Chapter Twenty

645K 11.8K 718
                                    

 MULING nagkamalay si Shamcey nang maramdaman niya ang mahinang pagyugyog sa katawan niya. Dahan-dahan niyang imunulat ang mga mata. Bumungad agad sa kanya ang gwapong mukha ni Kiefer.

There was a hint of concern in his eyes as he opened his mouth to speak.

"Are you okay?" tanong nito. Hindi maipagkakaila ang pag-aalala sa boses nito.

Tila may mainit na kamay ang humaplos sa dibdib niya. Sa nakikita niyang pag-aalala sa mga mata ng binata, pakiramdam niya binabalot ng kakaibang emosyon ang puso niya. He's more than just a man who just want her body. Sheesh, she couldn't believe it.

 'Yung mukha nito, akala mo asawa siya nito at manganganak na siya. Worried na worried!

"Shamcey?"

"Oh?"

"Nakatitig ka lang. I'm asking you. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Okay lang naman ako. Hindi masyadong okay.. Pero okay lang." Napangiwi siya ng may kumirot sa pagitan ng hita niya.

Hindi niya mapagtuunan ng pansin masyado ang sarili. 'Yong atensyon niya na kay Kiefer lang ngayon. Sumiksik sa alaala niya ang mga ginawa nila kanina. DI niya akalain na merong parte ng pagkatao nito ang makikita niya.

He was a gentleman. Patunay na roon ang pagiging masuyo nito sa kanya kanina. There was a respect and gentleness with the way his lips make love to hers. There's no doubt Kiefer was a good kisser.

Tuwing magkalapat ang kanilang mga labi, iba-ibang mga emosyon ang sumusulpot sa dibdib niya. And she just couldn't understand those emotions. Pinakamahirap na yata 'yong makaramdam ka ng isang damdamin na hindi mo mapangalanan.

All she could do is enjoy the feeling.

"Anong nangyari?" tanong niya kay Kiefer, kasabay ng pagbangon sa kama.

May puting kumot na nakatakip sa kahubdan niya. Napangiwi ulit siya ng maramdaman ang pagguhit ng hapdi sa pagitan ng hita niya. Alright, she was sore. Isang malinaw na palatandaan ng pag-angkin sa kaniya ng binata.

"Nakatulog ka pagkatapos natin--"

"Mag-sex?" pagdudugtong niya.
Nagsalubong ang kilay niya. "Nakatulog ako agad agad?"

Nagtaas-baba ang adam's apple nito, at parang naiilang na tumingin sa kanya.

Anyare?

"Uhh.. Iyon ang nangyari. Nakatulog ka pagkatapos natin mag---"

"Baka naman hinimatay ako?"

Nanlaki ang mata nito at mas lalong napakunot-noo siya.

"O, bakit ba ganyan ang reaksyon mo?"

Napalunok ulit ang lalaki, at namumutlang nag-iwas ng tingin. Anong problema nito? Ang weird lang.

"Oi, ano nga?"

Mailap ang tingin nito at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Nang hindi ito sumagot sa tanong niya ay naiinis na pinalo niya ang matipunong balikat nito.

"Sumagot ka nga. Kinakausap ng maayos, eh."

Nasapo nito ang noo. Pagkatapos ay huminga ito ng malalim. "I feel so guilty."

Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi nito. "Guilty?"

"Yup."

"Para saan?" O baka nagsisisi na ito? Umigting ang panga niya at bahagyang sumama ang tingin kay Kiefer.

"O baka hindi naman guilt 'yan. Baka pagsisisi na. Ano? Dahil natikman mo na ako and you finally come to your senses. Narealize mo na hindi mo ako dapat ginalaw."

Claiming the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon