Chapter Forty

507K 10.5K 1.2K
                                    

"MASARAP 'yan. Tikman mo. Pag nagustuhan mo, order ka ulit sa akin, ha?"

 Matamis na ngumiti siya kay Romeo.

"Oo naman. Sabi mo, gawa 'to ng mom mo. I'm sure masarap 'to." sabi ng director manager nila habang nakatitig sa kanya.

"Di mo pa nga natitikman. Sayang, wala akong dala na pang-free taste, eh."

"No, it's okay. Sometimes, di na rin naman kailangan matikman para masabing masarao. Itsura pa lang nito, parang ma-enjoy ko na."

"Uy, si Sir. Pumuporma na." nagkantyawan ang ibang nandoon na staff habang nakatingin sa kanila. Namumulang sinaway niya ang mga ito.

"Ang mamalisyoso ha! Nagtitinda lang ako dito. Gusto nyo bumili rin kayo?"

"Wala bang discount?"

"Wala! Kuripot nyo ha!" Pinandilatan niya ang mga lalaki. Mga bartenders nila ''yon. Mahilig mang-asar sa kanya kapag nakikita siyang kausap ang manager nila.

Tumawa si Romeo. "Hayaan mo lang sila." Kinuha na nito ang isang bote ng homemade peanut butter. "Okay na ba 'yong bayad ko? Dagdagan ko pa para sa 'yo."

"Huwag. Okay na 'yon." tanggi ni Shamcey. "Di pa nga kita nasusuklian, eh."

"Keep the change." Kumindat ito sa kanya.

"Thank you." nahihiyang ngumiti ang dalaga. Inalok niya rin ang ibang kasama niya sa work. Naubos agad niya ang sampung piraso na dinala. May isang lang siyang itinira.

Magaling at naisip nga 'yon ng kanyang mama. Kaya pala ito nagpunta sa Manila ay dahil sa nadiscover nitong pagkakakitaan. Ang paggawa ng peanut butter. Ilang bakery na daw sa kanila ang napagde-deliveran nito. Nagustuhan ang gawa kaya unti-unting dumadami ang customers. Nakaabot pa ito sa Manila dahil sa pagdedeliver. Mabuti na lang may kasama ito na binabayaran nito kasamang magdistribute.

'Yong ibinigay pala niya dito noong huli ang ginamit nito pang-simula. Natutuwa naman siya. Nakahanap ng paraan ito para maghanap-buhay na hindi naman mabubugbog ang katawan nito sa hirap.

Naramdaman ni Shamcey na may nakatitig sa kanya mula sa likod. Nalingunan niya si Kiefer. Nakatayo at tahimik na nakamasid sa kanya. Parang kanina pa ito doon. Nahuli ba siya nito na nagtitinda ng peanut butter? Kinabahan siya. Baka pagbawalan siya nito. Sa totoo, kinapalan na nga niya ang mukha niya. Gusto lang kasi niya suportahan ang munting negosyo ng mama niya.

Ngumiti siya kay Kiefer.

Hindi ito gumanti ng ngiti. Ipinilig nito ang ulo. Wala sa mood? Ano naman kaya ang problema nito.

Ipinagpatuloy na niya ang trabaho. Mamaya pag may free time siya, mag-aalok pa siya sa mga kakilala niya sa labas. Madali naman hagilapin ang mga 'yon sa social media.

Muli siyang napatingin kay Kiefer. Madilim ang mukha nito, at sa kanya talaga ito nakatitig. Nakaramdam siya ng pagka-asiwa. Ano naman kaya ang nagawa niya this time?

Napanguso siya. Bakit naman din ito magagalit sa kanya? Hindi naman niya ito binitin noong huling beses. Maganda naman ang naging usapan nila nito. Malinaw na ulit sila.

O baka naman galit na naman ito dahil sa pakikipag-usap niya kay Romeo? Posibleng nakita nito 'yon. Sa huling nangyari sa kanila, dapat malinaw na dito na wala siyang balak pumatol sa iba.

Nagseselos na naman siguro ito. Seryoso talaga na naiinsecure pa ito sa iba laki ng "ano" nito. Pilyang gumuhit ang ngisi sa labi niya. Nabura lang iyon nang marinig ang pagtunog ng cellphone. Nakalimutan niya. Bawal sa work ang phone. Dapat na-silent niya 'yon.

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon