Chapter Thirty Two

521K 10.1K 684
                                    


 MAINIT na naman ang ulo ni Kiefer. This time wala iyong kinalaman sa MTS Industrial. Maganda ang daloy ng mga negosasyon nitong nakaraang araw. Palapit na rin ng palapit ang launching ng Helios Manila.

Everyone is getting ready for the big event. Maraming celebrity at kilalang personalidad mula sa entertainment industry ang pupunta. Kalmado lang siya sa paparating ng event.

But someone is bothering him.

Iyon ay ang mga alaala ni Shamcey. Napupuno pa rin ng tensyon ang katawan niya kapag naalala ito. She just rejected him again. Gusto niyang makaramdam ng pagkairita. Sino ba ito sa tingin nito? Pagkatapos nito pumayag sa kung anong meron sila, bigla na lang nitong puputulin? Dahil ba akala nito patay na patay siya dito at handa siyang ibigay dito ang lahat kaya nagpapahabol ito?

"Fuck," he cursed. Pinisil niya ang maliit na bola sa kamay niya. He wanted to see her again. Pinipigil lang siya ng isipin na baka harapan siya nitong iwasan.

He felt so violated. Pagkatapos siya nito matikman, ganoon na lang ba? Iiwasan na lang? Napangisi siya nang sumiksik sa isip niya ang hubad na katawan nito sa ilalim niya, pawisin at hinihingal habang umuulos siya sa pagitan ng mga hita nito.

The image burned in his mind. Hindi niya mabilang ang beses na inalala niya 'yon. Tangina. He should stop acting like a horny teenage boy. He's already thirty! Pero pagdating sa babae, parang ngayon lang siya nakatikim.

Nababaliw na yata siya.

But he can't blame himself. Ang mga araw na kasama niya si Shamcey ang mga araw din na naging masaya ulit siya. He felt so happy and alive. Pakiwari niya ay lumulutang siya. That was the best fuck of his life and he was still craving for more.

Imposible na 'yon. Wala pa man isang buwan, tinuldukan na agad nito ang meron sila. And it was his goddamn fault. Kaya lumayo ito sa kanya. Araw-araw pa rin naman niya ito nakikita sa Helios. Pero hindi niya mahawakan.. hindi mayakap. Nagpipigil lang siya lapitin ito at marubdob na halikan.

Masisiraan na siya ng bait sa mga imaheng pumapasok sa isip niya. Ito lang ang naiisip niya lalo na sa mga sandaling iyon. Napagpasyahan niyang lumabas muna ng opisina.

Bago dumaan sa Helios, nagpark muna siya sa Helios para bumili ng coffee. Naghihintay siya sa isang mesa para sa order niya ng may mahagip na pamilyar ang mata niya.

Mahinhin na tumatawa ang babae habang kaharap ang isang lalaki na sa tantya niya ay kasing tangkad lang niya. Naningkit ang mata niya nang makita na tinampal ng dalaga ang braso ng lalaking kausap.

He gritted his teeth as he stared at Shamcey. Nakinang ang mapupungay na mata nito at tuwang-tuwa sa sinasabi ng lalaki. Gumapang ang selos sa balat niya.

Parang gusto niyang maging bayolente sa imaheng rumerehistro sa isip niya.

Kilala niya ang lalaki. He was one of the managers in Helios. Di niya alam na pinopormahan nito ang dalaga. Batid niyang marami ang may gusto sa babae. Base na rin sa naririnig niyang usapan ng ibang lalaking staff.

She's a real beauty. He couldn't blame them.

Nagpipigil lang siya na lumapit sa mga ito at suntukin ang lalaking kausap nito. Obviously, the bastard likes her. Kitang-kita iyon sa paraan ng pagtingin ng lalaki sa nobya niya.

Tiim-bagang na pinanood niya ang pag-uusap ng dalawa. Kahit dumating na ang order niya, di naputol ang tingin niya. Lalo na sa dalaga. Masaya ito habang nakikipag-usap sa lalaking iyon. Nagpaalala iyon sa kanya kung gaano rin ito kasaya noong kasama siya sa bahay niya. Ngayon iba na ang nagpapatawa dito.

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon