako ni Mama." sabi niya kay Kiefer at kinuha ang cellphone sa bag.

"Bakit ka naman niya hahanapin? Nagsabi na ako kay Tita Sasha na hindi kasama kita ngayon hanggang bukas."

"Nagsabi ka?" nagulat siya. Pero mas nagulat siya sa huling sinabi nito. "At anong hanggang bukas? Hoy, hindi ako sasama sa 'yo sa haunted house mo noh!"

"Haunted house?"

"Oo, haunted house. Dahil pag dinadala mo ako doon, kung ano anong kababalaghan ginagawa natin. Kaya big no. Uuwi ako." at nag-umpisa na siyang mag-book ng taxi. Inagaw nito ang cellphone niya.

"Wala. Naipagpaalam na kita. Akin ka na."

"Hoy! Akin na 'yan!"

"Cellphone ba 'to?"

"Ay, laitan ba 'to ng phone? Alam kong mumurahin lang 'yan. Wag ka ngang ano dyan!"

"Grabe, nag-e-exis pat ba ang unit na 'to?"

"Oo, para sa mga poor na tulad ko. Rinig mo 'yun? Mahirap. Hampaslupa. Magandang hamog." Tumawa ito. "Bwisit ka, akin na nga 'yan!"

Pilit niyang inaabot dito ang cellphone niyang nilalait-lait nito.

"Your cellphone is a garbage." Nakakalokong ngumisi ito. "Tapon na natin."

Parang may kirot sa dibdib siyang naramdaman dahil sa sinabi nito. May karapatan ba ito para sabihin iyon? Wala. Alam niya kaya nito bumili kahit anong gustuhin nito. Pero hindi siya tulad nito na may malaking bank account. Pili lang 'yong mga bagay na afford niya. At dahil kailangan niya maging praktikal, mas pinipili niya 'yong mga pangangailangan niya kesa sa mga kagustuhan niya.

"Fine." pagsuko niya. "E di itapon mo kung gusto mo."

Natigilan si Kiefer nang mapansin ang mukha niya.

Nangilid ang luha sa mata niya. "Dyan ka magaling eh. Porke nakakabili ka ng mga gusto mo, tingin mo may lisensya ka na rin magsalita ng ganyan." Binitawan niya ang shopping bags na dala. "Salamat nga pala dito. Pero mas gugustuhin ko pa magsuot ng basura kesa sa binili ng pera mo."

Nag-walk out siya dito.

"Hey, hey!" Hinabol siya ni Kiefer. Papasok na ulit siya sa mall. Pinigilan siya nito sa braso. "I'm just kidding. Nainsulto ka? I'm sorry, that's not my intention."

"Pwes isipin mo na nakakasakit ka!" asik niya sa lalaki. "Basura ba? Kung ikaw kaya ang itapon ko?"

"Wala namang ganon." Niyakap siya nito pagkatapos ay ibinaba ang mukha sa kanya. Nakakatunaw ng inis ang titig nito. "That's just a joke, baby.. I'm sorry, okay?"

"Uulitin mo pa?"

"Hindi na." Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan. "Promise."

And with that, nadala ulit siya ng kanyang karupukan. Wala na yata siyang pag-asa. She's really into him. Magalit man siya sa binata ng ilang beses, matatagpuan pa rin niya ang sarili na kasama ito at hindi gugustuhin na mawala sa tabi nito.

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon